33: Dreams

7 3 0
                                    

"Rysen," mahina kong tawag sa kaniya habang iyong dalawa ay nag-e-enjoy sa panonood.

Kanina pa ako curious sa paleontologist na sinasabi ni Rhion. Ayokong tanungin siya dahil ayokong isipin niyang wala akong alam. Naka-ilang activities na kami, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang ibig sabihin noon.

"Yes?"

"Ano'ng ibig sabihin ng paleontologist?" bulong ko.

Kailangan naming magbulungan dahil malakas ang mga speaker. Bukod pa roon, ay puro sigawan ang mga tao rito dahil sa mga nananakot na mga dinosaurs. Yakap-yakap ni Rysen si Regina at tinatakpan din niya ang mga mata niya kapag may lumalapit na dinosaurs sa amin.

"Paleontologists studies the life that existed before us. Why?"

"Gaya ng mga dinosaurs, gano'n?"

"Yes, but broader."

Napatango-tango na lang ako sabay nagthumbs-up.

"Bakit?"

"Wala," iling ko. "Curious lang."

"Are you hungry already?"

Nahihiya naman akong tumango. Kumain na kami kanina ng fries sa labas, pero hindi naman sapat iyon lalo pa kanina pa kami lakad ng lakad.

Nang matapos ang show ay nagpa-picture kaming apat sa mga dinosaurs, isang adventure na lang ang pupuntahan namin dito at iyon ay iyong nasa train kaming papasok sa gubat.

Alam kong nag-e-enjoy sila Rhion at Regina. Kanina, habang nasa loob kami ay ayaw nang umalis ni Regina sa 'Dig and Discover' part ng lugar. Noong una ay takot siya, pero nang makita niya ang lahat ay parang na-amaze na siya sa mga nakita niya. Para kasing totoo ang lahat; may mga dinosaurs pang nakakulong sa isang cage at iyong mga inabandonang sasakyan. Si Rhion din ay ayaw nang umalis sa 7D Super Screen dahil nakaka-enjoy naman talaga. Mararamdaman mo talagang tila nasa lugar kang iyon kasama ang mga dinosaurs. Hindi na pwedeng umulit kaya wala na kaming nagawa. Natanggap niya na rin naman at hindi naman sila nanggulo.

"Gutom na kayo?" hawak ni Rysen sa kamay ang mga kapatid ko habang ako ay nasa gilid lang, nakangiting pinagmamasdan sila. "After kumain sa museum na tayo tapos sa Insectlandia, okay? Pwede rin tayong maglaro sa playground mamaya kapag 'di na mainit."

"Okay po!" sagot noong dalawa.

Pawis na pawis na sila, pero mukhang wala lang sa kanila iyon.

Hahaha. Parang silang tatlo ang anak ko.

Naglakad lang kami ng kaunti at narating na namin ang restaurant. Nasa tapat lang ito ng entrada kanina.

"D'yan lang 'yung museum," turo ni Rysen sa kaliwang gilid nang makaupo kami rito sa lamesa sa labas. "You'll learn a lot from that museum."

Maraming tao, mabuti na lang ay may space pa para sa amin. Sakto lang ang lamesa, kaya tig-dalawa lang sa magkabilang upuan.

"Galing ka na ba rito?" nilabas ko ang tissue sa bag sabay pinunasan ang mukha ni Regina. "Parang alam na alam mo, ahh."

"Well, this place is somewhat my stress reliever." tawa niya, kumuha rin siya ng tissue at pinunasan naman si Rhion. "Ano'ng gusto niyong kainin?"

"Kahit ano na lang po, kuya Rysen."

Sumang-ayon ako kay Rhion at kinuha na ang wallet niyang pinatago niya sa bag ko kanina. "Ikaw na lang bahala. 'Di naman kami mapili sa pagkain."

"Okay, no worries. Dito na lang kayo, ako na papasok sa loob."

Nag-excuse siya kay Rhion bago tuluyang nakalabas mula sa dulo ng lamesa. Siya kasi ang nasa dulo at si Rhion ang nasa bungad. Syempre, para mas lalo siyang mahirapan ay inabot ko sa kaniya ang wallet niya.

An Odd SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon