Chapter 43

1.5K 33 3
                                    


After Haikyu, bumili ang kapatid ko ng CD ng Koroko no Basuke. Astigin pala yun no? Kahit sobrang nakakabadtrip si Akashi (actually medyo bitter ako kasi masyado akong nag-expect. Dahil ang tagal ipakita ng mukha niya, akala ko sobrang guwapo niya haha. Tipong... maputing version ni aomine, may magandang mga mata like kuroko tas charms ni kise... kahit di talaga ako tinatablan ng charms ni kise. Pero ang class niya. As in sobrang rich kid ang dating in one look. Kaso may topak. Anyway...) Sunod akong naadik sa Prince of Tennis (di ko rin yon napanood nung pinapalabas pa sa TV) kaya binabasa ko ngayon yung manga. 

#Sharing

 Yay short update lang... marami pa akong gustong sabihin pero next time na lang haha!

Mas mahaba sana tong update kaso tinatamad daw magluto si Prince. Sayang feel ko pa naman yung "relationship status" update na gagawin sana ni Cindy XD

-----


Tanghali na pero hindi pa bumabagon si Prince. Hindi niya idadahilang hinahatak siya ng kama. Ang totoo'y kaninang kanina pa siya gising. Hindi niya lang makuhang iwan ang napakagandang tanawing nagisnan niya pagmulat ng mga mata kanina—ang natutulog na mukha ng pinakamamahal niyang prinsesa.

Hindi iyon ang unang pagkakataong makita niya itong natutulog. Pero hindi siya nagsasawa. At alam niyang hinding hindi siya magsasawa. Sa halip ay gusto niyang gumising sa araw-araw na ito ang katabi. He inched himself closer towards her, sniffing the faded scent of her shampoo before planting a soft kiss at the center of her forehead. Such gesture woke her up.

"Good morning," masayang bati niya sa nobya.

Saglit itong pumikit saka kinusot ang isang mata. "Anong oras na? Akala ko papasok ka ngayon?"

"Mamaya na. Gusto ko pang makasama ka." His next kiss landed just above her nose bridge.

"Tinatamad ka lang yata eh," ungol nito saka umikot patalikod sa kanya.

"Bakit pakiramdam ko pinapaalis mo na 'ko?" Niyakap niya ito mula sa likod saka isinandal ang noo sa batok nito. "Gusto ko pang makasama ka."

Muli itong pumihit, sa pagkakataong iyon ay para naman harapin siya. "You're too attached."

"Is there anything wrong with that?"

"Baka pagsawaan mo ako agad."

Tumawa siya. "As if. Magpakasal na nga tayo! Para araw-araw na 'kong gigising na ikaw ang katabi ko."

Sa halip kiligin ay sumimangot ito. "Ang yaman-yaman mo ta's ganyan lang ang proposal na makukuha ko? Okay lang kahit walang roses, fireworks or orchestra sa paligid, pero pati ba naman singsing, wala?"

Natawa na naman siya. "Orchestra, really?"

"Sabi ko kahit walang orchestra. Bigyan mo manlang ako ng singsing!"

"Anong dream wedding mo?" bigla niyang naitanong.

"Huwag mo nang itanong," nakalabing iwas niya. "Kasi sa totoo lang ayaw kong pakasalan ka."

"Ayan ka na naman eh!"

"Palagi mo na lang kasing iniistorbo ang tulog ko." Ito naman ang sumiksik sa dibdib niya.

"Are you telling me na mas pinipili mo ang tulog mo kaysa sa 'kin?" nagtatampong tanong niya.

Tumingala ito at humarap sa kanya. "Oo kaya."

"So mean!" he complained before consuming his lips. "Pero mahal pa rin kita. At mas pipiliin kita kaysa sa tulog ko o sa kahit anong bagay."

"Obsesssed ka talaga sa 'kin, ano?"

Prince So Charming: The Wicked ContinuationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon