21: Riri

9 3 0
                                        

Masaya ako.

Masaya ako dahil nakasama ko sa paglalakad si Jake habang nag-uusap tungkol sa kung ano-anong mga bagay.

Sa totoo lang, para lang kaming magkapatid o magkaibigan. Ang dami kasi naming pagkakatulad na kahit kami ay nagulat.

"Alam mo ba kung sinong may pakana nito? Ibig kong sabihin, sinong nagpapunta sa 'yo rito gano'n."

"Si Tripp."

"Ha?"

"Oo, si Tripp. Sabi niya kaibigan niya raw low-key number 1 fan ko."

"P-Pero..."

"Why?"

"Uhh, wala," iling ko.

"Makakausap mo rin sila mamaya. For now, pwede mo 'kong interview-hin."

Natigil ako sa paglalakad, "Makakausap ko sila?"

"Yes, why?"

Inilibot ko ang mata ko, pero wala akong nakitang Tripp, Mauldrene, Rysen, Hanzel, Jon o si Kevs man lang.

Sabagay, baka ang ibig sabihin ni Jake ay makakausap ko sila gamit ang video call, pwede naman iyon.

"Okay," pagtango ko't nagsimula na ulit sa paglalakad. "Ano'ng nasa isip mo nu'ng sinusulat mo 'yung 'Liwanag ng Araw'?"

"The one I'm destined to be with."

Napatango-tango ako, "Naiisip mo rin pala 'yung ganiyan?"

"Oo naman." buntong hininga niya, "I've been through three failed relationships. Long-term lahat 'yon. Ngayon na ilang years na rin akong single, napapaisip na 'ko kung sino ba talaga 'yung final. You know, the right one."

"Sino ba'ng first love mo?"

Tinignan niya ako na tila ba naninigiurado. Nanliliit ang mga mata niya't hindi ko alam kung bakit.

"Napano ka?" tawa ko.

"Hindi lalabas 'to, okay? Another issue nanaman 'to."

"Hahaha! Oo naman!"

"First love ko..." natigil siya sandali. "I don't know how to describe her, pero siya 'yung definition ng: loving, determined and passionate woman in one."

"Wow,"

"Yes. Three years kami, sadly we had to take completely different paths. Gano'n lang talaga. Kahit gusto mong pilitin, kapag ayaw na or hindi na pwede, wala na talaga."

Nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi niya. "Ako kasi hindi pa nagkakaro'n ng boyfriend, kaya ignorante pa 'ko."

"I doubt that. As long as you have an open mind, mature ka, willing kang mag-adjust sa mga changes environmentally, emotionally and mentally, kahit NBSB ka, hindi ka magiging ignorante."

"Ilang taon ka na ba?"

"31,"

"Ano?!"

"Yes, 31."

Nagsalubong ang mga kilay ko sa sagot niya. "Pa'nong nangyari 'yon?!"

"Chill, 31 na talaga ako."

Hindi naman ako nakasagot at hindi na rin makatingin sa mga mata niya. Kahit kailan ay hindi ko naisip na nasa 30's na siya kung ang itsura niya naman ay tila kasing-edad lang namin.

"It's okay, you can be casual to me."

"Pero 31 ka na po talaga?"

"Casual nga,"

"Oo na,"

Pakiramdam ko kanina ay sobrang close na namin sa dami nang napag-usapan namin, pero ngayon ay parang nagkaroon ulit ng pader na humihiwalay sa aming dalawa para maging close.

An Odd SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon