Chapter 4: Her Other Prince

4.5K 132 20
                                    

"Para saan pa yung coffee maker kung palalabasin niya rin lang ako para lang bumili ng kape?" ang galit na tanong ni Cindy sa kabibili lang niyang inumin. Kalalabas niya lang ng Starbucks para sa isang order ng brewed coffee.

Brewed coffee. Isang simpleng order ng brewed coffee. Lang.

"Bwisit!" sambit ni Cindy sa sarili. Malayo-layo rin ang nilakad niya mula sa hotel papunta sa pinakamalapit na Starbucks para sa kapeng iyon. Tinignan niya ng hawak na styro cup. Nakaharap sa kanya ang nakangiting mukha ng babae sa logo.

"Palibhasa babaero, pati kape gusto may kasamang babae!" patuloy na maktol ni Cindy. "Nagtagal ka lang sa States, nagbago ka na. Bwisit. Sana pala hindi na kita hinintay bumalik. Babaero ka! Manyak! Bastos! Epal! Lahat na!"

Nahinto lang si Cindy sa pagmamaktol nang mapansin niya ang isang babae't isang lalaking paakyat sa coffee shop na nagtatakang nakatingin sa kanya. Malamang ay nahuli nila siyang nagsasalitang mag-isa na parang baliw.

Nginitian niya na lang ang mga ito at binigyang daan papasok sa coffee shop. Naroon pa rin kasi siya nakatayo sa tapat ng pintuan.

"Bwisit ka talaga! Pinahamak mo pa 'ko! Isang araw makakaganti rin talaga 'ko sa'yo." Sakto. Noon din ay may naisip na plano si Cindy.

Nagpalinga-linga siya sa paligid. Walang tao. Walang makakakita sa gagawin niya. Nakangiti niyang tinanggal ang itim na takip ng baso, at ang ani'y, "Patay ka sa'kin ngayon. Lasapin mo ang paghihiganti ko."

Muli niyang tinignan ang paligid. Malinis ang kalsada. Walang matang makakapansin sa kanya. Ininuman niya ang kape ni Prince ngunit hindi niya iyon nilunok. Sa halip ay pinaglaruan niya ang mainit na kape sa loob ng kanyang bibig na animo siyang nagmumumog. At pagkatapos, iniluwa niya ang kape pabalik sa puting baso.

Ibabalik na sana niya ang takip ng baso nang marinig niya ang pag-ring ng cellphone niya. Hindi niya tuloy naiayos ang takip. Basta lang iyong nakapatong sa ibabaw ng baso.

Tinignan niya ang screen bago sagutin ang tawag.

"O, Aya? Napatawag ka?"

"Wala, kakamustahin lang kita. How's the interview, bagsak ba?"

Umikot ang mata ni Cindy. Nag-umpisa na siyang maglakad pabalik sa hotel. "Pasado! Pero wish ko lang, sana nga hindi na lang ako pumasa."

"Ha, bakit naman? Is there anything wrong?"

"Anything ka dyan, everything 'ka mo! Siya ang boss ko."

"Siya? Who?"

Halata sa boses ni Cindy ang pagkaasar nang sumagot siya, "Si Prince."

"Prince?" Nabakas naman niya ng ngiti sa tugon ni Aya. "You mean si Prince Charming mong the one that got away four years ago?"

"Una sa lahat, hindi ko siya Prince. Malandi siya! Malanding palaka! Prince Charming, Prince Charming! Oo! Nung nagpaulan ng charm ang Diyos, sinalo niya lahat at ang dami niyang babaeng nauuto. Pero ibahin mo 'ko, Aya. Subukan niya lang na manyakin pa ulit ako, babasagin ko talaga yung ano niya nang hindi na nadudugtungan ang lahi niyang bastos!"

Tumawa si Aya. "Hey, hey. Calm down, deary! Tinatanong ko lang kung si Prince mo nga ang tinutukoy mo, andami mo nang sinabi."

"Anong Prince ko? Kadiri ha!"

"Oh, sige! Litanya pa! Teka nga, ano yung mga pinagsasasabi mo? Madami siyang babae? Minanyak ka niya? What do you mean?"

"Basta!" inis na sagot ni Cindy habang patuloy pa rin sa paglalakad.

Halos hindi siya tumingin sa dinaraanang bangketa. Panay ang pagmamaktol niya. Hindi niya tuloy napansin ang matangkad at nakaputing lalaking naglalakad naman pasalubong sa kanya. Naka-earphones ito, may suot na sunglasses at halos sumayaw sa kung anong tugtog man ang pinakikinggan nito.

Prince So Charming: The Wicked ContinuationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon