Nagsi-hiyawan sila't pumalakpak nang sobrang lakas.
"Ate Qelly, ate Joyce, ate Klara, Karla at Lorena, sobrang thank you rin sa inyo. Hindi niyo 'ko pinabayaan."
Hindi gaya ng mga lalaki na malokong nagsi-hiyawan, sila naman ay sabay-sabay na nagpunas ng luha.
"Salamat din po sa pagpunta tita Blessy at tito Nards, hindi ko po pababayaan si Tripp." natawa ako.
"Dapat lang!" pag-suporta pa ni Tripp sa kalokohan ko. Ganoon din ang mga nagpi-piano at nagvi-violin na biglang nagpatugtog ng isang love song.
Marami ang tila kinilig sa amin.
"At syempre, maraming salamat din po, kuya Rico. Salamat po sa pagiging mabuti sa 'kin. Alam kong tinuring niyo na rin po akong anak niyo."
Nakita ko ngang nakangiti si kuya Rico sabay biglang nag-finger heart, naiyak tuloy ako at natawa.
"Salamat din, Girbo. Nalapitan din kita, wala ka ring hiningi na kapalit kaya salamat." may sinseridad akong ngumiti sa kaniya.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang natutuwa ang puso ko. Iyong tipong pakiramdam ko ay lumulutang ako sa dagat at hindi ako nakakaramdam ng takot na nangyayari ito. Masaya pa nga ako't kampante at komportable rin.
"Omg! You're twenty na, Merry Joyce?!" tumatakbong salubong sa akin ni tita Blessy habang inaalalayan pa rin naman ni tito Nards. "You don't look twenty at all!"
"Hahaha. Thank you po, tita Blessy. Hindi rin po kayo mukhang mommy ng dalawang makulit na lalaki."
Nag-giggle naman si tita.
"Our gifts our inside your room. Hope you'll like it."
"Oo naman po, tita Blessy! Thank you po!" kusa ko na lang siyang na-hug.
"Mauna na kami, iha. May appointment pa si tita Blessy mo sa doctor niya in Makati. My gift is inside as well. It will keep you safe." tinapik ni tito ang balikat ko't agad naman akong napatango.
"Thank you po, tito Nards. Ingat po kayo ni tita Blessy." paalam ko sa kanilang dalawa at nakipag-beso si tita kaya nakipag-beso na rin ako sa kanilang dalawa.
Pinuntahan nila tita sila Tripp na mukhang nakikipag-usap kay Jake kasama iyong mga tumutugtog. Mukhang busy sila sa pinag-uusapan nila. Hinayaan ko na lang sila't nilapitan si Girbo at kuya Rico na magkatabi sa upuan, tahimik din sila habang nagmamasid.
"Hello po," nahihiya kong bati, "Thank you po sa pagpunta--hindi ko po in-expect 'to."
"Basta ikaw, iha." abot tenga ang ngiti ni kuya Rico. "'Yan 'yung tawang gustong-gusto kong nakikita sa mukha mo."
"Hahaha. Opo, kuya Rico. Magkasama po kayong nagpunta ni Girbo?" turo ko pa kay Girbo na tahimik pa rin at nagmamasid.
"Oo," tinignan ni kuya Rico si Girbo. "Kanina pa siya ganiyan katahimik. Pero kasabay rin naman namin 'yung iba sa mga kaibigan mo. 'Tyaka mga kapatid."
Napatango-tango ako. "Gano'n po pala."
Nang matapos ang ilang segundo, ay siya namang pagbalik ni ma'am Anna kasama ang tatlo pa niyang kasamahan. Dalawa roon ay lalaki habang ang isa naman ay babae. Nagsalita si ma'am Anna sa mic na umupo na raw kami dahil handa na ang sorpresa nila para sa akin. Wala naman na akong maisip na kung anong pwede nilang iregalo sa akin bukod kay Jake, hehehe.
Sa totoo lang, ang makita at makausap si Jake ay sapat ng regalo sa akin. Lalo pa itong celebration na ito kasama ang mga importanteng tao sa buhay ko. Parang debut ko na nga ito, e.
![](https://img.wattpad.com/cover/286116029-288-k469932.jpg)
BINABASA MO ANG
An Odd Sunshine
RomanceWould you rather ignore the one who loves you for someone who is in the same situation as you? Merry Joyce had never thought that her first love--the guy she secretly liked--would come into her life to grant one of her wishes: ang mahalin siya nang...