06: Conyo

57 14 21
                                    

"A-Aray! Teka sandali." pag-agaw ko sa braso ko. Agad naman niyang binitawan iyon at ipinwesto na lang ang mga kamay na parang nagja-jogging. Nangalay ang kamay ko sa paghawak niya, hindi niya siguro namamalayan pero ang higpit noon.

"Okay ka na ba? May masakit ba sa 'yo?"

Saglit akong napatitig sa kaniya, "W-Wala naman--ayos lang ako." sagot ko at napaiwas nang tingin.

Hindi ko inakalang maaalalahanin pala siya.

Sa pagbagsak ko sa sahig kanina, medyo sumakit ang balakang ko. Dati pa kasi sumasakit ang banda roon, lalo na kapag hihiga ako kaya wala namang dapat ipag-alala.

"Gusto mo bang sumama sa 'kin?"

Ang tangkad niya't nakakangalay ang palaging tumingala sa kaniya, dagdag pa itong suot kong cap. "Saan? Atyaka bakit?" medyo nagsalubong ang mga kilay ko.

"You see, these guys are on drugs." iniharap niya ang katawan sa direksyon sa likuran namin, paatras na tumatakbo.

Agad nanlaki ang mga mata ko at tumibok nang mabilis ang puso, "D-Drugs?!" dahil sa kaba mabilis akong lumingon patalikod. Mabuti na lang ay nasa apat na metro pa ang layo nila sa amin. Mukha talagang nasa epekto sila ng drugs, kung ano-ano ang sinisigaw nila, tumatawa rin na parang baliw.

"Yup," tumango siya bilang sagot sa tanong ko. "Kung maghihiwalay tayo ng daan, it will be too dangerous for you."

Natahimik ako't hindi sumagot. Tumatakbo pa rin siya nang paatras kaya magkaharapan kami ngayon. Sa totoo lang, hindi ko alam kung maiinis, mag-aalala at kakabahan, o maiilang ako--hindi ko naman kasi siya kilala. Atyaka, inaalala ko si kuya Rico, maaga pa pero paano naman iyong mga pasahero niya kung magtatagal ako? Wala siyang kikitain. "Bakit ba kasi dinamay mo pa 'ko? Sana iniwan mo na lang ako ro'n." mahina kong saad, nagtitimpi nang inis.

"Sinabi ko naman sa 'yo that I can't just leave you there." kalmado niyang sabi, tila pinapaintindi sa akin ang sitwasyon.

"Posible pa rin naman tayong magkita sa convenience store tapos do'n ka na lang mag-sorry."

"Convenience store?" taka niyang tanong.

"Oo. Ikaw 'yung--" napatikom ako ng bibig at napatakbo ulit nang mabilis nang bigla niya akong hilain sa may pulsuhan, sinabay sa takbo niya. "Wala pa 'kong sagot kung sasama ako o hind--"

"Shhh," lumiko kami pa-kaliwa at pumasok sa eskinitang walang ilaw na nagmumula sa mga bahay o poste. "Don't worry. Wala sila sa sarili nila kaya hindi ka aabutin ng isang oras sa pagtatago." bulong niya sabay iginaya ako sa likod nang malaking puno. Nakapwesto ito sa gilid ng gate ng isang bahay, kaya sumandal ako roon sa sementong bakuran para masuportahan ang sarili dahil madilim.

"Let's wait 'til they run past this street." bulong niya. Mabilis naman akong napatango kahit alam kong hindi niya ako nakikita.

Kahit kinakagat ng mga lamok ang mga braso ko, hindi ko magawang patayin o paalisin man lang sila. Paano kasi ay hawak pa rin niya ang pulsuhan ko. Ngayon ay malumanay na ang paghawak niya kumpara sa kanina.

Ayoko namang hilahin o sabihin sa kaniya, paniguradong magkaka-ilangan lang kami sa isa't isa kaya hahayaan ko na.

"Tripppp! You fuck get out where the freak you're hiding!"

"Yes! Gago ka!"

"Gusto ko pa--let's just go back and--fuck! Bye! Meet you there when you're there, hahahaha!"

Nang makapag-adjust ang mga mata sa dilim, sisilip sana ako at tatabi sa kaniya para makita iyong mga lalaki pero hinigpitan niya ang paghawak sa pulsuhan ko, binabantaan ako. "Don't move, don't make any noise." bulong niya sa akin at lumingon pa.

An Odd SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon