Would you rather ignore the one who loves you for someone who is in the same situation as you?
Merry Joyce had never thought that her first love--the guy she secretly liked--would come into her life to grant one of her wishes: ang mahalin siya nang...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"The way the sunlight reflect through your eyes, does the same with how my eyes glisten."
- secret muna
*/grins
_____
"Buntis ako..."
Sa wakas, nasabi ko rin ang gusto kong sabihin sa kaniya matapos ang ilang linggo kong pag-iisip tungkol dito.
"Ano? Niloloko mo ba 'ko?" hindi makapaniwala niyang sabi, may inis sa ekspresyon ng mukha niya at hindi ko iyon nagustuhan.
"Alam mo naman na fling lang 'yon, 'di ba? I'm still a student! Med student na 'ko! Hindi ako pwedeng mag-stop now that I just started!"
Imbis na magsalita, umupo ako sa kama nang tumutulo ang mga luha. Nanginginig at nanlalamig ang mga kamay.
Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Joyce... Merry Joyce, isang buwan pa lang tayo, ni hindi pa nga kita mahal--"
"Kung gano'n, bakit mo ginawa sa 'kin 'yon no'ng gabing 'yon? Med student ka? Estudyante rin naman ako, ahh." nagtitimpi kong saad, "Isang buwan pa lang tayo, pero matagal na tayo. 'Wag mo sabihing 'di mo ginusto 'to?" huminto ako't huminga nang malalim. "Ngayon tinatanggi mo nang mahal mo 'ko?" nanginginig ang boses ko kasabay ng mga luhang pumapatak.
Inis niyang ginulo ang buhok niya at padabog na umupo sa kama katabi ko. Tinignan ko siya at kita ko ang galit sa mga mata niya. Ganoon pa man, kita ko rin ang lungkot.
Nalilito siya, ganiyan din ako noong una.
"Pwede ka naman mag-working student muna. Mag-e-extra din muna ako hangga't hindi pa masyadong malaki ang tiyan ko. Hindi naman kita pinapahinto. Gusto ko lang na... gawin natin lahat para buhayin 'tong bata." pilit ko, pero bumuntong hininga lang siya nang malakas, tumayo, pumunta sa harap ng bintana at agresibong sinuntok ang salamin nito.
"Alam mo naman sitwasyon ko, 'di ba?"
Tulala niyang saad. Pinagmasdan ko lang siya habang ang luha ko ay deretso pa rin sa pagpatak.
"Oo naman. Pareho lang tayo..."
Sagot ko. Gusto kong tumayo at yakapin siya mula sa likod, pero sobra akong nanghihina.
"I'm sorry... I've did a lot of things to you that cannot be forgiven... but you love me still, right?"
Kalmado na ngang talaga ang boses niya. Hindi ko lang ito gusto dahil nakabibingi ang ganitong aura niya. Para bang... may mali sa kaniya.
"Oo, mahal kita."
Bulong ko. Nakayukong pinaglalaruan ang mga daliri ko, iniisip kung paano na ang magiging buhay namin mula sa araw na ito.
"I'm the dumbest man on Earth... I admit. Pagod lang ako, napapagod din. I love you and our child. I love you, really. I'm sorry."
Nanginginig man ang boses niya, ramdam ko naman ang sinseridad niya na nagpangiti sa akin.
Alam ko namang--
BOOGSH
Mula sa pagkakayuko, agad kong itinaas ang ulo ko upang tignan kung saan nagmula o ano ang tunog na iyon.
Pero bakit wala na ang taong mahal ko sa harap ng bintana?
Tumayo ako. Mabagal na naglakad patungo sa harap ng bintana, pilit na winawakli sa isipan ang posibleng nangyari.
Kung kanina ay nakaupo lang ako dahil sa panghihina, pinilit ko naman ang sarili na maging malakas at matapang sa oras na ilabas ko ang ulo ko mula sa bintana.
Isa...
Dalawa...
Tatlo...
"Hindi maaari..."
Siya nga. Siya nga ang pinagmulan ng tunog na iyon.
———
Just so you guys know, haha, I've been writing since 2020 (devil inside her, EHUY and unreasonable love era which I'll probably publish soon) and yet I haven't finished any story because of doubts and perfectionism. Though right at this very moment, I know that my goal is to finish at least one story which is this.
So whenever you doubt, think about that one goal--that reason why you're writing. Also, sometimes we just need some support. I never felt like someone was supporting me before, thus if you feel the same way, don't hesitate to message me. I'm going to support and give you words of affirmation. Let's help one another through this journey.