Merry Joyce's POV
Tuwing umuulan, ang gusto ko lang gawin ay tumulala, mag-isip o hindi kaya ay umiyak.
Gusto kong gawin ang lahat ng iyon, pero isa lang ang nagawa ko.
Nakatulala.
Nakatulala lang ako habang naghihintay ng customer na pumasok para bumili. Nagtatrabaho ako sa isang convenience store. Madaling araw na at umuulan din nang malakas kaya sigurado ako na wala nang bibili masyado hindi gaya ng dati.
Secure at safe naman dito, laging maraming tao kapag gabi dahil malapit ang convenience store sa mga bars at clubs. Mayroon ding mga restaurants, spas, coffee shops at maliliit na tindahan sa paligid. Halos sampung oras na akong on-duty, lagi kasing late iyong kapalitan ko ng dalawa hanggang tatlong oras.
Dahil sa wala namang pumapasok na customer, umupo ako sa sahig at kinuha ang maliit na upuan sa tabi para doon ipatong ang ulo. Sobra na ang pagod ko, pero kailangan kong tiisin dahil ito naman talaga ang dapat.
Madali lang akong makatulog sa lagay kong ito lalo na at sobrang tahimik.
Patay man ang phone, sinulat ko lang sa screen ang letter 'M' para mag-play ng music at sabayan ang kung ano mang musika ang mag-play para gising pa rin ang diwa ko kahit na nakapikit.
Ikaw na nga,
Ang liwanag mula sa araw,
Sa pagsapit ng umaga
Ikaw lang ang nais madama...
Agad akong napangiti at itinodo ang volume nito para sabayan--sumasabay rin kasi ang tunog ng malakas na ulan kaya inilagay ko ang phone sa batok ko. Paborito ko kasi itong kanta. Kahit na ulit-ulitin ko ito buong magdamag ay hindi ako magsasawa.
TINTINNABULATION
"Ang hiling ko ay,
Ako lang ang makararamdam,
Sa pagmamahal na hinangad,"
"Excuse me..."
"Mula sa liwanag ng araw...
Ating pagmasdan,
Ang kaysayang liwanag,"
"Yow..."
"Awitan ang liwanag,
Upang tayo'y lumigaya,
Higit sa nais madama..."
"Miss!"
Agad akong napahinto at napabangon nang marinig ang tinig ng isang lalaki. Sa sobrang lakas nang pagtawag niya ay nag-echo pa sa buong store. Ang kurba tuloy sa mga labi ko ay nawala at naging isang linya na lang ulit.
Wrong timing naman, ramdam ko na ang pag-emote, e.
Sa inis na naramdaman, nakapikit akong tumayo habang ang cap na suot ay nakababa hanggang noo. Hindi ko inayos.
Madalas ay nadadala talaga ako sa kantang iyon dahil damang-dama ko ang emosyon nang pagkanta noong singer--dahilan kung bakit nawala ang atensyon ko sa pagtunog ng chime.
"Do you really work here? Paki bilisan naman po, ale. Nagmamadali po ako."
Binagalan niya ang pagsabi sa mga salita na para bang isa akong lola na bingi.
Nagtitimpi ang itsura ko, pero padabog kong inayos ang cap sa ulo at ni-punch ang mga pinamili niya.
"Mali. Ate pala at hindi ale." tawa niya. Pinamumukha sa akin na nagkamali siya.
BINABASA MO ANG
An Odd Sunshine
RomanceWould you rather ignore the one who loves you for someone who is in the same situation as you? Merry Joyce had never thought that her first love--the guy she secretly liked--would come into her life to grant one of her wishes: ang mahalin siya nang...