Gulat akong napalingon sa back seat nang biglang magsalita si Kevs. Hindi ko napansing nandoon siya dahil tinted ang mga bintana--bukod doon, hindi ko rin inakalang may kasama si tita dahil mag-isa siyang bumaba ng kotse kanina.
"Hahahaha!" saglit na tumingin sa akin si tita. "Hindi ka napansin ni Merry Joyce, Kevs."
Dahan-dahan at ma-ingat ang pagmamaneho ni tita ngayon, inililiko kasi ni tita ang kotse rito sa main highway. Malapit na lang kami sa store na pinapasukan noon.
"Opo, hindi ko po talaga siya napansin." nahihiya at mahina akong natawa.
"Sorry, ate MJ." ngisi pa ni Kevs. Nakahiga siya sa may back seat habang hawak-hawak ang phone niya. Mukhang abala siya sa paglalaro ng kung ano roon.
"He's that quiet when playing..." saad ni tita na ngayon ay dere-deretso at focused na ulit sa pagmamaneho. "Hindi ka santo sa 'kin, my dear Kevs. One of these days, every Sunday, I'm gonna drag you to the church as well--gagawin pa kitang pianist."
"I'm gaining a lot of fame at the moment, mom. Eventually, magiging busy ako meeting cosplayers like me across the country." ni hindi umalis ang mga mata ni Kevs sa phone niya.
"Then, bawiin ko na lang studio mo..."
"Mom, it's a gift from you and dad for my 18th birthday, you can't do that."
"A special gift for your 18th is not even appropriate. Let's wait 'til you turn 21--want me to take it back?" seryosong saad ni tita, tinitignan si Kevs mula sa rear-view mirror.
Mukhang magsasalita pa sana si Kevs, pero pinigilan na lang niya ang sarili niya. Umupo na rin siya nang maayos at ngayon ay baluktot na ang mga labi.
"I'm kidding, too!" bigla ay masiglang sabi ni tita.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa o manahimik na lang sa nangyayari sa kanilang dalawa bilang mag-ina, pero ngumiti na lang ako nang pilit sabay saglit na sinilip si Kevs sa back seat para makita ang reaksyon niya. Baluktot pa rin naman ang mga labi niya't magkasalubong nag mga kilay.
Halos mabali na ang leeg ko rito katitingin sa kaniya.
"Ayan, wala na siya sa mood." tumatawang komento ni tita.
Ang sarap siguro sa pakiramdam kapag ganiyan kayong pamilya.
"Ang tahimik mo yata, Merry Joyce? Worried about your acad--oh, right!" biglaang sigaw ni tita kaya pakiramdam ko ay gising na gising na ako.
Mabuti na lang ay hindi kagaya ni Rysen si tita--naalala ko noong bigla siyang parang nawalan ng kontrol nang palabas kami sa subdivision nila.
"B-Bakit po?"
"Do you have class? Sa'n ka nag-aaral? Late ka na ba?"
Nakahinga ako nang maluwang sa sunod-sunod na itinanong sa akin ni tita. Inakala niya sigurong tumahimik ako dala nang pag-aalala dahil a-absent ako sa klase. Haha. Akala ko kasi kung ano na ang mayroon.
"Hindi na po ako nag-aaral... working na lang po."
Tumango-tango si tita. "Ilang taon ka na ba?"
"Uhh, mag-tu-twenty na po next month."
"Hmm... birthday ko na rin next month. Tripp's birthday naman is on New Year."
Napangiti ako, "Ang special naman po niya."
"I agree, Merry Joyce." kinikilig na ngumiti rin si siya. "By the way, sa'n ka nagwo-work niyan, iha? Are you working to support your family?"
"Uhh, yes po. Nag-work po ako sa convenience store malapit sa bahay ni Rysen."

BINABASA MO ANG
An Odd Sunshine
RomanceWould you rather ignore the one who loves you for someone who is in the same situation as you? Merry Joyce had never thought that her first love--the guy she secretly liked--would come into her life to grant one of her wishes: ang mahalin siya nang...