31: Support

12 3 0
                                    

"No, no, no. My ears are closed for your nonsensical sayings. Save it for yourself."

Sobrang naiinis na ako't nanginginig ang mga kamay ko sa inis at gulat sa kaniya. Gusto ko siyang sampalin nang paulit-ulit kapalit ng pang-iinsulto niya sa akin, pero hindi ko magawa dahil nag-walk out na siya.

Sinundan ko si Hanzel papasok ng bahay. At nang makapasok ako ay nakita kong nakikipaglaro na siya agad kay Rhion at nagkukunwaring abala kahit pa saglit siyang tumingin sa akin.

"Nasa'n si Rysen?" pinipigilan kong maiyak at kino-kontrol ko ang nanginginig kong boses. "Nasa school pa ba? Kasama niya ba si Tripp?"

"Call mo, para sure."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko't lumabas ng bahay. Habang naglalakad ay inilabas ko ang phone ko mula sa bulsa at tinawagan si Rysen. Pero agad ko ring pinatay iyon nang makita ko si Tripp na naglalakad papunta sa akin. Naka-park sa tapat ng studio ni Kevs ang sasakyan niya.

Malayo man kami sa isa't isa, parang nag-uusap pa rin ang mga mata namin kahit malayo ang distansya. Pinapakatignan ko ang mukha niya, ang mga mata niya at ang buo niyang presensya. Nakalagay sa mga bulsa niya ang dalawa niyang kamay, deretsong nakatingin sa akin na tila ba wala sa isip niya ang kumurap kahit sa isang sandali lang. Ang seryoso ng ekspresyon ng mukha niya, pero kita rin ang lungkot sa mga mata niya.

Hindi ko alam kung may galit o inis siya sa akin ngayong nakatingin kami sa isa't isa, pero normal lang na maramdaman niya iyon dahil sa ginawa ko sa kaniya.

Tumakbo ako palapit sa kaniya, hindi ko na hinayaang makalapit siya rito sa amin. Mag-uusap kaming dalawa't ayokong may makarinig sa amin-- lalo na ang mga kapatid ko.

"Mag-usap tayo."

Walang gana siyang tumango, "Sure."

Hinawakan ko ang kamay niya't sinama siya sa daan papuntang playground, hindi ko binitawan ang kamay niya hanggang sa tuluyan kaming nakapasok sa street na iyon.

"Care to tell me why?"

Bakas talaga sa boses niya ang lungkot.

"I can't wait any longer. I'm dying to know why, Riri. Why?"

Inalis ko ang pagkakahawak sa kamay niya, tumigil sa paglalakad sabay humarap sa kaniya.

"Hindi ko kayang maging totoo sa 'yo-- ipakita 'yung totoong ako sa 'yo-- kaya pakiramdam ko nangangapa ako. Pinipilit ko lang 'yung sarili ko sa 'yo, Tripp-- sa inyo."

"You should've told me earlier. I can make everything better for you. Do you know that?"

Napahawak ako sa bewang ko't hindi ko alam paano ko pa ipapaliwanag sa kaniya nang hindi siya nasasaktan.

"You always ask me what I liked about you, I think now is the time for me to return the question." hinawakan niya ang mga kamay ko habang ang mga mata'y tila nag-mamakaawa sa akin. "What do you like about me? I was your crush from the start, right?"

"Lahat nagustuhan ko sa 'yo, Tripp. Ikaw 'yung lalaking papangarapin ng lahat--"

"That answer is enough, let me court you still, okay? I don't want to stop." malumanay ang boses niyang saad sabay yakap sa akin, "I don't want to let you go, Riri. Let me prove myself."

Nakapatong ang ulo niya sa ulo ko habang hinehele ako kasabay sa paggalaw ng katawan niya.

"Kung sinabi na ni Rysen sa 'yo lahat, tama na, Tripp. Gusto mo man o hindi, dapat naging ready ka sa ganito. Ganito naman talaga panliligaw, 'di ba?"

Hinaplos niya ang ulo ko, hawak-hawak niya ito ngayon. "'Di na ba magbabago isip mo, Riri?"

Umiling ako. "Alam ko ginagawa ko, Tripp. Kung ngayon pa lang ayoko na, wala na 'kong magagawa. Hindi ko kakayaning pagpilitan natin 'yung sarili natin sa isa't isa, ayoko nang gano'n."

An Odd SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon