"Ako ayaw mo?"
Napaiwas ako nang tingin at napalunok sabay nagmamadaling nilagay ang mga soft drinks sa refrigerator. Ni hindi ko sila ma-ilagay nang sunod-sunod base sa mga tatak nila dahil sa kalokohan nitong si Tripp.
"Merry Joyce, ako ayaw mo nga?"
Hindi pa rin sapat ang lamig ng dalawang AC at sumisingaw na lamig mula sa refrigerator na dumederetso sa mukha ko, dahil nararamdaman ko pa rin ang init mula sa leeg papunta sa mukha.
Ito nanaman.
"Merry Joyce, ako nga kasi?" pagtapik niya sa balikat ko.
Nagkunwari akong busy at nagpatuloy lang sa ginagawa.
"Joke lang--baka akalain mong lasing ako," maloko siyang tumawa kaya napa-iling ako. "I sometimes need to make use of my name."
Pero hindi sa ganitong paraan.
"Bumili ka na kung bibili ka." binitbit ko ang walang laman na case at iniwan iyon sa entrada ng storage area.
"Hmm..." sinundan niya ako hanggang sa may counter, "How about each item that I'd buy is equivalent to one question answered by you?"
Napaisip ako sa sinabi niya.
Kung makukuha ko ang quota ko para sa buwan na ito--sa unang buwan ko--posibleng makatanggap ako nang sapat at makilala ng mga owner bilang may kakayahan. "Para naman tayong bata nito... two. Dalawang item, isang tanong."
"Deal," pagkibit-balikat niya, "No problem."
Napangiti ako. "Wala kaming basket or cart dito. Bilisan mo na lang kasi out ko na mamayang 1:30."
"No problem, Merry Joyce." masaya niyang sabi.
Awtomatiko na yatang lumalapad ang ngiti ko dahil sa ngiti niya.
"Ba't 'di ka pa umaalis?" tumaas ang isa kong kilay. Nasa harap ko pa rin kasi siya't tila may hinihintay.
"I need an assistant," kamot niya sa ulo. "Gagawin ko ng grocery store 'to."
"Hindi pwede. Cashier ako rito hindi katulong mo."
"Fine." tamad niyang saad sabay tumalikod sa akin at nagsimulang kumuha ng kung ano-ano mula sa mga shelves na dinadaanan niya.
Nakaupo lang ako't nakasalumbabang pinagmamasdan siya. Nakapaglinis na ako kanina at nakapag-refill na rin ng ibang mga produkto sa mga shelves at refrigerators kaya wala na akong ibang gagawin sa ngayon kundi ang maupo--maghintay ng customer.
Mukha siyang isang taong ang hirap abutin para sa taong kagaya ko, pero kung tratuhin niya ako--isang taong kailan niya lang nakilala--ay parang pareho lang kami. Nasa itsura naman ni Tripp ang pagiging mabait at makulit. Kahit pa itago niya iyon sa harap ng kapatid niya, lumilitaw pa rin iyon sa mga taong gusto niyang ipakita iyon.
Noong highschool ako, wala akong naging crush, wala rin akong inidolo. Sabihin na lang nating ignorante ako noon, na abala ako sa sarili kong buhay. Paano kasi ay namulat ako agad sa sitwasyon namin. Iyong sitwasyong wala kaming makain, kung sino-sinong lalaki ang pinapapasok ni mama sa bahay, ang pang-aabuso ni mama, at ang desperado kong paghabol sa mga grado ko para manatili sa top.
Kaya noong na-attract ako sa ka-gwapuhan ni Tripp, si Lorena lang ang nag-iisang taong pinag-kwentuhan ko tungkol doon. At ngayon na nagkita kami, para akong nananaginip. Chill lang ako't nagpapadala sa kung saan man ako dalhin ng puso ko.
Kahit pa childhood crush ko siya, nandoon pa rin naman iyong pakiramdam kong nagbabakasakali. Kung sadya bang nangyayari o mangyayari ang lahat ng base sa kung paano ko ito gusto o kung sa paano ko ito hindi inaasahan.

BINABASA MO ANG
An Odd Sunshine
RomanceWould you rather ignore the one who loves you for someone who is in the same situation as you? Merry Joyce had never thought that her first love--the guy she secretly liked--would come into her life to grant one of her wishes: ang mahalin siya nang...