28: Breathe

13 3 0
                                        

"Oo naman. Gustong-gusto ko siyang makulong."

"Then, would you like to go with me to the police station?"

Napakunot ang noo ko. "Bakit? Tungkol kay Louie?"

Umiling siya, "It's about your mom. I'm going to testify something regardin--."

"Ikaw?" naguguluhan kong saad. "Pa'no?"

Umiwas siya nang tingin, imbes na ako ang tignan niya ay sa ibang direksyon niya tinuon ang mga mata niya. "Your eyes are still swollen--"

Hindi ko mapigilang hindi matawa, "Ano naman ngayon? Curious lang ako, Rysen. Gusto kong malaman muna ano 'yung aaminin mo-- kung ano 'yung alam mo."

"Sa police station na, Joyce, please."

Ngayon ko lang nakita ang ganitong itsura niya. Iyon bang tila desperadong-desperado siya.

"Ano namang pinagka-iba?"

"Tara na,"

Kahit pa gusto kong magmatigas ay wala na akong nagawa dahil nagsimula na siyang maglakad papunta sa sasakyan niyang naka-park ilang metro ang layo sa amin.

Natutuwa akong pilay lang ang nakuha niya mula sa kagagawan nila Louie at hindi gaya noong na-admit pa sila sa hospital ng ilang araw. Nakahinga ako nang maluwang dahil sa wakas ay hindi siya mag-iisa sa hospital kung sakali.

"Pa'no mo pala nalaman 'yung tungkol kay mama?"

"Habang kasama ko sila Tripp, tumawag si tito. He asked if Tripp could go to the police station for confirmation-- he recognized Rhian."

Napatango na lang ako, hindi na ako makahinga nang maayos.

Pinaandar na niya ang sasakyan. Isang kamay lang ang gamit niya, pero mukhang kaya niya naman. "Nasa hospital kami no'n. Sumama si Mauldrene kay Tripp, while Jon and Hanzel were with me, pero 'di ko alam kung sa'n sila nagpunta after that."

Saan naman kaya sila nagpunta, kahit chat ay wala akong natanggap mula sa kanila. Gusto ko silang makita lahat. Gaya noon na masasabi kong halos magkakasama kami lagi.

"Ano nga pa lang nangyari? Pa'no nahuli 'yung isa pang kasamahan ni Louie?"

Hindi ko mapigilang hindi siya tanungin tungkol sa bagay na iyon kaya tinanong ko na. Syempre, gusto ko rin malaman ang detalye tungkol doon.

"Pumasok siya sa bahay-- sinira niya 'yung gate and pinto. Good thing's I was still awake when he invaded my house, if not, maybe I was stabbed or who knows what."

Ganoon pala ang nangyari sa kaniya, pero sa itsura niya ay parang ang kalmado pa rin niya.

"Si Tripp 'yung ex-friend, pero bakit ikaw 'yung ginanon?"

"'Di ko alam." kibit-balikat niya, "I fought him, and called the police right away. Pinuntahan din ako nila Tripp."

Napatango-tango ako. "Buti hindi malala 'yung nangyari sa 'yo. Nasa'n naman sila Mauldrene?"

"'Di ko rin alam,"

"Bakit hindi mo alam?"

"Bakit 'di mo na lang sila i-chat instead of asking me?"

Natahimik naman ako't hinayaan na lang siya.

"Joyce, I know that you're sad right now. Just feel it." kinuha niya ang phone niya at ni-connect iyon sa sasakyan. Naka-stuck kami sa traffic ngayon. "I feel what you feel as well. Ganiyan si mom, I ask myself most of the time why they care so much about other people than us, their children, to the point that the gap between us is getting bigger and bigger."

An Odd SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon