02: Ate

103 17 48
                                        

Siya, si Rysen, ang lalaking minsan ay nag-aabang sa harap ng store bandang 10 ng gabi. Regular customer na namin ang hinihintay niya palagi, iyon ay isang babae na mukhang mas may edad sa kaniya. Minsan din ay nagkakasagutan sila sa store, hindi niya kaya ako namumukhaan?

"Ayos ka lang, Merry Joyce? Sorry, may tama kasi ng alak 'yon." kamot ni Mauldrene sa ulo.

"Me, too." tinaas pa noong isa ang kamay niya, "We haven't slept properly like you did, and yet this man..." pinalo niya sa balikat ang lalaking katabi ni Mauldrene at Rysen kanina, "...keep on telling us to go to school! Are you dumb?"

"Tss! If only you ignored Louie's challenge, we're not going to be here! We're supposed to be at school, midterm is coming, Zel!"

Tumango-tango naman iyong isa na parang natauhan, "Right, schoolboy." tumingin siya sa akin at ngumiti, "Hi! I'm Hanzel, I promise not to hassle you once we get close--chinito rin ako." kindat pa niya. Tila confident na lahat ay gusto sa chinito.

"Uhh... proper introduction, ehem..." singit naman noong isa pa. "I'm Jon, a future surgeon." taas noo niyang pagpapakilala. Mukha siyang anghel, ang liit ng mukha niya, makapal ang kilay, manipis ang mga labi at parang mata ng manika ang mga mata.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon o sasabihin ko. Ang gagwapo nila at ngayon ay unti-unti na akong na-iilang sa kanila. Hindi ko alam kung bakit ngayon lang pumasok sa isip ko ito.

"Uhh, Merry Joyce, as in Merry Christmas--" nakagat ko ang ibabang labi dahil sa nakakatawa kong pagpapakilala. Nasanay kasi akong ganito magpakilala dahil laging namamali ang spelling ng pangalan ko.

Iwinakli ko na lang sa isipan ang pagka-ilang at hinarap sila ng buong tapang.

"Haha! Ang cute naman." tawa noong Jon, pero iyong Hanzel ay biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha at walang sabing lumabas na lang.

Taka akong sinundan siya nang tingin.

"Merry Joyce, ihatid na ba kita?" si Mauldrene. Halata talagang hindi sila gaanong nakatulog dahil ang lalim ng mga mata nila.

"Pa'no ba 'ko napunta rito?" inalis ko ang kumot na nakabalot sa akin at ibinaba rin ang mga paa sa sahig.

"Nakatulog ka kasi. Ginigising ka namin ni Qelly, pero ayaw. Hiniga ka namin doon sa may couch tapos nu'ng pwede ka na sa pahingahan nila nilipat ka namin dito." paliwanag niya habang pinagpapatong-patong ang mga monoblock na upuan.

"'Yung mga kaibigan mo? Atyaka 'yung camera? Pwede ko bang mapanood 'yung na-record no'n?" natigil siya sa ginagawa at napahawak sa batok.

"'Y-Yung sa camera, alam ni Qelly 'yon... actually, nandito siya." turo niya sa ikalawang papag ng double deck.

Dali-dali naman akong tumayo at sinilip iyon. Medyo may kataasan ang double deck pero nakita ko naman agad si ate Qelly dahil nakaharap ang mukha niya sa amin. "Wala raw siyang tiwala sa 'kin kaya 'di siya umuwi."

"Alam ko namang hindi ka gano'n."

"Thanks, I guess." naging masigla ang mapungay niyang mga mata ng ilang segundo. "Pero hindi ka dapat magtiwala agad."

Tumango ako.

"Uhh, m-miss Merry Joyce..." alangang tawag naman noong Jon, "...'yung tungkol naman sa amin--kami nila Rysen at Hanzel--usually kasi kapag may night-out sa iisang bahay lang kami natutulog. Nagtaka kami kung bakit sinabi ni Mauldrene na hindi siya uuwi kaya pinuntahan namin siya. Marami kaming nainom kaya nakatulog kami agad nang hindi ka napapansin. Pagkagising namin, ngayon, do'n ka pa lang namin napansin." pagpapaliwanag niya. "Please don't jump to conclusions just yet."

An Odd SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon