32: March 8

4 3 0
                                        

Bago namin iniwan ang bahay ni Rysen, sinigurado muna naming walang natirang mga gamit at malinis ang buong bahay. Ang sabi niya ay wala pa naman daw sagot ang parents niya sa gagawin niya. Ganoon pa man, desidido na siya't gusto na raw niyang bumukod talaga para sa peace of mind niya.

Papunta na kami sa bahay ng parents niya. Malapit lang daw iyon sa university nila, ibig sabihin ay malapit lang.

Nasa likod sila Regina at Rhion, natutulog sila. Matagal-tagal din silang naglaro kanina sa bahay ni Rysen, kaya ngayon ay mahimbing ang tulog nila.

"Sa tingin mo papayagan ka nilang bumukod sa kanila ng ganito kaaga? Atyaka, pa'no kung malaman nilang kasama mo 'kong titira do'n sa Manila?"

Hangga't maaari gusto kong mag-isip ng positibo sa gagawin namin, hindi ko lang talaga maiwasang hindi mag-isip ng ganito lalo pa bunso nila si Rysen. Kahit pa magmatigas siya ay may pakealam pa rin sila sa kaniya.

"Nasa tamang edad na 'ko to decide, I have a decision to make. Kung 'di ko 'to gagawin, parang patay na rin ako," sarkastiko siyang tumawa, habang tina-tap ang steering wheel. "Ayaw nila 'kong suportahan, kaya ayaw ko ring pakealaman nila tayo. Don't worry. I'll handle everything, so don't stress yourself out."

"Pero, kaya ba talaga natin? Naiisip ko pa'no silang dalawa."

"'Di ba sila pwede kay tita Mirna? Magpadala na lang tayo every month para sa allowance nila. 'Di na sila nag-aaral, tama?"

Dahan-dahan akong tumango. "Hindi na nga."

"Bigyan natin sila ng allowance every month..."

"Sa'n naman tayo kukuha ng pera?"

"Actually, I receive 10,000 every month from my sister's account. Friend ko 'yung nagrerent sa condominium niya sa San Fernando 'tyaka sa Manila, so I receive a little of something. Padala na lang natin sa kanila 'yon. Ipag-enrol mo na sila ulit."

"S-Seryoso ka ba?"

"Yes, the problem is, will it be enough?"

Hindi ma-proseso ng utak ko ang sinasabi niya. Ayokong maniwala sa sinasabi niya.

"Rysen, teka nga." huminga ako ng malalim bago tuluyang nagsalita ng deretso. "Ano ba'ng sinasabi mo d'yan? Bakit mo naman bibigay 'yung allowance galing sa ate mo kari Regina? Pera mo 'yon. Atyaka, pa'no ka mag-aaral ulit kung wala ka ng allowance? Pa'no tayo mabubuhay?"

"Hahaha! You're so funny!" tawa nga niya, kita ko ang pamumula ng mukha niya dahil sa mga ilaw sa daan. Hapon pa lang naman, pero madilim na kaya sa tingin ko ay uulan. "Ten thousand per month is never enough in taking pre-med course. Hahanap ako ng scholarship or state universities na may pre-med courses. Pareho tayong magwo-work, so may income pa rin naman tayo. Besides, marami akong gamit na mabebenta kapag nagipit tayo. Trust me."

"Ayos lang talaga sa 'yo?"

Ngumiti siya, halos mapatalon pa ng bigla niyang hawakan ang kamay kong nakahawak sa legs ko.

"Yes, Joyce. 'Wag kang ma-guilty. Minimum love pa lang 'to." nag-wink pa siya sa akin sabay hinigpitan ang hawak sa kamay ko. "Do you trust me?"

"Oo naman."

Inalis niya ang pagkakahawak sa kamay ko, "Tayo na ba?"

"'Pag sumama ako sa 'yo sa Manila--"

"It's a yes?"

Abot tenga ang ngiti ko nang tumango.

Dahil sa usapan namin, hindi ko namalayang nakapasok na pala kami sa subdivision kung nasaan ang parents niya. Familiar ang lugar na ito.

An Odd SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon