"Tama na..." bulong niya sa sarili, "Tama na!" sigaw niya sabay inalog-alog ang ulo at biglang nagtatatalon.
"Napano ka? Baliw ka ba?"
"Ehem, amazing, 'no?" kamot niya sa noo, "Tara, papakita ko sa 'yo 'yung kwarto ko--malaking kwarto." nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya, naging gaya iyon ng kanina at wala na ang bakas nang inis o tampo.
Taka ko lang siyang sinundan nang tingin nang takbuhin ang pa-ikot na hagdan at na-estatwa rin sa kinatatayuan nang mapagtantong hindi ko suot ang cap ko. Kung si ate Joyce ay napansin ang ilang sugat ko sa noo kahit suot ko iyon, paano pa kaya ngayon?
"Kevs pangalan ko, ikaw?" hindi naman iyon pasigaw, pero nag-echo sa loob ng bahay.
Aatras na sana ako palayo, pero hindi ko ginawa kaya isinuot ko na lang ulit ang cap nang bigla siyang magsalita.
"Merry Joyce... as in Merry Christmas." sagot ko habang maingat na humahakbang sa hagdanan.
"Let's be friends!"
Tumingala ako saglit at kita ko ang pagsayaw-sayaw niya sa itaas.
"Ilang taon ka na ba?"
"Eighteen na 'ko~" kanta niya habang sumasayaw pa rin. Sumasabay pa ang balabal sa galaw niya.
Ka-edad niya si Karla, pero mas lalaki pang gumalaw si Karla sa kaniya.
"Sabi ko na nga ba bata ka." bulong ko sa sarili. Tatlong hakbang pa bago makaapak sa sahig ng ikalawang palapag.
"Finally, MJ! You finally arrived!" pagtaas niya sa dalawang kamay.
Agad kong naitakip ang mga kamay sa mata nang sumalubong sa akin ang nakasisilaw na balkonahe. Nakabukas kasi ang mga kurtina kaya pumapasok ang liwanag mula sa labas.
"MJ? Twenty na 'ko, lagyan mo ng 'ate'." seryoso kong sabi sabay inilibot ang tingin sa buong palapag.
Mayroong itim na sofa at salamin na coffee table, bookshelf sa taas ng pintong salamin ng balkonahe, at nakasabit na gitara katabi ang maliit na piano ang nasa harap namin.
"Pagbigyan mo na 'ko. Buong buhay ko puro ako 'ate', 'kuya', 'mommy', 'daddy' 'lola', 'lolo', 'tito', 'tita', 'manang', 'manong'--mukha ka namang bata kaya hayaan mo 'kong maramdaman na mas matanda ako sa 'yo."
"Ang daldal mo. 'K' na lang itatawag ko sa 'yo para naman kahit pangalan mo lang 'yung maikli." sakastiko kong sabi.
"Mukha ka ngang bata pero grabe ka naman mangbara, amazing." nguso niya na ikinatuwa ko. "Tingin ka sa likod," utos niya at ginawa ko naman, "Collection ko 'yang mga 'yan. I started collecting those when I was... fourteen, I guess?"
Ang dami nga niyang collection ng mga stuffed toys, dolls at kung ano-ano pa, pero hindi iyon gaya ng mga pang-batang laruan. Nakalagay ang mga iyon sa dalawang magkadikit na glass display shelf katabi ang kama niya. Mataas din iyon at may mga ilaw pa sa loob.
Naglakad ako palapit doon. Matapos ang ilang segundo ay narating ko rin iyon habang nasa likod ko siya. Sobrang luwang kasi rito at masasabi kong pwede akong mag-jogging.
"Magre-review muna ako, next time sasabihin ko kung pa'no ko na-collect lahat sila." saad niya habang pinagmamasdan ang mga collection niya. Halata sa mga mata niya kung gaano sila ka-importante.
"Ano eksakto kinokolekta mo?" tanong ko.
"Anime. Anime lover ako. Pero, particularly, favorite ko lahat ng film from Studio Ghibli--from Studio Ghibli rin halos ang collection ko. Gaya ng mga costumes na 'yan." turo niya sa kaliwang parte ng palapag gamit ang mga labi.

BINABASA MO ANG
An Odd Sunshine
RomansWould you rather ignore the one who loves you for someone who is in the same situation as you? Merry Joyce had never thought that her first love--the guy she secretly liked--would come into her life to grant one of her wishes: ang mahalin siya nang...