Chapter 12: A More Princely Rival

3.3K 108 6
                                    

I was thinking... sana magawa kong hanggang chapter 25 lang 'tong story. Oo, 25. Hindi na pwedeng bumaba don. Hindi ko kaya bwahahah! Masyado pa kasing maraming mangyayari. Siguro nga eh baka umabot pa sa trenta. Pero ayoko nang lumagpas pa dun... at dahil dyan, promise, sooner or later, magkakaayos na ang ating mga bida. Yihee!

Seriously, bakit ko kailangang kiligin sa kanila? Eww!

Ano pa ba... ah! Napasali ako sa PNY 10 ng projectny ^_^ baka lang gusto nyo umorder nung self published compilation ng PNY10. Wala pa lang presyo sa ngayon pero sana mag order kayo... medyo mahal yung book dahil nga self pub. Pero since compilation siya, hindi lang yung one-shot ko ang mababasa nyo. I think 10 stories yung laman nung book. Hindi naman yon sapilitan... we're not actually earning anything from it. Pero makakatulong kayo para sa pagtupad ng pangarap naming makapag publish ng libro hihi

Last note! Busy na talaga ako lately. Nabanggit ko na bang balak kong magpasa ng manuscript (MS) sa isang publishing company? Hindi pa ata. So yun nga... hindi Wattpad book ang ipapasa ko kasi wala akong malaking market wahahah. I'll try to pass a romance book either sa MSV or PHR. 10 chapters lang naman ang kailangan sa manuscript pero tatlong linggo na akong stuck sa chapters 2 or 3 (I'm working on multiple MS... kung alin ang mauna kong matapos, yun ang ipapasa ko hehe).

So, busy talaga ako kaya pasensya na kung lalong babagal ang update. Wait... I think last week lang naman ako nag-update eh. So, medyo regular pa pala yung update ko bwahahahah! Maraming salamat sa inyong lahat na patuloy na sumusuporta sa story ko :) Super thank you guys!

#NoProofread (again!)

----------

Chapter 12: A More Princely Rival

"Kailan ba kasi kayo uuwi?" Nasa tono ni Cindy ang pagpapaawa. Kuntodo simangot pa siya habang nakahiga ang kalahati ng katawan sa maliit niyang higaan. Nakatupi ang mga tuhod niyang nakasandal sa pahalang na hangganan ng kama. Ang mga paa niya nama'y nananatiling nakasayad sa naka-vynil na simento.

"Shin, kakarating lang namin dito, uuwi na agad?"

Lalong napanguso si Cindy sa naging sagot ni Aya. "Anong kararating, eh 'di ba nakakadalawang gabi na kayo d'yan sa SG?"

Tama, iyon ang linggong wala sa bansa ang tatlong kaibigan ni Cindy. Nasa Singapore ang mga ito para sa birthday celebration ng isa sa kanila, si Elise. Siya lang ang hindi nakasama, kesyo may passport-issue siya. Limang araw ang itatagal ng mga iyon doon kaya ngayon ay nagkakasya na lang si Cindy sa pagtawag-tawag kay Aya sa telepono. Mabuti nga't naka-roaming ang number nito kundi ay paniguradong malaki ang bill niya sa network para sa buwang ito.

"Ay, I really need you here."

"Shin, hindi pa nga kami pwedeng bumalik dyan. You know what, if it's just about Prince, just shrug it off. Mag-move on ka na kasi sa kanya."

Mula sa pagkakahiga ay napaupo si Cindy. "Parang hindi yan yung sinabi mo sa'kin nung magkausap tayo kanina lang ah? Sabi mo ipaglaban ko siya. Well, not your exact words though. Pero yun yung ibig mong sabihin, di ba?"

"Are you asking me for an advice or you want me to push you to whatever it is that you really want to do?"

"Bakit, ano bang gusto kong gawin?"

"You yourself should know it, dear. You want Prince back. Teka nga, ano na bang nangyari at ganyan na naman ang tono mo? Don't tell me pinagtripan ka na naman ng prince charming mo?"

"Ay, honestly, I don't want to talk about that anymore. I just... I just need a company. But you girls aren't here."

"Ah, so may ginawa na naman nga si Prince, ganon?"

Prince So Charming: The Wicked ContinuationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon