Nasa kamay ko ang polo na binigay ni Tripp. Sobrang saya ko at tinatago ko lang ang kilig na nararamdaman ko mula kanina hanggang ngayon. Paano kasi ay makokolekta ko na itong mga long-sleeves na ito sa wakas--iyong binili ni Rysen at itong binigay ni Tripp sa akin--hindi ko na sila kailangang itago pa.
"Stop smiling." mahinang sabi ni Rysen dahilan ng paglaki ng mga mata ko.
Akala ko kasi ay hindi siya nakatingin sa akin kaya sige lang ang pag-ngiti ko rito mag-isa mula nang makababa sa kotse niya hanggang sa pagpasok.
"Bakit hindi mo sinasagot tawag ko?" tila tumalon ang puso ko, pero nanatiling kalmado, nang marinig ang ate niya na komportableng nakahiga sa may sofa. "I texted you several times--mag-meet tayo sa may convenience store, pero hindi ka sumasagot." dagdag pa niya.
Komportable siyang nakahiga sa may sofa na may suot pang kulay grey na cap, kaya alam kong hindi niya ako nakikita ngayon. Ganoon pa man, tinapik ko si Rysen para makita ang reaksyon niya at kung ano ang dapat kong gawin. Hindi ko kasi alam kung patago ba akong aakyat sa taas, o lalabas muna ng bahay niya para hindi ako makita ng ate niya dahil baka kung ano pa ang isipin niya.
"I know you have my spare key," tinignan ako ni Rysen at ginawi ang kamay niya sa may hagdan, sinesenyasan akong umakyat na. "But who told you that you can smoke in here?"
Sinunod ko siya at maingat na nagpunta papunta sa may hagdan. Maingat, pero mabilis ang pagkilos ko. Ngayon ko nga lang din napansin na naninigarilyo ang ate niya sa loob ng bahay. Hindi ko naman kasi naamoy ang amoy ng sigarilyo.
"Sino siya? Girlfriend mo ba? Live-in kayo?"
Na-estatwa ako sa kinatatayuan. "Uhh, hello po." dahan-dahan akong humarap.
"I kinda wish she's my girlfriend, though."
Nanlaki ang mga mata ko dahilan ng tuluyan kong hindi paggalaw sa kinatatayuan ko.
"Sige na, umakyat ka na. I'll call you once we're done." ngiti sa akin ni Rysen, kaya naman nakisama ako't pilit na ngumiti sa kaniya.
Sana lang ay hindi ako namukhaan ng ate niya lalo pa't regular customer ko siya sa store. Alam kong maliit ang posibilidad, pero sana.
Nang makaakyat sa kwarto, agad akong naligo at nagligpit ng mga gamit. Nahiga na rin ako agad dala ng pagod at nakatulog nang basa ang buhok. Hindi ko alam kung anong oras iyon, pero nang imulat ko ang mga mata ko ay amoy na amoy ko ang masasarap na pagkain na gumising sa akin. Mabilis akong nakaramdam ng gustom kaya naman lumabas na ako agad ng kwarto at bumaba.
Ang alam ko'y iniwan kong bukas ang bintana kagabi, pero ngayong paggising ko ay bukas na ang aircon at nakasarado na ang bintana. Hindi naman ako gaanong gininaw dahil may kumot na yumayakap sa akin.
"Uhh, good morning?"
"Hmm, morning." bati pabalik ni Rysen.
Kumakain siya habang may kausap sa phone, agad niya namang pinatay iyon ng mapansin ko kaya hindi ko na lang din pinansin.
"Nandito ba ate mo? Hindi ba niya ako namukhaan?" sunod-sunod kong tanong.
"Surely, namukhaan ka niya, pero wala siya. Anyway, hayaan mo lang. She's too old and busy to care about us--" natigil siya na tila may maling nasabi. "I mean, not 'us', but, you know, about... me. Yeah."
"Oo na. Hindi mo naman kailangang maging defensive." tawa ko. "May pasok ka ba ngayon?"
Tumango siya. "Kailangan kong humabol sa mga subjects ko, baka late na 'ko umuwi. I added you to our group chat. Doon sila magsasabi kung pupunta sila dito or hindi, kaya 'wag mo agad bubuksan 'yung gate. 'Wag mo rin bubuksan 'yung mga bintana, especially at night." tinignan niya ako ng masama na parang may nagawa akong isang malaking kasalanan. "Kung naiinitan ka, buksan mo na lang 'yung aircon."

BINABASA MO ANG
An Odd Sunshine
RomanceWould you rather ignore the one who loves you for someone who is in the same situation as you? Merry Joyce had never thought that her first love--the guy she secretly liked--would come into her life to grant one of her wishes: ang mahalin siya nang...