20: Like

13 3 0
                                        

"Ha?"

"Oo, ate Qelly. Daddy niya talaga 'yon." pilit kong pinigilan ang sarili ko sa pagtawa.

"Ahh--g-gano'n ba?" tila hindi niya inasahan ang sinabi ko, pero hindi rin naman niya ganoon pinansin. "Okay! E, nasa'n na 'yung ibibigay mo, Sen?" gumawi naman siya kay Rysen na mukha pa ring lasing na lasing.

"Uhh, ate Qelly, ano ba'ng ininom niyan?"

"Vodka with gin. Bago sa menu namin 'yon," nakatitig lang siya kay Rysen na nakatingin naman sa basong hawak niya. "May high tolerance naman 'yang si Sensen sa alcohol. Nalasing 'yan ng ganiyan kasi ininom niya ng deretso 'yung one bottle. Ngayong paubos na, do'n niya ginamit 'yang baso." iling pa niya.

Iyon pala ang dahilan kaya ang bilis niyang nalasing ngayon.

Kinuha ko mula sa ilalim ang paper bag na dala ni Rysen at iniabot iyon kay ate Qelly. "Ito, ate Qelly. Una na rin kami, ate Qelly, oras na rin." paalam ko't tumayo para alalayan si Rysen na patuloy pa rin sa pag-inom, ayaw bitawan ang bote at baso.

"What?"

"Tara na, uuwi na tayo." bulong ko sa tenga niya habang inaalalayan siya patayo.

Pagewang-gewang siya ngayon. Literal na hindi niya kayang buhatin o kontrolin ang katawan niya dala ng kalasingan.

Hawak-hawak ko ang kamay ni Rysen na nakapalibot sa balikat ko, at ang isa kong kamay ay nakapalibot naman sa bewang niya. Hindi rin maiwasang hindi magdikit ng sobra ang mga katawan namin dahil sa dami ng tao at liit ng daan na dinadaanan namin. Kailangan pa si ate Qelly roon, kaya hindi niya na ako natulungan pang ilabas si Rysen. May kabigatan si Rysen, ubos na ubos talaga ang energy ko pagkauwi sa bahay.

Nang makaapak sa labas ng club, doon ako nakaramdam ng takot at kaba. May mga tao namang nasa labas, iyong iba pa nga ay nakatambay pa. Pero, hindi ko maiwasang hindi isipin na baka sa daan papunta sa bahay ni Rysen ay may nag-aabang na pala sa amin lalo pa't madilim at tahimik doon.

"Why did we stop? May earthquake ba?"

Inis.

Bukod sa ang hirap ng intindihin ng mga salita niya, halos hindi na rin siya mabuksan ang mga mata niya.

Huminga ako ng malalim. Hinahanda ang sarili sa mga pwedeng mangyari. "Ready ka na ba?" tanong ko pa kay Rysen na kanina pa nakatitig sa akin.

"Y-Yes... why?"

Nagsimula na kami sa paglalakad habang inaalalayan siya ng may ingat kahit pa sobrang bigat talaga niya.

Alam kong pangit pakinggan, o nakaka-ilang sabihin, pero halos magyakapan na kami ni Rysen. Nararamdaman ko ang katawan niya sa katawan ko.

"I like you, Joyce."

Napabuntong hininga ulit ako't magkasalubong na ang mga kilay. Pagod na pagod na ako sa kaniya habang siya naman ay kung ano-ano ang sinasabi.

"I like you, Joyce."

Sobra na talaga ang kalasingan niya.

"Joyce, I like you so much that I want to fuck you."

Nanlaki ang mga mata ko at agad na-estatwa sa kinatatayuan namin.

"A-Anong s-sabi mo?"

Inalis niya ang kamay niya sa balikat ko't pwersahan ding inalis ang kamay ko sa bewang niya. "I said I like you so much that I want to fuck you." pag-ulit nga niya nang nakatingin sa mga mata ko.

Tila nawalan ako ng boses. Gusto kong magsalita, pero walang mga salita ang lumalabas sa bibig ko.

Alam kong lasing lang si Rysen. Ganoon pa man, alam kong kapag nasa ganitong sitwasyon siya, pwedeng may mangyari na hindi inaasahan. Ito na siguro ang sinasabi nilang side ni Rysen na manyak. Nakakatawa isipin, pero likas na siguro sa kaniya ito.

An Odd SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon