08: October 20

71 12 0
                                    

Nakalabas na ako ng Village. Mga 10 pa lang naman ng umaga, pero sobra na iyong sikat ng araw. May mga tricycle at kotseng dumadaan. Pinagtitinginan ako ng lahat na para bang isa akong baliw. Wala naman akong pakealam. Hindi naman nila alam kung anong nangyari sa akin. Wala rin naman akong choice.

Marami pa akong Village at Subdivision na dadaanan bago makarating sa kanto, mabagal lang din ako maglakad kaya hindi ko alam kung ilang oras ang aabutin ko bago makarating doon. Wala rin naman akong planong sumakay sa jeep na dala itong drawer. Hindi ko na nga talaga alam.

Tama rin naman si Rysen, mukha akong binugbog na pusa. Wala akong mapupuntahan, magulo ang buhok ko at may mga sugat at pasa.

BEEP

BEEP

Inis.

Ang luwang-luwang ng daan--

BEEP

BEEP

BEEP

Magkasalubong ang mga kilay akong lumingon sa likod nang sobrang ma-irita sa kotseng nasa likuran ko.

"Merry Joyce, sakay ka na!" si Mauldrene.

Walang tao sa tabi niya at lahat ay nasa likod. Iyon ang itim na kotse kanina, isang pick-up.

"Okay lang ako!" sigaw ko, masama ang tingin at nagpatuloy ulit sa paglalakad. Masama ang tingin ko hindi dahil sa sama ang loob, pero dahil sa sikat ng araw.

BEEP

"Dali na," pagmamakaawa ni Mauldrene habang dahan-dahan na pinapaandar ang sasakyan kasabay ko.

"Ayoko kay Rysen at Hanzel..." bulong ko sa sarili.

Hindi ko na siya nilingon at tuloy-tuloy pa rin sa paglalakad. Hindi ko na rin naman makita mula sa peripheral view ko ang kotse ni Maulderene. Ganoon pa man, hindi ko nakitang dumaan ang kotse niya sa harapan ko.

Salamat--

"Drene, what's wrong with you?!" rinig kong inis na sabi ni Hanzel.

"Sasama ako," si Tripp, seryoso ang tono ng boses niya.

Napa-iling naman ako dahil sa dismaya. Akala ko pa naman nilubayan na nila ako.

"Merry Joyce--"

Bago niya pa matapos ang sasabihin, "Buksan mo 'yung likod!" naglakad na ako papunta sa gawi nila.

Makulit siya, desperada ako. Ayos na rin.

Nang lumabas siya ng kotse, mabilis niyang kinuha sa akin ang drawer kong bitbit at inilagay iyon sa likuran. Awtomatiko iyong bumukas.

"Tabi." mahina kong sabi kay Rysen na nakaupo sa backseat.

Taka siyang tumingin sa akin pero tinignan ko lang siya at hindi nagsalita. Nang senyasan siya ni Mauldrene ay atyaka lang siya umalis at lumipat sa shotgun seat. Agad naman akong sumakay sa backseat kung saan siya nakapwesto kanina.

"May gusto ka bang puntahan?" tingin sa akin ni Mauldrene mula sa rearview mirror, pinaandar na ang kotse. "O... saan kita ihahatid?"

"Kailangan mo talaga silang iwan do'n?" nakakrus ang mga kamay kong tanong.

Akala ko ay papasok silang dalawa kaya hindi ko sila pinansin, mali pala ako. Iniwan niya lang naman sa gitna ng daan si Hanzel at Tripp.

"Tingin ko kasi hindi sila makakatulong..."

Napa-iling naman ako at tumingin na lang sa daan.

Mas deserve ni Tripp 'yung shotgun seat...

Ilang minutong walang nagsalita sa amin, in-enjoy ko lang ang paligid na nakikita, nang biglang magsalita si Mauldrene. "Sen..."

An Odd SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon