Two weeks ago ko pa talaga 'to dapat sasabihin kaso ngayon ko lang nai-post.
May sasabihin lang ako...
Napapansin ko lang, ang daming nagmamahal kay Cindy, ano? Hahaha!
Ang dami talagang mga comments sa previous chappy na sana daw bumalik ng yung dating Cindy. At nung bumalik, aba't may mga nagdiwang!
Gusto ko lang itanong, kapag ba si Prince ang sinaktan ni Cindy, masasaktan din kayo para sa kanya? Hihilingin n'yo rin bang sana bumalik si Prince sa pagiging malandi? Bwahahahaha!
I don't think so.
Yan tayo eh. Masyado kayong mahilig dun sa mga "mababait na babaeng nagiging masama kapag nasaktan" pero seriously, hindi naman mabait si Cindy originally di ba? Ahahahaha
Okay.
So for the spoilers (I just felt the need to say this to warn you)...
Wala pa po sa kalagitnaan ang kwento. Akala n'yo ba masaya na?
No! Ako ay isang sadista *evil laugh* kaya hindi pa ito ang katapusan.
Marami pang masasaktan. Marami pang luha ang dadanak. May idudurog pa ang kanilang mga puso.
Err, sorry, gusto ko talaga ng madrama (after nito, ta-try ko mag-venture sa humor. Si Chloe pala di ko na nasundan awts). And sa totoo lang, 'yong mga darating na masasakit na tagpo, planado ko talaga 'yon. Gabi-gabi ko yon iniiyakan sa tuwing ini-imagine ko. Hindi man 'yong linyahan, bawat hugot, bawat patak ng luha, 'yon ang nakasulat sa imaginary outline ko. So, bilang ako ang nagsusulat, sana maintindihan ninyo.
Chorvas...
Sa pagtatapos po ni Prince (matagal pa naman) sana ay sundan n'yo rin ang mga kwentong isusulat ko.
May sasabihin ako. Alam n'yo bang napakahalaga ng feedbacks n'yo sa mga writers? Hindi lang sa akin kundi sa lahat ng writers dito sa Wattpad.
As you all know, hindi kami kumikita sa pagpopost ng stories dito. Although may mga "published authors" na ngayon na nagkakapera dahil naka-paper back na yung mga libro nila, hindi lahat kumikita.
Bakit ko sinasabi ito?
Para sana ma-inspire kayong mag-comment.
Yong ibang mga published authors, kumikita sila ng pera. Kaming mga Wattpad writers, kapag dito kami nagsusulat, wala kaming nakukuha kahit piso. Buti pa nga sa Youtube na pag nag-upload ka ng content eh pwede kang magkapera. Feedbacks lang po ang gasolina namin.
Wala kaming editors na nagsasabing "good work," "good job," "okay 'yong sinulat mo" o kahit pa anong critics. We're paying internet bills, consuming electricity, spending our time conceptualizing, imagining, and writing. Pasakit pa sa buhay kapag nakokonsensya ka dahil alam mong may naghihintay ng update pero wala kang mai-post dahil tinamaan ka ng writer's block (minsan ng katamarang magsulat). But we are not getting anything in return. Swerte yong mga writers na nagka-chance makapag-publish, pero bago sila nakapag-publish, wala rin silang kinikita sa pagsusulat.
They are just inspired with feedbacks.
Napansin ko nga na humigpit na ang Wattpad ngayon. IDK about mobile users, pero kapag naka-desktop ka, hindi ka makakapagbasa ng kwento kapag wala kang account. Wattpad is encouraging people to sign up. Kasi syempre, kapag may account ka na, it's more likely na makapag-vote or comment ka.
Your account has a purpose. Hindi lang yan para makapag-save ka ng kwento sa library mo, though saving other people's stories on your library would help improve their rankings.
Napapansin nyo ba yung ibang "published authors"? Kahit may pangalan na sila sa paperback, tuloy pa rin sila sa pagsusulat sa Wattpad. Kung tutuusin, pwedeng magpasa na sila directly sa mga publishers. Mas kikita ang mga bago nilang libro kasi hindi pa nababasa kaysa yung naipost na sa Wattpad. Kahit ako naman eh, practically speaking, bakit ako bibili ng librong nabasa ko na? Pero pansinin nyo, nagsusulat pa rin sila dito sa Wattpad. Siguro dahil higit sa pera, mas gusto nila yung feeling na may pumupuri sa gawa nila. Yung feeling na may nag-aabang ng update, yung may nagsasabing, "ate nakakaiyak yong ending nung ano."
Iba kasi 'yong feeling. Iba ang dating kapag 'yong mga readers mo, sinasabi sa 'yo kung gaano silang naapektuhan sa sinulat mo (try n'yo magsulat, just so you'll know the feels, hehe).
Ano, makabagbag damdamin na ba ang speech ko? May naramdaman ka ba? Pwes, mag comment ka! Please? Ahahaha dun din bumagsak eh... sa pagmamakaawa T_T
Kaya sa mga silent readers dyan, huwag n'yo pong sayangin ang pagkakataong makapag-comment sa mga kwentong binabasa ninyo. I'm not saying this para lang bigyan nyo ako ng comments. Gawin n'yo rin sana sa iba nyo pang binabasang libro, lalo na doon sa mga undiscovered gems na sa tingin nyo ay talagang may potensyal. Sayang yung ibang mga books na hindi nababasa at inihihinto na lang ng writers dahil feeling nila walang nagbabasa. At least ako, happy na 'ko na umabot sa 1K ang comments ni Cindy. If I would be able to reach more than that, magiging mas masaya ako. Pero sa ngayon, kontento na ako sa narating niya.
Minsan lang ako magbasa ng libro. But when I do, I always make time to leave some feedbacks. Sikat man yung nagsulat o hindi. It is my way to thank the person behind that wonderful book.
Kaya sana talaga mag-comment na kayo. Pero dahil nga wala namang nagbabasa ng author's note, sayang lang ang ginawa ko. Haist, nag-aksaya pa 'ko ng time and effort -_- sayang koryente namin.
BINABASA MO ANG
Prince So Charming: The Wicked Continuation
Ficción GeneralTalagang ang lahat ay nag-iiba. Matapos mawalan ng alaala, bumait na ang malupit na Cinderella. Ang prinsipe niya namang dati-rati'y lagi lang sa tabi niya ay pinili nang lumayo dahil na rin sa patuloy niyang pagtulak rito. Makalipas ang apat na tao...