Yow! Gulat kayo 'no, ambilis ng UD! Syempre! Because I have three reasons. One, dahil masaya ako. Masaya akong malamang may mga nagbabasa pa rin ng libro ko. Syempre sa tagal na eh baka nagkalimutan na kayo pero hindi. Natutuwa lang ako kasi overnight lang eh may 6 reads na siya (akin galing yung 2 XD) so mga apat pa ang nagbabasa ng libro. At para sa inyong apat, ipagpapatuloy ko ito ^_^ And oh, nasa #495 in GenFic ngayon si Prince! Wew!
Second, gusto ko ng UD dahil MAY BAGONG COVER SI PRINCE! Yeah, may bago na naman siyang cover. And I just find it sooo hot! Bwahahahaha! Syempre may bagong cover din si Cindy na bet na bet ko rin hihi. Ano sa tingin nyo? Ayos ba ang bagong cover? Alin mas maganda yung previous o itong ngayon? Syempre mga silent readers kayo kaya di kayo sasagot (#ParinigPaMore) T_T pero mahal na mahal ko pa rin kayo.
Third... hindi ko maalala yung third reason o kung may third reason man nga. Ah, ayun! Gusto ko nga kasing bumawi. At dahil babawi ako, hihinto na ako sa mahaba kong AN na walang nagbabasa. JOKE! Alam kong may nagbabasa ng AN kahit di nyo sabihin. Gawain ko rin yan, magbasa ng AN. Parang ang feeling ko kasi ay nagiging close ako sa author pag binabasa mo yung sentiments niya. Chenes! Kaya salamat sa mga nagbabasa ng AN.
Dedicated kay 07JMay. Minsan lang may manghingi ng UD. Pagbigyan XDD
-----
Chapter 18: She Who Owns the Prince
Palapit pa lang si Cindy sa front desk nang mamataan niya sa entrance ang isang pamilyar na mukha. Posturang-postura ito sa suot na blouse, blazer at skirt. All white, pati ang 3-inch heels nito ay puti. Elegante. Sopistikada. Napansin niyang umikli ang may kulay nitong buhok kumpara sa huling beses niya itong makita. Halos pareho na ang gupit nila.
Gaya-gaya!
"Brokenhearted ata ang bruha at nagpagupit?" Natawa si Cindy nang maalala ang nangyari noong isang araw.
Buong akala niya ay lalabas ito kasama si Prince pero maya-maya lang din ay bumalik ang presidente. Nang sumunod na araw ay may nakarating sa kanyang balita na hinatid lang ito ni Prince sa labas, pagkatapos ay pinagbilinan ang mga guardia na huwag itong papasukin.
"Kawawang Stephanie," naiiling niyang komento bago bumalik sa paghakbang para salubungin ito.
Sabay silang huminto nang magkaharap sa gitna mismo ng lobby. Tuwid na tuwid ang tayo nito, bahagyang nakataas ang isang braso para sa nakasabit na designer bag. Siya nama'y kanina pa nagpipigil na pagkrusin ang mga braso. Hindi rin niya ito magawang pagtaasan ng kilay kahit pa iyon ang gusto niya.
"Busy si Prince," iyon ang kanyang naging walang buhay na pagbati rito. "Ayaw niya ng bisita kaya mas maigi kung uuwi ka na lang."
"Is that how you call your boss, by his first name?" Sa halip na makinig ay binigyan lang siya nito ng isang pilit na ngiti. "Feeling close?" patuloy nito saka tumawa upang asarin siya.
It was her turn to smirk. "Anong magagawa mo kung close nga kami?"
Parang gusto niya biglang tumambling dahil sa nakuhang reaksyon mula kay Stephanie. Pigil na pigil ang pagtaas nito ng kilay, tumiim pa ang bagang.
Pinili niyang ngumiti para lalong mang-asar. "Palagi kasi kaming magkasama eh. Alam mo na? Bawat meeting niya, bawat lakad niya. Madalas rin kaming sabay mag-lunch. Oh, maalala ko nga pala! Nasa bahay ko siya kahapon ng umaga. Pinagluto niya 'ko ng almusal. Ang sweet niyang boss 'no? Sa lahat ng secretary, ako 'yong pinagsisilbihan. Ang sarap ng buhay ko rito, alam mo ba?"
BINABASA MO ANG
Prince So Charming: The Wicked Continuation
General FictionTalagang ang lahat ay nag-iiba. Matapos mawalan ng alaala, bumait na ang malupit na Cinderella. Ang prinsipe niya namang dati-rati'y lagi lang sa tabi niya ay pinili nang lumayo dahil na rin sa patuloy niyang pagtulak rito. Makalipas ang apat na tao...