Nang makababa kami ay wala na iyong mga bisita. Nandito pa raw ang iba sa mga kamag-anak nila Tripp, pero nasa kaniya-kaniya na raw silang kwarto.
Ngayon ay nandito kami nila Tripp, Lorena, Mauldrene, Kevs, Jon, Hanzel at Dannica sa swimming pool habang si tita Blessy at tito Nards ay nandoon sa dining table at pinagmamasdan kami kasama iyong pinsan ni Tripp na si Jay. Nakakatuwa ngang isipin na tuwing kumakain sila ay may maganda silang view na nakikita, at iyon ay ang pool.
"Hi, ate MJ." tumabi sa akin si Kevs, kanina si Tripp ang nasa tabi ko, pero nililinis niya kasi iyong pool kasama sila Mauldrene, Jon at Dannica.
Nagi-guilty akong pinag-isipan ko ng masama si Dannica. Ngayon ay wala na akong ibang iniisip. Naiintindihan ko kung gustong makipag-bonding nila Tripp sa kaniya dahil matagal-tagal na raw silang hindi nagkikita.
"Kumusta ka?"
Parang ang lungkot tignan ni Kevs.
"Fine, fine~" pagkanta niya. "Kailan ka ba uuwi?" malungkot niyang saad, parang batang nagtatampo.
"'Di ko pa alam, e. Bakit?"
"Miss na kita, ate MJ. I feel so lonely for the past few weeks. Wala akong makausap, wala akong vitamin grahams din."
Natawa naman ako't napa-iling na lang. "Grahams lang pala kailangan mo, e. Dadalhan kita, sige. 'Wag kang mag-alala." pagtapik ko sa balikat niya, pero nakasimangot pa rin siya. "Bakit ba?"
"Nothing. Burnt out lang~" pagkanta nanaman niya.
"Magpalit ka na, swimming time na niyan."
Tumango lang naman siya at hindi na umimik ulit.
Aksidente akong napatingin kay Rysen, nakatingin siya sa akin pero umiwas din nang magsalubong ang mga tingin namin.
"Alam mo ba kung ano'ng nangyari kanina?" bulong ni Lorena na nasa tabi ko.
"Kanina?" tumango siya, "Hindi, bakit?"
Lumapit siya sa akin at inayos pa ang buhok niya para makasigurong walang istorbo. "Sabi ni Mauldrene, kung magiging isang asshole raw si Rysen palagi, as in walang sportsmanship, ile-let go raw siya." tumango ako. "Sabi naman ni Rysen, liligawan ka rin daw niya."
At doon, mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko. "Hindi ko naman siya papayagan."
Si Tripp lang ang nag-iisang lalaking gusto kong manligaw sa akin dahil alam kong hindi ko iyon pagsisisihan. Matinong lalaki si Tripp. Isa siyang lalaking may salita at gawa. Alam kong hindi niya rin ako gagawan ng masama.
"Sure ka?"
"Oo,"
Dahan-dahan siyang tumango habang papalayo sa akin.
"How are you and Tripp?"
"Hi, Hanzel." pag-fist bump ko sa kaniya na nasa harapan ko. Hindi kami nagpapansinan kanina, paano kasi ay abala siyang panoorin at tawanan sila Mauldrene roon. "Pinayagan ko na siya." abot tenga ang ngiti kong saad.
"You're that happy?"
Hindi ko alam kung tinatawanan niya ako o nahahawa lang sa kilig ko.
"Oo naman. Crush ko kaya siya." tawa ko.
"Hahaha! That's cute."
Hindi ko gusto kung paano ako tignan ni Hanzel. Pakiramdam ko isa siyang gutom na hayop.
Sila pa namang dalawa ni Rysen ang mas malapit sa isa't isa.
"Talaga? Nililigawan ka ni kuya?" nanlalaki ang mga mata na Kevs, kita rin ang saya sa mga mata niya. Para bang nabigyan siya ng pag-asa. "Totoo, kuya Hanz?"
BINABASA MO ANG
An Odd Sunshine
RomantizmWould you rather ignore the one who loves you for someone who is in the same situation as you? Merry Joyce had never thought that her first love--the guy she secretly liked--would come into her life to grant one of her wishes: ang mahalin siya nang...