Chapter 37

2.1K 62 22
                                    

At dahil Holy Week na, mag-fasting tayo! Fasting sa pagbabasa bwahahahah. Again, feel free to leave this book anytime kapag tinamad kayong maghintay ng update. Gusto nyo balikan nyo na lang pag completed na. O kahit wag nyo na balikan ever hahahahah. Pero joke lang yun. Kahit ganito ako, tatapusin ko 'to one day. So thank you very much sa mga patuloy nagbabasa at naghihintay ng once-in-a-blue moon update. Kapag nakaluwag-luwag ako sa oras, makakabawi rin ako sa inyo (weh, author? Mag-aral ka muna ng time management!)

Whew. Bat ang ikli ng note ko ngayon? Ahahahahah!

No. Proofread. 

---------

Isang bowl na oatmeal na nga lang ang hapunan ni Cindy, hindi niya pa maubos. Ilang minuto na siyang nakaupo sa hapag. Lumamig na't lahat ang niluto niya pero hindi niya pa nagagalaw. Maski asukal ay hindi niya iyon nalagyan. Parang hindi niya nga rin maalalang nagluto siya. Wala talaga siya sa sarili. Ang alam niya lang ay kanina pang mahapdi ang mga mata niya.

Ewan nga niya at hindi pa siya nahihimatay sa dehydration. Pakiramdam niya'y ubos na ang lahat ng tubig sa katawan niya dahil sa maya't mayang pag-iyak.

Bumuntong-hininga na lamang siya't sumubok na iwaksi sa isip ang lahat. Kailangan niyang kumain. Lalaban man siya o susuko, kailangan niya ng lakas. Sa wakas ay nagawa niyang hawakan ang kutsarang kanina pang nananahimik sa tabi ng babasaging mangkok. She scooped a spoonful of her thick oatmeal to feed herself.

Paulit-ulit niya iyong ginawa sa kabila ng katabangan ng pagkain. Mayamaya pa ay naubos na niya ang laman ng bowl. Ngayon niya lang natantong gutom pala siya. Pasado alas-diez na ngunit ngyayon pa lang siya naghapunan. Hindi rin siya nananghalian o nagmiryenda man lang. No wonder she finished her bowl of tasteless oatmeal.

Tumayo siya't tumungo sa dishdryer para kumuha ng baso. Sunod niyang tinungo ang ref para naman sa pitsel ng pinalamig na tubig. Bitbit ang mga iyon, bumalik siya sa mesa at naupo. Halos tulala siya nang salinan ng tubig ang baso. Kinuha niya ang baso pagkatapos saka inubos ang isinaling tubig. Daig niya pa ang isang naka-program na robot. Parang automatic ang lahat ng kilos niya.

Bitbit na ang maruming mangkok, muli siyang tumayo. Pagpihit niya'y nasanggi niya ang wala nang lamang baso. Nabasag iyon nang humampas sa malinis na sahig.

Sa halip kumilos para linisin ang mga bubog ay yumuko lang siya't tinitigan ang basag na baso. Nahati sa dalawa ang puwit niyon, ang katawa'y sa maraming piraso. Iba-iba ang hugis ng bubog, iba-iba rin ang laki. Ngunit higit sa baso, ibang basag na bagay ang tila nakikita ni Cindy.

"Sorry," mahinang wika niya. "Sorry. Hindi ko sinasadya. Sorry."

Tulad ng sa mga artistang mahuhusay sa drama, agad nag-akyatan ang mga luha sa palibot ng mugto niyang mga mata.

"Sorry, sorry," patuloy niya. Unti-unti siyang napapaluhod. Paulit-ulit ang paglabas ng salitang "sorry" sa kanyang bibig. Ngunit kahit anong hingi ng tawad ang gawin niya sa baso, hindi na iyon maibabalik sa dati. Hindi na iyon mabubuo.

Gayundin ang puso ni Prince. Kahit mag-sorry siya, kahit magpaliwanag pa siya, hindi magagamot ng hamak na mga salita lamang ang nagkagutay-gutay nitong puso. At ang isiping iyon ang nag-udyok sa kanya para tuluyang maiyak.

She wished to heal him; but it was her who broke him beyond repair.

Nasa kalagitnaan siya ng pag-iyak nang mag-ring ang doorbell. Noong una'y hindi niya iyon pinansin. Ngunit umisang pindot pa yata ang nasa likod ng pinto at umulit ang tunog.

Dali-dali siyang napatayo nang maisip ang posibilidad na bumalik si Prince. Ito na rin naman ang nagsabi, hindi nito kayang pigilan ang sarili. Baka nga ito ang bisita niya? Inayos niya agad ang sarili. Gamit niya ang halos kabuuan ng palad para punasan ang luhaang mukha. Kasabay nito ang naglalakihan niyang hakbang papunta sa pinto. Gayon na lang ang pagkadismaya niya ng ibang mukha ang makita niya. Kay Edwin.

Prince So Charming: The Wicked ContinuationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon