Chapter 14: Bipolar Prince

3.8K 94 3
                                    

Ibinaba ni Cindy ang mga hawak na kubyertos. Nang hindi siya makuntento sa nilikha niyong ingay ay tumikhim pa siya.

"I'm serious," ani Prince, hindi nagpatinag sa pagkikibit-balikat niya. Itinuloy naman ni Cindy ang hindi pagpansin sa binata.

"Maiba 'ko. Pa'no ka palang nakapasok dito?"

"Didn't you miss me?" She felt herself shiver when he answered her with another question.

Muli siyang tumikhim. "Kung ayaw mong sagutin, okay lang." Bumalik na lang siya sa pagkain. Masyado na siyang praning para paniwalaan na naman ito.

"I have my ways," he finally answered, in a mysterious way though.

"Ah, akyat-bahay ka na ngayon?"

"Walang second floor 'tong unit mo kaya hindi mo 'ko pwedeng tawaging akyat bahay." Bumaba ang mga kamay nito. Sa kabila ng nakaharang na mesa ay alam ni Cindy na may kinuha ito sa bulsa. Nang mag-angat si Prince ng kamay ay may hawak na ito. Isang susi. Iwinagayway iyon ni Prince sa harap mismo ni Cindy.

"Bakit kamukha niyan yung—teka, susi ba yan nitong apartment ko?"

Lumapad ang ngiti ni Prince. "Ano sa tingin mo?"

Dahil sa narinig, agad tinangka ni Cindy na hablutin ang susi mula kay Prince. Ang kaso ay mabilis nitong naiiwas ang kamay.

"Bakit may susi ka ng bahay ko? Akin na yan. Ibalik mo!"

"At ba't ko 'to ibabalik sa'yo? Alam mo ba kung magkano ang ginastos ko makuha lang 'to?" Nang subukang manghula ni Cindy ay si Prince na mismo ang sumagot sa sariling tanong, "6 months worth of your rent."

Lalong hindi nakasagot si Cindy. Limang libo lang naman ang renta niya sa isang buwan. At kung talaga ngang kapresyo ng susing iyon ang anim na buwan niyang renta...

"Wala ka bang magawa sa pera mo?"

"Not really. Pero wala na kasi akong ibang naisip gawin para patawarin mo 'ko sa nagawa ko kahapon. So I just did what I used to do. 'Yong pagsilbihan ka at alagaan ka hanggang sa maramdaman mo yung sincerity ko at mapatawad mo 'ko."

Cindy blinked a few times. Parang biglang humapdi ang paligid ng mga mata niya. "Kailangan mo ba talagang ibalik 'yong nakaraan?" Para ano? Para konsensyahin na naman ako?

"Was the mere mention of the past offended you?" Sa tingin niya'y nahimigan nito ang hinanakit sa kanyang tono.

"Prince, kailan ka ba magmu-move on?" Tumaas na ang boses niya. "Look, apat na taon na ang nakakaraan. Puwede bang huwag na natin 'yong ungkatin?" Masakit eh. Marami akong pinagsisisihan sa nakaraan.

Ano ba kasing meron sa past at hindi ka makabitaw?

Napakaraming bagay ang gustong sabihin ni Cindy ngunit hindi niya magawa. Natatakot siya sa maaari nitong isagot. Paano nga kung talagang hanggang ngayon ay nabubuhay pa rin ito sa nakaraan?

Dahil ba sa dating Cindy? 'Yong Cindy na kahit galit sa 'yo, hindi ka nagawang iwan? Hindi tulad ko na nag-confess na't lahat, pero sinaktan ka pa rin? 'Yon ba ang dahilan Prince? Hindi ka makaalis sa nakaraan dahil doon mo naiwan ang dating ako?

Kung noon ay sa ibang babae siya naiinis, ngayon ay sa sarili na niya. Nagseselos siya sa dating siya.

Ano bang ginawa sa 'yo ng dating Cindy? Dapat ba maging malupit din ako sa 'yo Prince?

Sabay sa muli niyang pagyuko ang paghugot niya ng malalim na hininga.

"Can I be honest in answering that question of yours?"

Prince So Charming: The Wicked ContinuationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon