Hop! Bago kayo kiligin sa last word sa title... note muna!
Oo na! Ako na ang matagal mag-update. Sorry na please? Haha! Readers ko, balik na kayo! Magpapakabait na po ako (I'll try). Syangaps, ipag-pray n'yo sanang pumasa sa PHR yung MS ko para hindi ko na kailangang mag-apply ng work hehe. Ang hirap kasi talagang pagsabayin yung pagsusulat at pagtatrabaho... at pakiki-beastmode sa twitter XD.
Anyway, for now, habang freeloader pa ako sa bahay (jusko, buti pa yung kapatid kong mas bata sa 'kin, may trabaho -_-), sisikapin kong makabawi sa inyo. Sana matapos ko na 'to ASAP para mapagtuunan ko naman ng pansin yung iba ko pang ongoing hehe...
Yun lang... salamat po sa inyong patuloy na pagsuporta sa kwento ni Prince <3
Short chapter lang dapat to pero humaba. Ang landi kasi nung dalawa ahahahaha! Hindi ko na rin napalabas yung talagang plano ko para sa final scene. Pero... happy na rin ako sa kinalabasan.
COMMENT PLEASE????
NO. PROOF. READ.
-------------
Chapter 15: The Pissed, the Prince and the Kiss
Kasalukuyang nire-review ni Prince ang hard copy ng report na ipinaayos niya kay Cindy. Puwede naman sana nitong i-send na lang iyon sa e-mail niya pero mas gusto niyang nagbabasa ng print outs.
Kalilipat niya lang sa sunod na pahina nang kumapa siya sa kanang bahagi ng mesa para sa tasa ng kape. Napansin niyang magaan na ang tasa nang iangat niya. Pagtingin niya ay wala na pala iyong laman. Ibinaba niya muna ang binabasa para magtimpla ng panibago.
Nang makalabas siya ng pinto ay sumalubong sa kanya ang bakanteng mesa ni Cindy. He suddenly felt empty. Tiningnan niya ang tasang binitbit niya palabas. "Sana pala hindi muna kita pinauwi. Kung nagsabay tayo, maihahatid pa kita."
"Nakasakay na kaya 'yon?" Kumunot ang noo niya sa naisip. Sumilip siya sa suot na relo. Higit sampung minuto pa lang pala mula nang magpaalam ito. Kung ganoon ay posibleng hindi pa ito nakakalayo. Nagmamadali niyang iniwan sa pantry ang tasa nang maisip na sundan si Cindy. Binalikan niya lang ang cellphone at binabasang report pagkatapos ay lumabas na siya.
Naglalakad siya papunta sa elevator nang mula sa hallway ay mapasilip siya sa lobby sa ibaba. Patawag na sana siya noon sa front desk para ipahanda sa valet ang kotse niya pero hindi niya na itinuloy.
Ikakatuwa niya na sanang nakita niya doon si Cindy, kung hindi niya lang naaninagan ang mukha ng kausap nito—si Johan. Kumuyom na lang ang kamao niya, nalukot tuloy ang hawak niyang dokumento. Lalong nagdilim ang paningin niya nang makita ang ginawang pagkapit ni Cindy sa braso ng lalaki.
Isinalin niya ang tingin sa cellphone. Idinikit niya iyon sa tenga niya matapos i-dial ang numero ni Cindy. Hindi na niya pinanood pa ang sumunod na mga eksena sa lobby. Alam niyang wala nang susunod. Dahil pababalikin niya si Cindy sa office.
And that Johan? he thought to himself. Maghintay siya hanggang mamuti ang mga mata niya!
"Grrr!" Ginulo na lang ni Cindy ang buhok sa inis. Kanina pa siyang nakatutok sa computer niya pero hindi siya makapagtrabaho nang ayos. Kung tutuusin ay madali niya na lang matatapos ang pag-e-edit sa report dahil nagawa na niya iyon kanina. Tanda niya pa ang karamihan sa mga dapat iayos doon. Ang kaso, pinangungunahan siya ng kanyang emosyon.
Hindi niya ma-gets ang trip ni Prince. Tama ba naman kasing pilitin siya nitong pauwiin, pagkatapos ay papabalikin para lang ipaulit ang trabahong natapos niya na? Ang masaklap pa, uulit siya hindi dahil sa may mali sa trabaho niya, kundi dahil pinakain nito sa shredder ang pinaghirapan niya!
BINABASA MO ANG
Prince So Charming: The Wicked Continuation
Fiction généraleTalagang ang lahat ay nag-iiba. Matapos mawalan ng alaala, bumait na ang malupit na Cinderella. Ang prinsipe niya namang dati-rati'y lagi lang sa tabi niya ay pinili nang lumayo dahil na rin sa patuloy niyang pagtulak rito. Makalipas ang apat na tao...