Howdie readers? May natitira pa? Lols
Anyways, sorry talaga kung isang buwan (mahigit) bago muling nadugtungan ang kwentong ito. So, currently ay nagti-train ako somewhere... at hectic ang sked namin huhuhu sobrang overtime kami dun. 11 hours plus! Wala na akong oras na gumawa ng UD. TT_TT o mag wattpad man lang. Pero shh lang kayo, wala akong balak na magtuloy dun. Tatapusin ko lang yung isang buwan, kukunin yung allowance ko at baboosh na ko dun. Haha! Mas mahal ko ang pagsusulat kahit hindi ako kumikita rito... well, maybe one day. Who knows? Sobrang miss ko na ang pagsusulat kaya baka mag post (na naman) ako ng bagong story (na malamang eh hindi ko rin mapanindigan pagtagal XD) by next month. Pag natuloy yun, sana suportahan nyo rin ^_^
Mabanggit ko nga pala... recently ay nagbabasa ako ng pocket books (kailangan ko kasi ng idea how pocket books work dahil balak kong magpasa sa MSV at PHR. Pag na-publish yung ginagawa kong MS, bili kayo ha? Lol). So, dun sa nabasa ko kasing book, yung bidang babae ay may crush na PRINCE at yung bidang lalaki ay may crush namang CINDY. Langya eh. Feeling ko nagpaparamdam sa'kin yung mga characters ko hehe... ang matindi pa, partners yung cindy at prince dun sa story. Ikinasal nga sila eh! Tas sa kasal, ang nakakuha ng bouquet ay yung heroine at yung garter ay... hindi nakuha nung hero para masaya wahahahaha! Pero yun nga, epic lang. Sana magkaron din ng happy ending si Cindy at Prince ng novel ko wahahahahah. (At dahil sa pagpaparamdam nila, eto, kahit alas dose na at 10 am ang start ng duty ko tomorrow, gising pa ako para ayusin 'tong update.)
Anyways...
Magbalik-tanaw lang muna tayo. Sa nakalipas na chapter ay nahuli ni Prince si Cindy na yumakap kay Johan. Nangyari naman ito dahil inalo ni Johan ang umiiyak na si Cindy. Bakit umiiyak si Cindy? Well, kasalanan ni Prince. According to Cindy, pinaasa siya ni Prince. Remember their office scene? Yung part na puro hugot si Prince regarding their "past" tapos yun pala ay nangti-trip lang ito? Okay, hanggang don lang ang flashback.
Let's start with the current chapter!
***
Chapter 13: What Prince Feels
"Anong ginagawa mo rito?" Lalong kumunot ang noo ni Prince nang makita si Stephanie sa kanyang condo unit. Sirang-sira na nga ang mood niya dahil sa naabutan sa apartment ni Cindy, heto't dadagdag pa ang makulit niyang fiancée.
Mula sa magka-ekis na mga hita'y tumayo si Stephanie sa kalagitnaan ng couch para salubungin si Prince. Nananatili namang magkakrus ang mga braso niya. "What, wala na ba 'kong karapatang bisitahin ang fiancé ko?"
"Pagod ako, Stephanie. Bukas na lang tayo mag-usap." Habang naglalakad papunta sa kwarto'y niluluwagan ni Prince ang itim niyang kurbata.
"So pagkatapos mo 'kong palayasin sa office mo kanina, paaalisin mo lang din ako ngayon? Don't you think I deserve an explanation to the shits you're doing to me, Prince?"
Sabay sa pagpikit ay ang pagbuntong-hininga na lang si Prince. Napipilitan siyang humarap kay Stephanie. "Busy ako sa trabaho. Ayoko ng istorbo kaya pinaalis kita kanina. Ngayon naman, pagod ako kaya pwede ba? Just go home. We'll talk tomorrow."
"Yun lang? Prince, sa tingin mo ba napakakitid ng utak ko?" Nakipagsabayan na si Stephanie sa pakikipagtaasan ng boses ng nobyo. "Kung sasabihin mong pagod ka, maiintindihan ko. Kung sasabihin mong busy ka at ayaw mo ng istorbo, maiintindihan ko rin. Hindi mo 'ko kailangang ipahiya sa employees mo. I understand that you don't miss me the way I do. Pero tama ba namang tatratuhin mo lang akong parang isa sa mga babae mo? I'm your fiancée for crying out loud!"
Stephanie pursed her lips, suppressing both her frustrations and all the other things she wanted to nag about.
"Prince," she started in a whisper. "Hindi ako tanga. I know why you're doing this. Dahil kay Cindy, tama?"
BINABASA MO ANG
Prince So Charming: The Wicked Continuation
Ficción GeneralTalagang ang lahat ay nag-iiba. Matapos mawalan ng alaala, bumait na ang malupit na Cinderella. Ang prinsipe niya namang dati-rati'y lagi lang sa tabi niya ay pinili nang lumayo dahil na rin sa patuloy niyang pagtulak rito. Makalipas ang apat na tao...