Chapter 27: Prince's Surprise (part 2)

3K 78 7
                                    


Whew! Ang aga ko mag UD! Yes, bawi hahaha

Short note (let's see how short this will be lol)

Sorry po sa mga nag flood votes kay Prince lalo na kay Cindy... hindi pa ako makapag thank you sa inyo sa inyong MBs. Hindi pa rin ako makareply dun sa dalawang nag post sa MB ko. Pati dun sa mga nagko-comment kay Cindy :( Pasensya na po. Busy lang kaya snob muna ang peg ko. Bawi ako sa New Year :) Baka ipost ko na rin yung dalawa kong bagong libro... pang-akit lang lels. (geh, yung iba mong books di mo na naituloy -_-)

Till here! May mas mahaba pa sana akong notes pero next time na... kapag mahaba na rin ang UD

Advanced Merry Christmas and a Happy New Year, baka hindi ko kayo mabati <3 Much love! Ingat sa lahat lalo na doon sa mga taga VisMin na tinamaan ng bagyo (wow, feeling famous? May readers all over the Phil? LOL baka lang...)

And this will end my short (daw) note.

PS. Alam nyo yung fail? Yun yung napost ko tong chapter kay Cindy bwahahahahaha! Sabog ako sarreh!


Chapter 27: Prince's Surprise (part 2)


Halos mapunit na ang labi ni Cindy sa mariin niyang pagkagat. Nanggigigil talaga siya. Ano ba kasing meron at kakaiba ang kilos ni Prince? Sobrang kakaiba. Kahit anong tanggi ang gawin nito, alam niyang may inililihim ito sa kanya.

Pero ano? Bakit kahit magbanta na siyang magagalit, cool na cool pa rin ito. Parang hindi tinatablan; parang hindi natatakot.

"Ayos na lang ba sa kanya ngayong mawala ako huwag ko lang malaman kung ano 'yong sikreto niya?"

Napakamot na lang siya sa inis sa naisip.

"Babae. Malamang babae na naman!" sambit niyang nanlilisik ang mga mata sa kawalan. Kung bata lang siguro ang pader na kinakatutukan ng paningin niya, kanina pa iyon umiyak.

"Pero sabi niya wala siyang babae," pagpapaalala niya sa sarili saka bumuntong-hininga.

"Kung ano man ang inililihim ko, para sa 'yo rin 'yon. Okay?"

Lalong sumakit ang ulo niya sa naalala. Ano bang ibig nitong sabihin?

Nakabuntis ba ito? Baka kinakausap nito ngayon ang nadisgrasya; babayaran na lang huwag lang manggugulo! At baka ayaw pumayag ng babae kaya nagtagal si Prince?

Yumuko siya sa relong pambisig. Masyado na ngang matagal si Prince sa labas. Magtatanghali na pero wala pa ito. Gusto niya pa naman sana itong makasabay mag-lunch.

"Hay, ano ba kasing meron?" mukmok niya habang nakaupo sa likod ng sariling mesa—na hindi na nga pala niya mesa dahil may pumalit na sa kanya. "Isa pa 'yong Edwin na 'yon. Magkasama sila ngayon ni Prince. Lalaki naman 'yon, di ba? O baka hindi? Baka hindi totoong 'yong Edwin na 'yon ang nag-text. Hindi niya naman ipinakita sa 'kin 'yong phone niya eh. Baka may babae talaga siyang itinatago. Agh! Mababaliw ako sa kaiisip!"

Isinubsob niya ang noo sa mesa saka marahang inuntog-untog ang sarili.

Sabi niya magtatrabaho siya. Iyon ang gusto niya pero hindi niya magawa. Masyadong nalulunod ang utak niya sa kanyang mga alalahanin. She's all too worried about Prince's secret.

Alam niyang hindi iyon maliit na bagay. Dahil kung ganoon, madali nitong masasabi sa kanya kung anong meron. Baka nga may kinalaman pa iyon sa kanya kaya talagang tikom ang bibig nito.

"May sorpresa ba siya sa 'kin?" Napaayos siya nang upo. "Ano, magpo-propose na ba siya? Sapakin ko siya eh. Kami na ba para mag-propose siya? Ligawan niya muna ako nang maayos!"

Prince So Charming: The Wicked ContinuationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon