"Ito rin ba 'yung sinasabi niyong kapag may night out kayo sa iisang bahay lang kayo natutulog? Ito ba 'yon?" tanong ko habang hinihintay siyang makuha ang maleta sa likod ng kotse niya.
Nandito kami sa parking space ng bahay niya. Siya ang unang nagyaya na pumunta na rito para daw maayos ko pa ang mga gamit ko. Hindi pa rin ako nakakaligo dahil sa kaniya. Mga 3:00 pa lang naman ng tanghali kaya may oras pa ako lalo na't walking distance lang ang store. Nadaanan namin iyon kanina kaya paniguradong makakatipid din ako sa pamasahe.
"Yes." sagot niya't binuksan ang pinto, "Binilhan ka ng pepper's spray ni Tripp?"
"Oo, responsibilidad daw niya ako, e." sagot ko. Iniwan ko pa ang tsinelas sa labas.
"Good thing. It's for your own safety." hawak niya ang pinto at sinarado iyon nang tuluyan akong makapasok.
Nang makapasok, sinundan ko siya patungo sa couch kung saan niya iniwan ang itim kong maleta, pagkatapos ay binuksan niya ang mga ilaw at AC. Hindi ko magawang makatingin sa sala nang magliwanag ang paligid--shorts, t-shirts, boxers, briefs, lalagyan ng mga pagkain, bote ng alak at kung ano-ano pa ang kalat-kalat sa buong bahay. Umabot pa hanggang sa hagdan.
"Shit, shit--sorry, sorry."
Tumalikod na lang ako't humarap sa pintuan. "Sakto. Kailangan niyo yata ng katulong." biro ko.
"Haha! We're kinda messy. Pero, yes. Kailangan nga rito." pagsabay naman niya sa kalokohan ko kaya natawa ako.
"Okay na. Umupo ka muna, check ko lang 'yung taas." saad niya. Rinig ko naman ang mabibigat niyang paa paakyat sa itaas.
Dahan-dahan kong iniikot ang ulo ko at nakitang wala na ang mga kalat, pero may mga mantsa pa rin.
Wala pa mang isang araw, parang gusto ko nang umuwi. Naalala ko kasi kapag naglilinis ako ng bahay ay kasama ko sila Regina, Rhian at Rhion. Sama-sama kaming naglilinis kapag wala si Mama.
Ngayon... hindi ko na sila makakasama. Dalaw-dalaw na lang.
Imbis na maupo sa couch, ipinatong ko na lang ang bag ko sa ibabaw ng maleta sabay naghanap ng basahan. Hindi ko kayang tignan at hayaan na lang na ganito ang paligid. Kailangan kong maglinis dahil dito rin naman ako magse-stay.
Nang maglakad nang kaunti ang hagdanan, doon ko nakita ang kusinang nasa kaliwa kaya agad akong nagpunta roon.
Maganda ang kusina pero puno rin ng dumi. May mga hugasin pang hindi nahuhugasan, mga balat ng junk foods at prutas na kalat-kalat sa sahig, at basa-basa na para bang umulan.
"Okay na. Just choose which floor you want."
"Dito na lang ako magta-trabaho. Katulong sa umaga, tindera naman sa gabi, ayos lang ba?" saad ko habang ino-obserbahan ang kusina niya.
"Shit. Makalat din pala--" mabilis siyang nagpunta sa harapan ko't sinubukang linisin nang mabilisan ang kusina.
"'Wag mo nang i-try, Rysen. Umupo ka na lang do'n ako na maglilinis. Nasa'n ba mga basahan mo?"
Tila naman namutla ang itsura niya dahil sa tanong ko, "Uhh... I don't think I have one. May taga-linis akong tinatawagan kaya wala ako no'n."
Napabuntong hininga ako. "Maglabas ka ng lumang damit--dalawa--bilis." utos ko.
"I only have expensive clothes here, but I have tons of them back in the house."
"Ayaw mo?"
"Merry Joyce--"
"Dali na, maaga pa naman kaya mag-general cleaning muna tayo." nginitian ko siya.
"Fine." tila nawawalan ng pasensya niyang sagot at tamad na naglakad patungo sa direksyon ng hagdan.
BINABASA MO ANG
An Odd Sunshine
RomanceWould you rather ignore the one who loves you for someone who is in the same situation as you? Merry Joyce had never thought that her first love--the guy she secretly liked--would come into her life to grant one of her wishes: ang mahalin siya nang...