Mula noong pumasok si Hazel sa tamang oras nang pagpasok niya, palagi na akong nakakatulog nang sapat at maayos. Kaya kahit paano ay bawi pa rin ako sa tulog. Para akong baliw kagabi dahil sa hindi ako mapakali habang naglalakad mag-isa sa daan. Naisip ko kasing paano kung sinundan pala ako noong lalaking iyon? Nakilala niya ako sa store--at kahit pa nasa impluwensya siya ng drugs, alam kong ukit na sa utak niya ang mukha ko.
Naduduwag ako sa katotohanang iyon. Imbes na wala akong kinakatakutan kapag naglalakad mag-isa tuwing gabi, ngayon mayroon na.
Itetext ko rin sana si ate Qelly, gusto kong mag-sorry sa kaniya. Kung kailan gutom sila, nalipasan ng gutom sa dami ng customer, doon ko pa hindi naihatid iyong pagkain nila. Pero, wala naman akong magagawa kung mainis o ma-disappoint sila sa akin. Tatanggapin ko iyon. May tyansa naman akong maghatid ng bagong pagkain sa kanila nang dumating si Hazel, pero nangibabaw kasi sa akin ang takot.
Siguro ay dadaanan ko na lang sila mamaya.
"Ate, 'yung name tag mo, oh." kalbit sa akin ni Karla na nasa tabi ko.
Nakaupo kami sa sofa, nagpapahinga pagkatapos kumain ng almusal. Siya ang nagluto ng almusal ngayon kasi dinatnan niya akong tulog pa.
Mag-away man ang nanay naming dalawa, nandito pa rin siya. Sa totoo lang, wala kaming pakealam. Mas bata siya sa akin, pero nakikita kong maaga siyang nagma-mature.
"Pa'no napunta sa 'yo, 'to?" tanong ko nang makuha ang name tag mula sa kamay niya.
"'Di ba nu'ng Halloween? Nagpunta ka sa 'min tapos sinuot mo 'yung ginawa kong costume? Doon ka nagpalit tapos 'di mo namalayan na nahulog 'yan."
Ang daldal niya, pwede naman niyang sabihing nahulog ko.
"Two weeks ago na, bakit ngayon mo pa lang binalik?"
"Kagabi ko lang nakita, e." pranka niyang sagot.
Natahimik ako't napahikab, "Ang ganda ng damit mo." dinama ko ang tela gamit ang kamay.
Simpleng oversized black shirt iyon na may printed na araw sa bandang dibdib, sa ilalim ng araw ay may kulay puting letters: Vtrin. Mas lumakas ang dating noon sa akin dahil malambot ang tela nito at presko. Napaka lambot.
"Vtrin yata 'to..." mayabang niyang sabi, "Pero... crush ko kasi model nila. Siya 'yung una kong napansin sa mall no'n kaya ro'n na 'ko bumili simula no'n." malapad ang ngiti niya, tila ba kinikilig.
Natawa ako sa mukha niya, "Babae ka pala?" saad ko.
"Bakit? Mukha ba 'kong lalaki?" nakataas ang kilay niyang tanong.
"Oo, sa buhok mo kasi."
"Sabagay," sinabayan niya ako sa pagtawa. "Attractive at ma-appeal kasi 'yung lalaki, gusto mong makita?"
"Sige, kapag nakasalubong ko sa daan magpapasalamat ako dahil ginawa ka niyang babae." pang-inis ko.
Malapad na ngiti lang ang sinagot niya sa akin at agad na kinuha ang phone niya sa gilid ng sofa sabay kalikot doon.
Ang galaw at style kasi ni Karla ay pang-lalaki, pero hindi ako ganoon kasigurado sa kung ano ba talaga ang gusto o tipo niya. Pinupuri niya naman ang ibang mga babae, minsan nga ay nilalandi at kinukuha ang number, pero hindi naman pala seryoso. Kaya masasabi ko na kunwaring tomboy lang siya at ang puso niya ay para sa lalaki pa rin.
"Oh," tinutok niya ang phone sa mukha ko.
Kinuha ko iyon at maayos na hinawakan.
Isang lalaki na nakasuot ng itim na above-the-knee shorts, brown shirt na may printed white letters sa dibdib, at white sneakers. Dahil din sa payat siya, nakikita kung gaano siya katangkad kumpara sa babaeng katabi niya. Kayumanggi ang balat niya, matangos ang ilong... pero tinakpan ang nunal niya sa right eye.
BINABASA MO ANG
An Odd Sunshine
RomanceWould you rather ignore the one who loves you for someone who is in the same situation as you? Merry Joyce had never thought that her first love--the guy she secretly liked--would come into her life to grant one of her wishes: ang mahalin siya nang...