Chapter 34

2.1K 57 34
                                    

Brief history.

It was exactly a year ago (February 23,2015) when I posted Prince's prologue. After 365 days, it already gathered 38.8K reads, more than six times the number of reads Cindy had for her first three years on Wattpad. Pero salamat sa inyo, may 155K reads na si Cindy! 

So thank you very much to all of you who keep reading this book up to this point! I'm very much grateful to all of you! 

Additional notes...

Naging busy po ako nitong mga nakaraan dahil sa Minion Rush (na naman), sa paghabol sa deadline ng WWBY16 (whoo, nakapag pasa ako ng entry! Wish me luck!), at sa pagsubok na gumawa ng iba pang kwento (oo, puro subok. Yung utak ko kasi hanggang conceptualization lang).

At dahil medyo matagal na mula nang isulat ko ulit si Prince... sabaw ako ngayon. Super.

Sorry talaga. Nakakabadtrip ako diba? Okay lang, you may drop this anytime you feel sick of waiting for updates. Naiintindihan ko po. Kahit ako gusto ko nang sapakin ang sarili ko.

Sabaw pero drained.

Ayoko nang umulit. Magpapakatino na ako promise! Pipilitin kong ibalik yung regular update. Pasensya na po talaga.

Iso-short cut ko na lang yung story para di na humaba. Yung nabanggit ko noon na may isa pa silang pagdadaanan, baka hindi ko na ituloy. Alam kong nauumay na kayo sa away bati nila kaya hihinto na ako.

Sa totoo lang takot na kong magtingin ng notifs at magbasa ng comments. Pasensya na po talaga.

Note to self: next time, gumawa ng totoong outline.

Enough with the notes. Here's the update.

#NoProofread


-------

-------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Maaga pa lang ay naggayak na si Cindy para pumunta sa hotel. Balak niyang bisitahin si Prince. Alam niya namang walang mangyayari kapag nanahimik lang siya't naghintay. Kaya't sisimulan na niya ang pagkilos.

Kahapon pa ang huling pag-uusap nila, noong subukan niyang tawagan ang numero nito. Pagkatapos niyon ay wala na. She tried texting him, but never once did he return any of her messages.

At mukhang wala itong balak na kausapin pa siya. Kaya siya na ang pupunta rito para mangulit at magpapansin. She doesn't want to be out of his sight anymore.

Rather she wanted to assure him of their score, bagay na hindi niya nagawa noon. Ngayon ay oras na para bumawi siya.

May dala pa siyang sandwiches para sa binata. Hindi dahil maaga pa't gusto niya itong makasabay mag-almusal. Ang totoo'y hindi niya alam kung anong puwedeng ipasalubong dito.

Kanin ba? Pero hindi niya alam kung anong paborito nitong ulam.

Cake? Cookies? Pastries? Baka hindi ito mahilig sa matamis.

Prince So Charming: The Wicked ContinuationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon