TW: R-18
_____
"Sen, I swear to God. Merry Joyce is like my sister. Saktan mo lang siya, just one time, I swear to God, get it?"
"You know, Drene, she's the only person that believed and trusted me when I was about to give up. She's mine. A part of me, literally."
Sinamaan ko siya nang tingin, pero hindi ko pa rin maalis ang ngiti sa mga labi ko. "Bilis mo, ahh."
"For you," nag-wink siya sabay halik sa kamay ko.
"Oh, God," umiwas nang tingin si Jon at naglakad pabalik sa bahay. "Kunin ko na gamit ko bago ako masuka."
"Hahahahaha!" tawa naming tatlo sa reaksyon niya.
Isa rin pala siya sa mga bitter sa grupo nila.
"Sure ka na?"
"Oo naman."
"Thank you for loving him," lumapit siya sa akin at niyakap ako. Hindi ko magawang yakapin siya gamit ang dalawang kamat dahil ayaw bitawan ni Rysen ang kamay ko, kaya iyong isang kamay na lang. "For advice, you know who to ask."
"Thank you," saad ko.
Kinuha lang nila sandali ang mga gamit nila. Dala ni Mauldrene at Hanzel ang sasakya nila dahil marami silang gamit na kinuha. Medyo nagulat pa ako dahil hindi ko akalaing nagkasya iyon sa sasakyan ni Rysen.
Bago sila umalis ay kinausap ko si Mauldrene ng kaming dalawa lang. Tinanong ko siya tungkol kay Tripp. Hindi ko lang kasi maiwasang hindi mag-alala tungkol sa kalagayan niya lalo pa't malaki ang utang na loob ko sa kaniya sa lahat-lahat nang ginawa niya para sa amin at sa akin. Nakakalungkot lang ngayong hindi siya nagpaparamdam-- kahit pa kari Jon.
Pero ang sabi naman sa akin ni Rysen ay hayaan ko muna siya. Naiintindihan ko naman, alam kong kailangan niyang mapag-isa. Sa totoo lang din ay nakokonsensya talaga ako.
Hindi ko akalaing iyong crush ko noong bata-bata pa ako ay pinaasa ko sa wala.
Gusto kong magkaroon kami ng closure bago kami umalis ni Rysen. Gusto kong marinig sa kaniyang ayos lang ang lahat, na tanggap niya ang naging desisyon ko.
"Rysen--"
"Please stop calling my name. Parang walang nagbago sa relationship natin kaka-'Rysen' mo."
Sinamaan ko siya nang tingin. "Bakit galit na galit ka?"
"I'm not angry, I just don't like it."
Nag-aya siyang magkape, kaya nandito kami sa sala, nakaupo sa sofa at hinihintay na kumulo ang pinainit kong tubig.
"Ano bang gusto mong itawag ko sa 'yo?"
"Babe, baby, love, honey-- ang dami!"
Napatango-tango ako, "Ikaw ba? Anong tawag mo sa 'kin?"
"Fine, let's finalize it." iginawi niya ang katawan niya sa akin, nakaharap siya sa akin ngayon, handang-handa nang i-depensa ang sarili niya. "You get to choose, or I get to choose?"
"Ayokong mag-isip, e."
"Okay, love."
Awtomatiko akong napangiti. "Yes, love?"
Pareho kaming kinilig sa kalokohan namin. Sa sobrang ngiti, ay parang hindi na namin makita ang isa't isa.
"Anong feeling?"
"Ng?"
"May boyfriend ka na."
"'Di ko alam."
"Of course 'di mo alam, kahit 'di maalis 'yang ngiti mo."
BINABASA MO ANG
An Odd Sunshine
RomanceWould you rather ignore the one who loves you for someone who is in the same situation as you? Merry Joyce had never thought that her first love--the guy she secretly liked--would come into her life to grant one of her wishes: ang mahalin siya nang...
