What? Wala manlang nag-react sa last line ng last chapter? Geh, ganyan hahahahahah!
May mahaba akong note sa previous part. Basahin n'yo ah?
Gusto ko pa sanang pahabain 'tong chapter pero di ko na keri... Yung susunod na lang siguro?
Bukas na 'yong mga dedics ha? :)
Maraming salamat sa bumuo ng 94K reads ni Cindy! Super duper thank you po sa inyong lahat <3
Sana maka DL na ako ng videos from YT para magawa ko na yung trailer (ahaha una libro bago trailer? lels)
Advanced Happy New Year everyone! Ingat po tayong lahat!
---------------
Chapter 28: Just Cindy and Prince
Naalimpungatan si Cindy nang marinig ang tila marahang pagbukas ng pinto. Isang tinig ang tuluyang nagpadilat sa kanya.
Kusot niya ang isang mata habang ang isa pa'y inaaninag ang lalaking may dalang tray ng pagkain. Napahikab pa siya nang malingunan ang magandang relo sa bedside table. Pasado alas seis pa lang.
"Good morning, Princess!" As usual, ngiting-ngiti na naman si Prince.
"Ang aga mong mambulahaw," inaantok pang aniya saka naupo.
"Gano'n talaga. Gusto ko kasi ako ang una mong makikita pagkagising mo eh." Ngumiti na naman ito nang matamis. Kung nakakataas lang iyon ng blood sugar, matagal na siguro siyang diabetic.
Inunta nitong ilapag ang tray saka naupo sa kanyang tabi. Nakita niya ang niluto nito. Sinangag, pares ng sunnyside up at isang serving ng tocino. Tosilog sa madaling sabi, hiwa-hiwalay lang ng plato.
"Ang hilig mong magluto ng sinangag," komento niya.
Binigyan siya ng nagtatakang tingin ng binata. "Ikaw kaya ang mahilig sa sinangag. Bihira kang magpandesal o pancake sa umaga. Sa pitong araw sa isang linggo, anim do'n, silog ang almusal mo. Naaalala ko tuloy 'yong unang beses mo sa bahay. Ayaw mong kumain. Kung hindi ka pa nakakita ng sinangag, hindi ka kakain."
Napanguso siya nang di oras. "Talaga? Hindi ko 'yon naaalala."
"Oo na. Wala ka nang naaalala. Kumain ka na nga lang para malaman ko kung effective 'yong binudbod kong gayuma."
Tiningnan niya ito nang masama. Hindi niya lang masabing hindi nito kailangang gayumahin siya. Noon pa man ay matindi na ang tama niya rito.
Bahagyang iniatras ng binata ang sarili. "Ayan oh! Tinatakot mo na naman ako eh." Nakailing ito nang kunin ang pares ng kubyertos.
"Ako na," agaw niya sa kutsara't tinidor. Tumusok siya ng maliit na piraso ng ulam. "Bakit walang suka?"
"Oo nga 'no? Nakalimutan ko. Teka, kukuha ako."
"Hindi. Huwag na." Patayo na sana ito nang pigilan niya. "Okay na 'to." Sinimulan niyang kumain.
"Ano, pasado ba?" tanong ng nakangiti na namang binata. "Pwede na ba 'kong mag-apply na cook mo?"
Natawa si Cindy. Hindi iyon ang inasahan niyang marinig. Akala niya'y tatanungin siya ni Prince kung pwede na ba itong mag-asawa.
"Dali! Ano?" pang-aapura nito.
"Masarap kang magluto," nakatangong aniya bago muling sumubo ng sinangag. "Pero wala akong pampasweldo sa 'yo kaya hindi kita pwedeng kuning cook."
"Ang laki-laki nitong bahay mo pero wala kang pera? Hindi naman ako makapaniwala!" biro nito.
Sinamaan niya ito ng tingin. "Galing 'to sa sugar daddy ko. Iyon ang maraming pera. Pero ako, wala. Ni wala nga akong trabaho kasi sabi niya siya na daw ang magpo-provide para sa 'kin."
BINABASA MO ANG
Prince So Charming: The Wicked Continuation
General FictionTalagang ang lahat ay nag-iiba. Matapos mawalan ng alaala, bumait na ang malupit na Cinderella. Ang prinsipe niya namang dati-rati'y lagi lang sa tabi niya ay pinili nang lumayo dahil na rin sa patuloy niyang pagtulak rito. Makalipas ang apat na tao...