"MJ, pero sa tingin ko hindi tama na magsinungaling ka sa bata." habol niya sa akin, kasabay ko nang maglakad. "Ako 'yung nagbigay ng cake, hindi 'yung Lorena, bakit nagsinungaling ka?"
Sa tono ng boses niya, para siyang tatay na tinatanong ang anak niya.
"Hindi kami magkasundo ni mama, baka iba isipin niya." tamad kong sagot, hindi siya tinitignan habang patuloy lang sa paglalakad.
"Siya rin ba 'yung may gawa ng mga pasa at sugat mo?"
Sabi ko na nga ba't napansin niya.
"'Wag ka na lang magtanong, 'wag mong pansinin." sinubukan kong hindi ipakita ang inis ko, pero mukhang nahalata pa rin niya dahil hindi niya na ako sinabayan.
Hindi ko ginusto iyong mga sinabi ko kay Lorena kanina. Ngayon, hindi ko rin ginugusto itong kay Kevs kaya ngayon pa lang ay babawi na ako. "Kevs!" sigaw ko.
Naglalakad na siya patalikod kaya wala akong ibang choice kundi sundan siya. Malayo man kami sa bahay, hinihiling ko pa ring hindi lumabas si mama.
"Kevs!" tawag ko ulit.
"Kevs!" sigaw ko pa.
Inis.
Nang dahil sa ayaw pa rin niya akong pansinin, tumakbo ako nang mabilis. Halos bumaliktad pa ang payong ko kaya pinatay ko muna iyon.
"Kevs, para kang bata," hingal kong sabi at hinawakan siya sa balikat, "Ayoko lang na tanungin mo 'ko tungkol do'n. Tanungin mo na lahat sa 'kin 'wag lang 'yon."
Wala pa rin. Hindi pa rin siya humihinto sa paglalakad, dere-deretso pa rin siya.
"Kevs... pasensiya na talaga."
Wala pa rin.
"Kevs?"
Hindi pa rin siya umiimik. Deretso ang tingin niya sa daan--tila masama pa ang tingin dahil sa nakakasilaw na sikat ng araw.
"Sige, dadaanan kita mamaya pagkauwi ko. Siguro naman ayos ka na no'n. Alis na 'ko..."
Isasama ko sana siya sa palengke para makabawi. Kaya lang mukhang nagtatampo siya sa akin kaya huwag na lang.
"Ang harsh mo, ate MJ. Worried lang naman ako. Oo na, para na 'kong bata dahil ang bilis kong magtampo--ano ba dapat i-react ko? Pa'no ba dapat?" tuloy-tuloy niyang saad. Ako ngayon ang nakatalikod sa kaniya, pero naisipan kong huwag muna siyang harapin. "Naninibago ako sa lugar. Mula nu'ng lumipat ako nanibago ako nang sobra dahil wala na 'yung mga kaibigan ko. Hindi mo alam, syempre, pero galing pa 'kong Manila, napilitan lang ako lumipat dito dahil sa kuya ko. Akala ko magiging magkaibigan tayo dahil palagay ko maiintindihan mo 'ko, pero ang harsh mo pala. 'Di tayo bagay dahil sensitive ako... " dagdag niya.
Mula sa boses niya ay halatang nagtatampo talaga siya.
"'Wag mo na 'ko daanan. 'Yung cake na 'yon ang first and last na ibibigay ko. Bye."
Bumuntong hininga ako bago napagdesisyonang humarap sa kaniya, "Kevs, samahan mo 'ko sa palengke." malayo man sa isa't isa, siniguro kong narinig niya ako.
"I don't go there..." walang emosyon niyang sagot habang nakatingin sa kung saan.
"Bibili tayong sangkap para sa graham balls," pilit na tinaasan ko ang tono ng boses, "Diyan natin gagawin sa inyo." panukso ko pa.
Hindi man inaasahan, gumaan ang pakiramdam ko nang magliwanag ang mga mata niya kasabay ng abot tenga niyang ngiti, "Really?! Wait, maliligo lang ako!" excited niyang sabi at patakbong nagtungo sa bahay niya.
Napangiti at nakahinga ako nang maluwang.
"What the heck?! Nilalagay mo 'yan sa graham balls ko?!"
"Anong 'graham balls ko'? Inangkin mo naman mga gawa ko." pagtataray ko.
BINABASA MO ANG
An Odd Sunshine
RomansaWould you rather ignore the one who loves you for someone who is in the same situation as you? Merry Joyce had never thought that her first love--the guy she secretly liked--would come into her life to grant one of her wishes: ang mahalin siya nang...