"Tahan na, please. Naiiyak din ako sa 'yo, e."
Iyak ni Lorena, habang ang mga luha ko'y tahimik na tumutulo mula sa mga mata ko.
Ni-hindi ko na magawang humikbi sa sakit na nararamdaman ko.
Kung ganito katindi na sakit ang kapalit ng kasalanang ginawa ni papa, sana hindi na lang ako nabuhay. Sana'y ginawa na ni mama ang gusto niyang ipalaglag ako. Sana ay pinakinggan na lang niya ang sarili niya.
Sa nakikita ko ngayon, kung ganoon naman ang nangyari ay hindi ko mararanasan at mararamdaman itong mga bagay na ito. Nakakalungkot isiping nabuhay ako para pagbayaran ang mga maling ginawa ni papa kahit pa wala akong kinalaman doon.
Hindi ko tinulak o pinahintulan si papa na gawin ang mga maling ginawa niya. At hindi ko tanggap ang ganitong resulta ng mga iyon.
Nakakapanghina nanaman.
Hanggang kailan ko ba kailangang magtiis at magpakatatag. Nakakasawa ang sitwasyon kong ito.
"Merry Joyce..."
Ang rule namin ni Lorena ay tawagin ang isa't isa gamit ang buo naming pangalan. Pakiramdam ko kasi ay mas konektado kami sa isa't isa kapag ganoon. 'Ren' talaga ang tawag ko sa kaniya, ang tawag niya naman sa akin ay 'Joyce'. Pero sa kung anong rason man, mas ginusto kong tawagin namin ang isa't isa gamit ang buo naming pangalan.
"Kasama na nila tito Nards si Rhian, nasa pulis na siya, kumalma ka naman kahit konti, please."
Kalmado naman ako, hindi na nga ako nagsasalita. Ganoon pa man, ang mga luha ko naman ay tuloy-tuloy sa pagpatak at ang paghinga ko ay palalim ng palalim na tila sa loob ng ilang minuto lang ay magco-collapse na ako.
Nasa loob kami ng sasakyan ni Tripp, nasa backseat. Papunta kami ngayon sa police station para kay Rhian, kay mama at sa nobyo niya. Wala akong ibang naiisip ngayon kundi si Rhian, siya ang una kong gusto kong makita pag-apak namin sa police station.
"Nasa'n si Karla?" tulala kong saad.
"Nasa bahay, dini-distract sila Rhion at Regina." malungkot ang boses niya, "Nagising na lang daw si Karla na wala si tita at Rhian. Hinanap daw nila sa buong Village, si Kevs 'yung nagpaalam kay Karla t-tungkol dito..."
"Tripp," napahikbi ako, hindi na ma-control ang sarili kong pag-iyak. "Malayo pa ba? Gusto ko na siyang makita, e."
"We're already here,"
Mabilis akong napatingin sa labas, sa dinadaanan namin, at doon ko nakita ang logo ng PNP.
Nang lumiko pa-kaliwa si Tripp para ipasok ang sasakyan sa loob hanggang sa makapasok kami, ay patindi nang patindi ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
Kaunting sandali pa, makikita ko na si Rhian, pero hindi ko alam kung makakaya ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko siyang makita nang nasa ganoong estado.
"Tara na," pag-alalay ni Lorena sa akin mula sa likuran.
Nakahinto ang sasakyan ni Tripp, lumabas na rin siya't binuksan ang pintuan sa tabi ko kaya bumaba na ako kahit pa nanghihina ang mga tuhod ko.
Wala akong pakealam sa itsura ko ngayon, paano kong pang maiisip iyon sa ganitong sitwasyon.
"Tripp!" tawag ng isang pulis mula sa malayo, tila hinihintay ang pagdating namin. "Under preventive detention 'yung offenders, sino sa kanila 'yung ate?"
"Siya po," turo ni Lorena sa akin.
"B-Bakit po?"
"Magpakatatag ka, iha."
Ulit-ulit akong napatango, pinipigilan ang mga luha ko sa pagkawala dahil alam kong kung hahayaan ko sila ay walang tigil na rin ang paghikbi ko. Ganoon pa man ay sobrang hirap nito sa akin dahil naiipon sa puso ko ang bigat nitong nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
An Odd Sunshine
RomanceWould you rather ignore the one who loves you for someone who is in the same situation as you? Merry Joyce had never thought that her first love--the guy she secretly liked--would come into her life to grant one of her wishes: ang mahalin siya nang...