This is an optional chapter.
Bakit po optional? May something SPG po ba rito na hindi dapat mabasa ng lahat?
Asa
LOL
Para lang po ito sa gustong magbasa... ng POV ni Stephanie (third person narration pa rin ito pero more on sa feels ni Stephanie...)
Alam ko naman na yong iba sa inyo ay ayaw kay Stephanie. Nagwa-warning lang ako kasi moment niya ito.
Moment niya para masaktan bwahahahah
----------
Hindi na napigilan ni Stephanie ang sarili at binuksan niya ang pinto upang silipin si Prince. Kanina pa itong nagkukulong sa kuwarto, mga dalawang oras na rin. Nakaupo lang ito sa dulo ng kama. Nakayuko. Tulala. Bakas pa rin sa mukha nito ang kalungkutan.
Naninikip ang dibdib niya sa nakikita. Parang bumabalik siya sa nakaraan—sa panahon kung kailan labis-labis din ang pangungulila nito para kay Cindy. Gusto nitong palaging mapag-isa, laging nakatanaw sa binata; sa himpapawid, na para itong sabik na sabik na umuwi. Si Cindy ang laging laman ng isip nito, at ang parating bukambibig.
Madalas itong walang gana. Sa kanya pa nito itatanong kung anong oras na ba sa Pilipinas, o kung sa tingin ba niya'y nakakain na rin si Cindy. Kesyo ayaw nitong magutom ang dalaga.
Sa tingin mo ba iniisip niya rin ako?
Nami-miss niya rin kaya ako?
Galit pa rin kaya siya sa 'kin?
Pati ang mga ganoong tanong ay sa kanya nito ibinabato. Siya ang madalas nitong kausap, ang lagi nitong kasama. Paulit-ulit siyang makikinig sa mga kwento nito tungkol kay Cindy. Pipilitin niya ang sariling ngumiti sa tuwing inaaliw nito ang sarili sa paglalahad. Kunwari na lang ay masaya siyang marinig ang sasabihin nito, kunwari hindi siya nasasaktan, kunwari hindi siya naiinggit. Kunwari hindi siya nahihirapan.
Noon pa man ay isa na siyang piping saksi sa nag-uumapaw nitong pagmamahal para sa walang pusong babae. Litong-lito siya sa kung anong mayroon ito at baliw na baliw si Prince dito. Na para itong araw na siyang tanging iniikutan ng mundo ng binata.
Malupit si Cindy.
Pero mas malupit si Prince.
Makailang ulit siyang pumikit upang pigilan ang mga luhang papaakyat sa gilid ng kanyang mga mata. Bumuntong-hininga pa siya bago tuluyang pumasok sa madilim na silid. Patay ang ilaw sa kwarto, at nakababa ang mahabang kurtina sa harap ng pintong paroon sa balkonahe ng unit nito.
Binuksan niya ang kurtina at hinayaan ang sinag ng araw na pumasok sa loob. Binalikan niya ito ng tingin. Tulala pa rin ito, wala man lang reaksyon sa pagsalubong dito ng init ng tanghaling tapat.
Nilapitan niya ito't tinabihan. "You haven't eaten anything yet. May gusto ka bang kainin? Gusto mong ipagluto kita?"
Ngunit wala itong nakuhang sagot. Ni tango o iling ay wala siyang natanggap.
"Gusto mo ng chicken adobo? Paborito mo 'yon, di ba?"
Wala pa rin itong imik.
"Curry? Sinigang na baboy?"
Lumitaw ang maliit nitong ngiti nang marinig ang huling ulam na binanggit niya. "Paborito ni Cindy ang sinigang."
"Prince." Kumuyom ang kamao niya. Bumabalik nga yata sila sa nakaraan.
BINABASA MO ANG
Prince So Charming: The Wicked Continuation
General FictionTalagang ang lahat ay nag-iiba. Matapos mawalan ng alaala, bumait na ang malupit na Cinderella. Ang prinsipe niya namang dati-rati'y lagi lang sa tabi niya ay pinili nang lumayo dahil na rin sa patuloy niyang pagtulak rito. Makalipas ang apat na tao...