Usual reasons bakit hindi ako nakakapagsulat ng UD.
1. Tamad magsulat.
2. May ibang isinusulat.
3. Busy mag-Tetris
4. Nanonood ng anime/ koreanovela
5. Namamasyal sa Twitter
6. Nagma-marathon ng ALDUB-related videos sa Youtube
7. Tumatawa sa Try Guys at iba pang Buzzfeed videos
8. May ibang gumagamit ng PC.
Pero iba ang reasons ko lately.
Birthday ng kapatid ko at ako ang magluluto. So bonggang prepare ang beauty ko bwahahahaHAGGAAARRRRDDDDD!!! Debut niya kasi sa Saturday. (Birthday ko naman sa Lunes, 23. Batiin n'yo ko!!!)
Actually sa bahay lang gaganapin yung party... kaya nga mas maraming kailangang gawin. Dalawang araw na kaming naggo-grocery para sa iluluto. Hindi pa nakaka order ng pizza sa Big Guys. Hindi pa rin malinis ang bahay naming parang laging may general cleaning XD
Also... yung magaling at mahal na mahal kong kapatid ay nag-install ng DotA sa laptop ko. (At dahil nga spoiled sa akin yun, pinayagan ko naman...) Ayun, lalo na 'kong nabawasan ng oras na maka-date si lappy toppy T_T
Tapos nasira yung isang computer ni Ate kaya si Kuya ay sa akin din nanghihiram ng PC. He's playing DotA, Tetris, Criminal Case and One Piece... At dahil mabait akong kapatid, sige lang! So kamusta naman yon di ba? Birthday ko naman, regaluhan n'yo nga ako ng laptop! Ahaha echos!
Also, ilang linggo na pong offline ang Wi-Tribe. Naka Wi-Tribe lang kami kaya hirap ako ngayong mag-net. Kaya pasensya na talaga. Pero kapag niregaluhan n'yo ako ng comments, for sure may UD sa birthday ko (b^_^)b
Last!
Sa wakas ay nakapagpasa na ako ng application for OJT (kahit ilang buwan na akong graduate XD) kaya baka makapag OJT na ako one of these days. I need to complete 500 hours kaya baka maging MAS mabagal ang UD kapag nag-start na akong mag-training. (Habang hindi pa, susubukan kong magsulat nang magsulat para may pang-UD pa rin ako kahit busy na.) Pasensya na po talaga. (Sana di pa ako makapag-OJT bwahahahahaha)
Wait... sino si Unknooownsayo sa Twitter? Wala daw siyang thoughts pero nag-tweet pa rin siya. Yikie!
#WattpadPrinceSoCharming
-----
Chapter 24: Desperate to Get Prince
Nakalapat sa pang-ibabang labi ni Prince ang dulo ng hawak niyang ballpen. Nakangiti siyang mag-isa habang iniikot ang sarili sa kanyang silya. Kanina pa niyang hinihintay si Cindy. Alam niyang masyado na itong nagtatagal sa pagbili ng pamalit niyang polo pero baliwala ang lahat. He had heard of the psychology of delayed gratification anyway. And he was thrilled to think about his great "reward."
Her precious expression would be a luxury.
Kanina pa rin siyang nag-iisip ng gagawing pagpapapansin dito.
Kung hubarin niya kaya ang namantsahang polo? Isa iyon sa mga ideya niya. Tiyak na manlalaki ang mga mata ng dalaga kung sakali. Baka nga maibato pa nito sa kanya ang pinabiling pamalit. Paniguradong magagalit na naman ito sa kanya-at magkakaroon siya ng dahilan para maglambing dito.
A rather invalid reason. But what does he care?
As long as he can envelop her inside his arms, he would accept each curse he deserved. Mahigpit nyang aakapin ang dalaga. Paulit-ulit siyang magso-sorry at sasabihing biro lang ang lahat.
BINABASA MO ANG
Prince So Charming: The Wicked Continuation
Narrativa generaleTalagang ang lahat ay nag-iiba. Matapos mawalan ng alaala, bumait na ang malupit na Cinderella. Ang prinsipe niya namang dati-rati'y lagi lang sa tabi niya ay pinili nang lumayo dahil na rin sa patuloy niyang pagtulak rito. Makalipas ang apat na tao...