Isang mahabaaaang update. Hahatiin ko sana 'to sa dalawang parts kasi nahahabaan talaga ako kaso tinatamad ako hehe... at dahil tamad ako, hindi na naman ako nag proofread XD
Comments? <3
------
Chapter 26: Being with Prince
Unti-unti nang nagigising ang diwa ni Cindy. Pero tamad pa siyang bumangon. Ni wala pa sa isip niyang buksan ang mga mata. Wala rin siyang pake kung maaga pa o tanghali na. Wala rin naman siyang balak pumasok sa trabaho.
Naisip niyang mas okay kung hindi niya na rin papapasukin si Prince ngayon. Magdi-date na lang sila ng buong araw. At hindi ito pwedeng tumanggi kung hindi ay magagalit siya.
But speaking of Prince...
Hindi niya na madama ang yakap nito. Kumapa siya sa kanyang tabi ngunit hindi niya ito nahawakan. Dahan-dahan niyang idinilat ang isang mata. Gayon na lang ang pagkabigla niya nang hindi niya ito makita sa kanyang tabi. Dali-dali siyang napabangon.
"Prince?" Lumingon siya sa paligid pero wala ito. Bumaba ang tingin niya sa sahig. Wala na ang sapatos na hinubad nito kagabi. Pero naroon pa rin ang coat na ipinatong nito sa dressing chair.
Ano yan, souvenir?
"Teka lang. Wala naman akong sinabing umalis siya ah? Iniwan niya ba 'ko?"
Agad siyang nag-panic sa naisip. Nagmamadali siyang tumayo. Halos magkanda-dapa-dapa pa siya sa paglabas ng kuwarto.
Nakahinga lang siya nang maluwag nang isang pamilyar na likod ang sumalubong sa kanya pagsilip niya sa kusina. Ilang beses nang nangyayari ang ganoong tagpo. Magigising siya sa amoy ng sinangag, lalabas ng kwarto at maaabutan itong nagluluto.
Pero bakit hindi niya naamoy ang niluluto nito ngayon?
Bumaling siya sa hapag. Walang sweet ham sa mesa. Pero may chocolate syrup at honey. Nakalabas din ang pinakatitipid niyang strawberry jam, pati ang paubos nang butter. May isa pang naroon. Isang plato ng naggagandahang pancakes.
"Gising ka na pala!"
Naibalik niya ang tingin kay Prince. Abot-tenga ang ngiting isinalubong nito sa kanya. May suot na naman itong apron. Dala nito ang isa pang platong nag-uumapaw sa bagong lutong pancakes.
"Tamang-tama ang gising mo. Luto na ang almusal. Halika na, kumain ka na."
Pinanood niya itong ilapag ang bitbit sa maliit na mesa. Walang paglagyan ang matamis nitong ngiti. Mukhang maganda ang naging gising nito.
Samantalang ako... samantalang ako.
She already had anxiety for breakfast. And she was already full.
Kumuyom ang kamao niya. "Sinong may sabi sa 'yong umalis ka sa tabi ko?"
Napalitan ng pagtataka ang kanina'y masaya nitong ekspresyon nang humarap ito sa kanya.
"Sino ngang may sabi?" Kapansin-pansin ang pagtaas niya ng boses. "At sinong nagsabing magluto ka? Sinabi ko bang gusto ko ng hotcake sa almusal?"
"Cindy," halos pabulong nitong tawag. "Bakit ka ba nagagalit?"
"At sinong may sabing pwede kang magtanong? Sagutin mo muna ako. Sinong may sabi sa 'yong bumangon ka habang natutulog pa 'ko?'
"Wala," sagot nito sa wakas. "Ano bang nangyayari sa 'yo? Bakit, nanaginip ka ba nang masama?"
BINABASA MO ANG
Prince So Charming: The Wicked Continuation
Ficción GeneralTalagang ang lahat ay nag-iiba. Matapos mawalan ng alaala, bumait na ang malupit na Cinderella. Ang prinsipe niya namang dati-rati'y lagi lang sa tabi niya ay pinili nang lumayo dahil na rin sa patuloy niyang pagtulak rito. Makalipas ang apat na tao...