Chapter 25.2 Toying Prince

2.7K 71 8
                                    

"They say bad things happen for a reason"

Wew. Lakas maka-Breakeven genern?

Deh, bumabanat lang. Bigyan ng justice ang kabaliwan ko este ni Cindy! Ahahahahahah!

Just a short update. Kadugtong kasi talaga 'to dapat nung chapter 25. Kaso nahahabaan na 'ko at eksayted akong mag-UD kaya pinutol ko na muna.

Magsawa tayo sa point of view ni Prince bwahahahahhah!

Walang proofread dahil ako'y tamad.

Salamat sa lahat ng patuloy na nagbabasa <3

--------------


Chapter 25.2: Toying Prince


"Pwes, maglaro tayo."

Kinabahan siya sa titig ni Cindy. Diretsong-diretso iyon sa kanyang mga mata. Hindi maganda ang pakiramdam niya. Lalong hindi niya alam kung anong interpretasyon ang ibibigay niya sa winika nito.

Laro? Anong klaseng laro?

Mabilis na nasagot ang kanyang walang boses na tanong:

"Ang gusto ko hayaan mo 'kong gantihan ka. Pumayag kang ikaw naman ang paglaruan ko."

"Cindy," hindi makapaniwalang aniya.

"Ayaw mo?" Tumaas ang kilay nito. "Akala ko ba gagawin mo ang lahat? Hindi mo kaya? Hindi mo gagawin? Pwes umalis ka sa harap ko."

Tumalikod ito sa kanya-sa ikatlong pagkakataon.

"Gagawin ko," habol niya.

Diretso siyang nakatingin sa dalaga kaya naghinang ang kanilang mga mata nang puhimit ito paharap sa kanya.

"Ano 'yon?" Nakaere pa rin ang kilay nito. Sa pagkakataong iyon, dahil sa pagkamangha.

Hindi na siya nagtaka. Kahit siya ay hindi makapaniwala sa ginawa niyang pagpayag sa gusto nito. But he had no choice, had he?

"Gagawin ko," desididong ulit niya.

Kung iyon ang paraan para makuha niyang muli si Cindy, gagawin niya. Susugal siya. Handa siyang itaya ang lahat, kahit pa ang mismong damdamin niya.

Nasasaktan na rin naman siya, ano pa ang kailangan niyang ikatakot? Para babalik lang naman siya sa dati. Sa pagpapauto, sa pag-intindi, sa pagpapaalipin. Sa pagsunod dito na parang aso. What's the big deal?

"Kung 'yon ang gusto mo, gagawin ko," patuloy niya. "Papayag akong maging laruan mo, puppet, o kahit ano pa."

Ngumiti ito. Ngiting tagumpay. "Sigurado ka?"

"Oo," matapang niyang sagot.

"Lahat ng sabihin ko gagawin mo. Lahat susundin mo. Hindi mo kukwestyunin ang anomang iutos ko. Hindi mo rin ako pwedeng kontrahin. Oo lang ang palagi mong isasagot. Kapag pinapunta kita sa isang lugar, pupunta ka. Kapag sinabi kong kumanta ka, kakanta ka. Kapag sinabi kong sumayaw ka, sasayaw ka. At kapag sinabi kong huwag kang hihinga, hindi ka hihinga. Naiintindihan mo ba ang gusto kong mangyari?" More than a question, her words sounded more like a challenge to him. Tila ba inaalam nito kung hanggang saan siya.

Pinigilan niya ang sariling kuyumin ang kamao. "Oo. Naiintindihan ko."

Lumapad ang ngiti nito. "Talaga? Kahit magmukha kang tanga, gagawin mo?"

"Oo, gagawin ko," sagot niya. Hindi bale nang magmukha siyang tanga.

Kung palagi ko bang makikita ang ganyan kagandang ngiti...

Prince So Charming: The Wicked ContinuationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon