15: Manila

32 4 0
                                    

Tama akong bago ang bartender na iyon at sa tingin ko ay may kung 'ano' sila ni ate Qelly dahil puro si ate Qelly ang laman ng bibig niya. Sa tingin ko nga ay kung hindi pa ako nagpaalam na mauuna na, hindi siya titigil kasasalita.

Gusto ko sanang kausapin iyong mga bouncers kanina, gusto kong humingi nang tulong para hanapin iyong ibang kasamahan ni Louie. Hindi ko alam kung paano pa sila nakatakas sa dami ng pulis kanina, pero nakausap ko kanina sa phone si Kevs gamit ang phone ni Karla at binalitaan ako na hindi pa raw nahuli ang iba. Gusto rin sanang sumama ni Karla sa amin para kay Tripp, pero walang magbabantay sa mga kapatid ko.

Habang nasa jeep kami kanina ni Kevs, hindi siya mapakali--halata ang pag-aalala niya para sa kuya niya. Pareho kaming tahimik. Hindi ko magawang tumawa o ngumiti. Parang hindi pa rin kasi pumapasok sa isip kong natanggal ako sa trabaho. Hindi ko talaga alam kung anong emosyon ang dapat kong maramdaman ngayon.

"Mom?" tawag ni Kevs sa babaeng hawak-hawak ang kamay ni Tripp, nakayuko at tahimik na umiiyak.

Mabilis na tumayo ang mommy niya nang makita kami sabay hinawakan sa magkabilang balikat si Kevs. "Kevs... sorry we couldn't fetch you--I was so worried and--"

"Shhhh--it's okay, mom." niyakap ni Kevs ang mommy niya. "I'm with ate MJ, friend nila kuya." kumawala naman ang mommy niya sa yakap at nginitian ako. "Where's dad? Does he know?" inilibot naman ni Kevs ang tingin niya sa buong kwarto.

Paniguradong kinakabahan siya lalo pa't isang pulis ang daddy nila.

"He's on the way..." nanginginig ang boses niya. "Hi, iha. Were you with them when it happened?"

"U-Uhh... opo, pero b-bagsak na po si Tripp nu'ng makita ko sila--sorry po." nakayuko kong sabi habang pinipisil ang sariling kamay.

"Oh, God, please help my son." iyak nanaman niya kaya inalalayan na lang siya ni Kevs pabalik sa upuan niya.

Ibang Kevs ang nakikita ko ngayon, wala iyong parang bata--parang si Tripp siya ngayon.

Kararating pa lang namin dito sa hospital. Si Tripp ang una naming pinuntahan, hiwa-hiwalay na kasi sila ng mga kwarto kaya hindi namin sila mabisita nang isahan. Sa totoo lang din, nag-aalala ako sa tatlo, hindi ko kasi alam kung nandito na ba mga pamilya nila... lalo na si Rysen.

"K-Kevs? Pwedeng puntahan ko muna sila?"

Tumango siya. "Sige, ate MJ. Their rooms are not too far from each other, 'wag ka masyadong lumayo." bilin pa niya.

Ngumiti naman ako bago tuluyang umalis. Ngingitian ko rin sana mommy nila kaya lang nakayuko siya. Nakakakabang makilala ang mommy ni Tripp--pakiramdam ko kailangan kong magpakabait para maging boto siya sa akin kahit na alam kong para akong baliw sa naiisip.

Paglabas ko ng kwarto ay walang ibang tao sa hallway kung hindi ako lang. Napakatahimik pa't nakakakilabot ang pakiramdam nang makitang patay na ang ilaw sa may hagdanan.

Maliit lang itong hospital na ito, umaabot lang din sa limang kwarto ang mayroon sa bawat palapag. Naisip kong baka ibang kwarto ang mapasukan ko kaya magtatanong na lang ako sa baba.

"Psst!"

Natigil ako't nanlaki ang mga mata nang marinig iyon. Nanggagaling iyon sa likuran ko kasabay ng mga dahan-dahang yapak.

Hindi naman ako takot sa mga multo, kakaiba lang talaga ang nararamdaman ko.

Nang tawagin ako nitong muli, mabilis kong iniikot ang ulo ko patalikod para agad makita ang taong iyon. "Mauldrene!" napahawak ako sa dibdib sabay ilang beses na huminga nang malalim. "Ikaw--sadya mo banag manakot?!"

An Odd SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon