Chapter 39

2.1K 51 18
                                    

SORRY NAAAA! Nung Wednesday pa dapat to eh... Kaso !@#$% yung pagiging iyakin ko. Weakness ko talaga yung mga dramatic scenes. Kapag ganon, hihiga na lang ako, yayakap sa unan at mag-e-emote as if ako yung isa sa mga nasasaktang characters. Putek ahahahahah! Sinisipon na ako kakaiyak litsi.

Tas lumarga pa ako nung Friday kasi may nagtext sa 'kin para mag-apply sa Shakey's. Ayun, gumora naman ang lola mo! At bongga ha, may nagtext na naman sa 'kin, inimbitahan naman ako sa isang insurance company. Jusko, antisocial po ako, di ako pwede magbenta ng insurance. Pero days before pa, nagtext din sa 'kin yung JobFairPH para sa isang job fair next Wed. Juice colored, sign na ba ito na kailangan ko nang huminto sa aking masayang buhay tambay? Bwahahahha

Okay, awat na 'ko, ang haba na naman ng note.

Wait.... Balik tayo dun sa Wednesday pa dapat ito... ayun, kaka emote ko, Sunday night na ako natapos XD

And oh! Panoorin nyo po yung ginawa kong trailer ni Prince... please? Tinatamad na akong ipost dito yung vid kaya pakibisita na lang sa Trailer Page. Inaantok na talaga ako. 


#NoProofRead

#Nonsense

-------

Madilim na sa labas nang magising si Cindy. Mas maayos na ang pakiramdam niya ngayon. Gumuhit lang ang simangot sa kanyang mukha nang hindi niya matagpuan si Prince sa paligid. Ang alam niya'y katabi niya ito bago siya makatulog. Yakap pa nga siya nito, at kahit hindi niya ito nakita—gawa nang buong oras niyang pagpikit—halata niya sa tinig nito ang labis na pag-aalala.

"Nasa'n na kaya siya?" tanong niya sa sarili bago tuluyang bumangon. Nagpalit lang siya ng damit pagkatapos ay lumabas na siya ng kuwarto. Kumatok siya sa katabing silid ngunit mukhang wala doon si Prince. Sinubukan niyang buksan ang pinto, wala ngang laman ang kuwarto.

Bumabas siya sa sala, nakita niyang bukas ang sliding door. Nang sumilip siya ay nakita niya si Prince malapit sa dalampasigan. Nakasuot ito ng puting t-shirt at mahabang shorts. Nagkukubli ang kaliwa nitong kamay sa bulsa ng pang-ibaba, ang kanan nama'y bahagyang nakataas. Tila ba nakatapat ang kamay nito sa may dibdib. Malayo ang tingin nito samantalang tuluyan nang lumubog ang araw.

Humakbang siya palabas at palapit dito. Tahimik niyang ginawa iyon, tahimik din niyang ipinuwesto ang sarili sa gawing kanan nito. Sinadya niyang mag-iwan ng isang hakbang na espasyo sa pagitan nila. Sinimplehan niya ang tingin at nakita ang hawak nitong baso ng alak. Patunaw na ang dalawang cube ng yelo sa baso, ang alak nama'y mababa na sa kalahati.

Nilingon siya nito ngunit sandaling-sandali lang. Agad din nitong ibinalik ang tingin sa madilim na dagat. "Gising ka na pala. Kamusta ang pakiramdam mo?"

Pinili niya na lang ding tumingin sa malayo, baka sakaling mahanap niya ang bagay na kanina pa nitong tinatanaw. Suot ang isang maliit at sinserong ngiti, tumugon siya, "Okay na 'ko. Magaling ang nag-alaga sa 'kin eh."

"I see." Kasing lamig naman ng sagot nito ang biglaang pag-ihip ng hangin. Nawala na naman yata ang pake nito sa kanya. Baka iyon ang kanina pa nitong hinahanap sa malayong dako ng dagat. "May pagkain na, kumain ka na muna."

"Mamaya na lang siguro. Hindi pa naman ako gutom," wika niya matapos ipagkibit-balikat ang lahat. "Ikaw, kumain ka na?"

"Oo." Talagang tinitipid nito ang bawat sagot. Kulang na lang ay diretsahin siya nito sa pagsasabing ayaw siya nitong kausapin.

Tumikhim na lamang siya. "Ano pala 'yang iniinom mo?"

Saglit nitong ibinaba ang tingin sa hawak na baso. "Scotch."

Prince So Charming: The Wicked ContinuationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon