"Nagse-celebrate ka siguro mentally and emotionally? Connecting with your inner self? Tama?"
Napatango na lang ako, "Pwedeng pahiram ng phone?" pag-iba ko sa usapan.
Agad din siyang tumango at kinuha iyon sa bulsa ng pajama niya, "Salamat." saad ko nang i-abot niya iyon sa akin.
Naka-unlock na ito nang i-abot niya sa akin ang phone, kaya agad akong nakapag-log in. Ang wallpaper niya ay isang anime, hindi ko alam kung sino. Pero halatang gusto niya talaga ang anime.
Bumalik na siya ulit sa pananahi. May suot-suot na rin siyang salamin na mukhang may grado. Halata rin ang sobrang pag-focus niya sa ginagawa, mukhang passion niya talaga ang pananahi.
Bumuntong hininga ako nang maisip kung paano makukuha ang mga gamit ko. Ito nanaman. Wala akong contact number ng isa sa kanila.
Mukhang close naman si ate Qelly at Mauldrene, susubukan kong tanungin si ate Qelly. Pwede ring si Hazel, dahil mukhang close niya si Tripp.
Hazel Cabral
Hazel, close mo si Tripp? Pahingi ng contact number niya...
Sent
Sana lang ay gising pa si Hazel sa mga oras na ito. Lalo na't kaninang 9:30 lang noong nag-out siya.
Qelly Ramos
Hello, ate Qelly. Pwedeng hingiin contact number ni Mauldrene?
Sent
Ito ang unang pag-chat ko kay ate Qelly. Matagal na kaming friends sa Facebook, pero ngayon ko pa lang siya ni-chat dahil kailangan. Para doon ko lang naman ginagamit ito.
"Sa akin ba 'yang tinatahi mo?" tanong ko kay Kevs habang naghihintay sa mga reply nila.
"Oo, mabuti na lang nag-order ako ng maaga sa ganitong tela. Mabilis kasi maubos 'yung ganito."
"Kung may bayad 'yan, thank you na lang." tawa ko.
"Regalo ko na sa 'yo 'to as a welcoming neighbor," kindat niya. "Long time no talk, 'no? Kahit half day lang pasok ko naging busy pa rin dahil sa naging performance namin kahapon." simangot pa niya. Dahan-dahan ang pagsasalita niya dahil nasa pananahi pa rin ang focus niya.
"Oo nga." pagsang-ayon ko naman. "Ilang araw ring na-sold out mga grahams ko kahit dito pa lang ako sa loob ng Village naglalako, pero nu'ng nakaraang linggo umabot ako ulit hanggang kanto."
Noong nakaraang linggo kasi ay hindi ko siya naaabutan dito sa bahay niya. Minsan nagagawa ko naman, pero halata ang pagod sa mukha niya kaya hindi ko na siya iniistorbo. Abala rin ako noon kaiisip tungkol sa away nila mama at tita Mirna. Iyong tungkol sa bagay na iyon.
Dati naman ay naglalako na ako hanggang kanto, araw-araw iyon kaya iyong mga pinagbebentahan ko ay nagsasawa na. May mga araw rin na hindi nauubos ang mga grahams dahil ayaw na nilang bumili, kaya ang ginagawa ko ay dinadala ko iyon sa trabaho at binebenta katulong si Girbo. Pero hindi ko naman ginagawa iyon palagi dahil nahihiya ako. Malaking tulong talaga si Kevs dahil nagustuhan niya iyong mga grahams ko. Pinagsasabay ko lahat hangga't kaya para makapagbigay nang sapat na halaga kay mama.
"Kinokonsensya mo ba 'ko, ate MJ?" pagtigil niya sa ginagawa at deretsong tumingin sa akin.
Natawa naman ako sa itsura niya. "Hahaha! Kung 'yan naramdaman mo--siguro? Hahahaha! Ate Mj pala, ha? Pakiramdam ko tuloy kapatid kita." halos mapunit na ang labi ko sa pagkakangiti. Pero saglit lang iyon at naglaho rin nang maalala ang mga kapatid ko.

BINABASA MO ANG
An Odd Sunshine
RomanceWould you rather ignore the one who loves you for someone who is in the same situation as you? Merry Joyce had never thought that her first love--the guy she secretly liked--would come into her life to grant one of her wishes: ang mahalin siya nang...