Chapter 30: Betraying Prince (Part 1)

2.2K 45 20
                                    

WTF! Part 1 na naman? Si otor nahihilig sa 2-part chorvas!

Deh, ganito kasi yan... Lusaw na naman yung utak ko. Marami pa akong makabagbag-damdaming ideya para sa chapter na 'to kaso hindi ko na maisulat. (Isisi sa Minion Rush bwahahahah!) Tas gumagawa rin ako ng audition entry para sa WWBY2016 (whew! May bago na naman akong concept! Hindi ko na matatapos yung entry ko hahahah)

And lastly... naging busy ako sa paggawa ng....


tantananantantan!!!!

TRAILER!!!!

Congratulate me, guys, congratulate me!

Sa wakas ay nagawa ko na ang trailer ni Cindy <333

Big thanks to Micluasca, ICSSL_Ice_Princess7 and brattyalee for the suggestions. Pefect yung MV ng Blank Space para sa trailer wahahahah! Problema ko na lang yung trailer ni Prince T_T

Anyway, available na po sa first book yung trailer. Pero dahil alam kong hindi na kayo sisipaging lumipad sa book 1 para manood, heto, nasa taas (media section) ang pinaghirapan kong video. Oo, bold talaga para madama n'yo naman XDD (maawa kayo sa tatlong araw na ibinuhos ko sa paggawa niyan, hindi pa counted yung ilang oras na nasayang dahil nagloloko yung net at ayaw mag-DL ng videos)

In my experience, hindi yan nagpi-play pag nasa app... so you might want to just check it out on https://youtu.be/lWBnCNWVSiI, or simply search The Wicked Cinderella | Wattpad Trailer

Sabi ni Cindy huwag daw akong mag-a-update hangga't hindi nagkakaroon ng 100 views yung trailer niya.

(Ang kapal ng mukha niyang mag-utos. Ugh, di na talaga siya nagbago! T_T)

Last!

Malapit-lapit na po ang ending ng story na 'to. More or less, 50 chaps din ang aabutin. Sana po ay makakapit kayo hanggang sa dulo.

Sana rin ay suportahan n'yo ang librong isusunod ko rito. Gagawan ko rin siya ng trailer. Saan kaya ako pwedeng maka-download ng Just the Way You Are? (Yung movie ng LizQuen based from The Bet). Hindi ko nabasa yung book o napanood yung movie pero based dun sa trailer, feeling ko makakakuha ako ng magagandang clips for my next book. :)


Okay. Awat na ako. Mas mahaba na naman ang note kaysa sa chapter. Bawi ako next... uhh, month? lols.


--------

Chapter 30: Betraying Prince (Part 1)


Isinandal ni Cindy ang likod sa pader pagkasarang-pagkasara ng elevator. Mag-isa siyang paakyat sa floor kung nasaan ang unit niya. Mag-isa. Walang kapit-bahay. Walang taga-ibang floor. Walang Prince.

Humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga. Ilang oras na mula nang iwan niya si Stephanie sa opisina nito. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang balita.

Baka naman hindi siya nakipaghiwalay?

Dahil sa isiping iyon ay wala sa oras na napasabunot siya sa sarili.

"Hindi ko yata siya dapat binigyan ng ultimatum." Muli siyang bumuntong-hininga. "Pero sabi niya hihiwalayan niya si Stephanie para sa 'kin," mukmok pa niya. Napakamot na lang siya ng ulo.

Prince So Charming: The Wicked ContinuationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon