35: An Odd Sunshine

8 3 0
                                    

Sa isang linggo pang lumipas, wala kaming ibang ginawa kundi maghanap ng university na babagay sa amin. May mga nahanap naman kami, pero parang nakukulangan daw si Rysen at alam niyang may hihigit pa sa limang pinag-inquire namin.

May choice siya kung babalik siya sa first year, o ipa-credit niya iyong mga subjects na na-take na niya sa dati niyang university.

Pero mas pipiliin na raw niyang samahan ako mula first year, ayaw niya raw akong mahiwalay sa kaniya. Biro niya pa ay gusto raw niya akong bantayan buong araw. Alam ko namang nagbibiro lang siya at praning dahil sa dating nangyari sa kaniya, pero sinabihan ko pa rin siyang ayokong maging obsessive siya sa akin dahil gusto kong magtiwala siya sa akin.

Humingi siya ng sorry, tinanggap ko naman iyon. Sinabi niyang gusto niya lang daw akong kasama. Na gusto niyang magsimula kami ng sabay sa bago naming journey.

Pumayag ako, kahit ako naman ay gusto kong magkasama kami palagi.

Kaya wala kaming tigil sa paghahanap ngayon.

Nandito nga pala kami sa condo ni Lorena. Ang sabi sa akin ni Lorena ay may mga alam siyang universities na malapit lang din naman sa apartment namin, kaya pumunta kami ni Rysen. Kahit daw private ang mga iyon ay nag-ooffer din naman daw ng scholarships, kaya niya raw kaming i-refer sa tulong ni tito. Ang sabi ni Rysen ay i-grab na namin, next week kasi ay pasukan na.

"So, anong naisip niyo't nagtanan kayong dalawa?"

Namimili kami ngayon ng mga universities gamit ang mga brochures na binigay niya.

"Para sa pangarap," saad ko, abala si Rysen at mukhang ayaw niya ma-istorbo. "May alam ka ring work?"

"Love, I already told you, we're gonna focus on our studies."

"Hindi tayo makaka-survive. Wala tayong pera."

"Trust me, please." tinignan niya ako't hinawakan sa kamay. "Pinag-usapan na natin 'to."

"Sige," kibit-balikat ko na lang, "Basta kaya mo akong buhayin, pati 'yung mga pilit kong binubuhay, sige."

"Thank you,"

Natawa naman sa amin si Lorena sabay iling-iling.

"Ito na lang," unang pinakita sa akin ni Rysen ang university na napili niya, at tamang-tama dahil iyon ang una kong option. "What do you think?"

Nakipag-apir ako sa kaniya't binigay namin iyon kay Lorena.

Agad na tinawagan ni Lorena si tito. Good news agad dahil ninong ni Lorena ang director doon. Sa loob lang ng ilang minuto ay nakapasok na agad kami sa scholarship nila, ang kailangan na lang namin ngayon ay ipasa ang mga documents na kailangan naming ipasa.

"Sigurado ka na?" hila sa akin ni Lorena nang palabas na ako, si Rysen ay nauna na sa labas.

"Ayaw mo ba siya?"

"Gusto ko siya. Blooming ka nga, e, mukhang masaya ka sa kaniya."

"Oo naman," ngiti ko. "Thank you, Lorena. Thank you sa lahat. 'Tyaka na tayo mag-bonding."

Tumango siya. "Lakarin niyo muna mga kailangan niyong lakarin. Update niyo 'ko."

Bago umalis ay niyakap ko siya sa huling sandali. Nagmamadali kami kaya iyong sinadya namin sa kaniya ay iyon lang ang ginawa namin. Dinaanan nga lang namin siya dahil malapit lang ang kinainan namin sa condo niya. Medyo malalim na rin kasi ang gabi.

Nasa loob na kami ng sasakyan ni Rysen ngayon. Rush hour na, kaya ang tagal bago gumalaw ng mga sasakyan.

"Are you ready to study again?"

An Odd SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon