Chapter 11: Yearning Prince

3.3K 106 8
                                    

Dear readers,

Sorry kasi sabaw lang talaga ako lately. Ayoko na sanang bawiin yung hiatus ni Prince since hindi ko rin naman magawa yung iba kong stories (lol) at... at... mahal ko talaga si Prince kaya hindi ko siya kayang tiisin! Huhu! Thing is, sabaw talaga ako. So, pagpasensyahan ang madramang update bwahahahahahahaah. Bumalik na rin ako sa taglish! Conyo mode na ulit ako XD I'll try to upload chapter 12 next week... kaso wala pa sa kalahati ng next chap ang naisususulat ko. Anyways, maraming-maraming salamat nga pala sa inyong lahat na patuloy na nagbabasa. Hindi na yata nawawala sa rankings si Prince hahah! He's currently GenFic's #248. :)

And... pa-plug ha? May video sa media section... trailer ng story ko entitled The Risks of Reaching That Star. Sana tignan n'yo hehe. Gusto ko lang ipagyabang yung pinaghirapan ko XD

Last! Sabog ako kaya ayaw gumana ng proofreading skills ko lols. Pagpasensyahan ang pagiging madumi ng update. Peace!

Short Update

----------

Chapter 11: Yearning Prince


Diretso ang lakad ni Cindy pabalik sa kanyang mesa nang makalabas mula sa opisina ng presidente. Busangot pa rin ang kanyang mukha. Hindi naupo si Cindy sa sariling puwesto, sa halip ay dali-dali niyang binitbit ang itim niyang Mendrez leather bag. Iyon ang unang bag na nabili niya gamit ang sariling pera.

Pagkadampot na pagkadampot ng gamit ay mabilisan din siyang naglakad para tunguhin ang pinto. Natutunan na niyang magsuot ng flat shoes lalo't madalas siyang patakbuhin ng lalaki pa-Starbucks pag ayaw na nitong magpatimpla ng kape.

Ah, nagpapatimpla nga pala ulit ng kape ang loko.

Eh ano? nasaisip ni Cindy. Napalingon siya pabalik sa malaking pinto ng tanggapan ni Prince. Sarado pa rin iyon. Mukhang walang balak ang lalaking habulin siya't hingan ng tawad.

"Who cares?" sambit ni Cindy. "Laro lang sa'yo lahat? Wala ka nang pake sa nararamdaman ko? Then fine. The feeling's mutual. From now on, wala na rin akong pake sa'yo!"

Kagat-kagat ni Cindy ang pang-ibabang labi nang tuluyan niyang lisanin ang malaking silid. Uuwi na lang siya.

***

5 minutes... 10 minutes... 20... 30.

Ilang minuto nang nag-aabang si Prince sa muling pagbubukas ng kanyang pinto. Nainip na siya't lahat ngunit wala pa ring bumabalik na Cindy sa loob.

"Gusto mong kape? Magtimpla ka mag-isa mo! I quit!"

Pumikit, tumingala, bumuntong-hininga. Sabay-sabay yang ginawa ni Prince nang maalala ang sinabi ng galit na si Cindy kanina.

"Kung hindi ka naniwala, bakit ka nagagalit?" Nakatingala pa rin si Prince; diretso ang kanyang tingin sa kisame.

Umayos na siya ng upo saka inangat ang receiver ng office phone niya. Sinubukan niyang tawagan ang telepono ni Cindy pero walang sumasagot.

"I quit!"

Naipikit na naman ni Prince ang mga mata nang maglaro sa kanyang isipan ang huling sinabi ni Cindy. Sinubukan niya ulit tumawag. Hindi pa rin kumonekta. Dali-dali siyang tumayo at dumiretso sa pintuan palabas ng kanyang opisina.

"At bakit hindi mo sinasagot yung tawag ko?" bungad ni Prince nang makalabas siya ng pinto. Ngunit dahil wala siyang naabutan sa mesa ng kanyang sekretarya, wala siyang nakuhang sagot. Namaywang na lang si Prince, kasabay niyon ang paglitaw ng isang naaasar na ngiti sa kanyang mukha.

Prince So Charming: The Wicked ContinuationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon