19: Live-in

11 3 0
                                    

Sa likod ng bahay lang ni Kevs ako nagpahangin. Sinundan pa ako ni Karla, pero nakampante rin naman siya nang sabihin kong hindi ako lalayo't doon ako magpapahangin.

Nandito ako kari ate Joyce. Nakita ko kasi siyang dumaan kanina, mukhang pupunta dapat sa amin, kaya tinawag ko na siya't kinuha ang isang tupperware ng graham balls na ube ice cream ang filling at binigay iyon sa kaniya. Hindi ko na rin pinabayad dahil gusto ko talaga siyang ilibre.

Nalaman ko rin kay Kevs na hindi makakapunta sila Tripp, kaya nagpaalam na akong sasama na kay ate Joyce papunta sa kanila dahil may ibibigay raw siya sa akin. Pumayag din naman sila at sasabihin niya na lang daw kari Mauldrene. Gusto pa nila noong una na samahan ako, sa tingin ko ay masyado silang praning kaya hindi ako pumayag.

"That's all yours." abot sa akin ni ate Joyce sa paper bag na puno ng mga damit. "Kapag nakikita kasi kita puro t-shirt suot mo atyaka pants--I respect if that's your preferrence--pero pwede ka rin naman mag-try ng iba." saad niya pa sabay nguso sa paper bag.

Ito ang unang beses na nakapasok ako sa loob ng bahay ni ate Joyce at masasabi kong maayos ito dahil walang kalat-kalat na kung ano hindi gaya sa bahay ni Kevs at Rysen. Isa na sigurong dahilan ay hindi ganoon kalinis ang mga lalaki kumpara sa mga babae. Mula sa mga gamit at mga disenyo sa bahay ni ate Joyce, mukhang pinag-isipan talaga at mukhang ayaw rin niya ng maraming gamit dahil ang simple talaga.

Kulay puti halos at kumikinang sa linis. Maliliit din ang mga appliances at furniture niya kaya hindi masikip tignan.

"Hehehe. Thank you, ate Joyce. Tatry ko 'to." ngiti ko sa kaniya.

Kita ko ang iba't ibang klase ng mga damit na nandoon--halos makukulay rin lahat. Nakakalungkot lang dahil baka kapag sinuot ko ang mga ito ay hindi niya naman makita.

"Welcome," umupo siya sa tabi ko. "So, kumusta ka naman? Ilang days na rin nu'ng umuwi ako. Nagtaka ako nu'ng una kung bakit 'di ka nagpupunta to sell grahams. Akala ko kung ano na'ng nangyari sa 'yo."

Hindi ko naman alam kung saan magsisimula kaya napatigil muna ako para mag-isip. "Uhh, nag-away kasi kami ni mama, ate Joyce. Kaya ayon, pinalayas niya 'ko." ngumiti ako nang pilit habang yakap itong malaking paper bag.

"I'm sorry to hear that. Hindi naman ako tsismosa. Worried lang," awkward din siyang ngumiti.

"Ayos lang, ate Joyce. Thank you."

Alam ko namang may pakealam siya sa akin at nag-aalala siya noong una pa lang.

"Sa'n ka nagse-stay ngayon? Pwede ka rito kung gusto mo. Welcome na welcome ka sa bahay ko."

"Gano'n ba, ate Joyce. Salamat, hehe." sa hiya na nararamdaman ay nilaro ko na lang ang mga daliri ko. "Sa kaibigan kong lalaki ako nagse-stay... pero aalis na rin ako."

Tumango-tango si ate Joyce sabay inabot iyong graham balls na nasa ibabaw ng lamesa. Nakaupo kami rito sa brown niyang couch, sa palagay ko rin ay dito siya kumakain dahil ito ang tanging lamesa na nakikita ko. "Sa'n ka naman magse-stay next?"

"Sa Manila na, ate Joyce. Doon na rin ako mag-work."

Ayokong pati ang pagkawala ko sa dati kong trabaho ay sabihin ko pa. Mabuting ang pag-alis ko na lang ang malaman niya. Baka kasi sabihin ulit ni ate Joyce na tutulungan niya ako lalo pa't seryoso ang dahilan ng pagkawala ko roon. Wala rin akong pruweba para sabihin na hindi totoo iyong bintang ng boss ko.

Kanina rin ay kinukulit ako ni ate Joyce sa dahilan nang tila paghigpit daw ng mga kasama ko sa akin. Kinukulit niya ako sa dahilan, pero mas pinili kong huwag ng sabihin.

Kilala ko na si ate Joyce, at simula pa noong una ay mabait na siya sa akin. Mula pa noong una ay gusto na niya akong tulungan. Ganoon pa man, kaya ko pa namang tiisin ang lahat at ayos pa naman ako.

An Odd SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon