Gaya nang inaasahan, hindi pa rin kami maka-move on sa eksena kanina, bakas pa rin ang tuwa sa mga mukha namin. Iiling, titingin kay Kevs sabay tatawa ang ilan sa amin. "Manahimik na kayo! Cosplayer ako hindi clown!" reklamo ni Kevs.
"Oo nga nama--whoa! Yes!" masiglang saad ni Jon nang tumuro ang bote kay Hanzel. Natutuwa siguro siya dahil siya ang magtatanong.
"Truth or dare?"
"Truth..." mabilis na sagot ni Hanzel, "This would be the first and last..."
"Hmm..." pinagkrus ni Jon ang mga kamay niya habang nag-iisip.
"Faster." pagpitik-pitik ni Hanzel sa daliri niya.
"Okay, this!" pinalo ni Jon ang sahig, "Who, among us here, would you date?--consider us men as women."
"All of you aside from her because you guys are worthy." mabilis pa rin ang pag sagot niya at inginuso pa ako.
Lahat sila bukod sa akin?
"Ha?" si Jon.
"What?" magkasalubong ang mga kilay ni Mauldrene.
Hindi nila inasahan ang sagot niyang iyon--ganoon din ako.
"I mean, hindi ko pa siya kilala--" pagpapaliwanag niya. Akala ko ay may kadugtong pa iyon pero nang kunin niya ang isang bubble gum sa bulsa sabay binalatan iyon sa harapan namin, maingay lang siyang ngumuya at inosenteng tinignan kami. "What?"
Naghari ang nakaka-ilang na katahimikan. Naglaho ang tuwa sa mga mata at ngiti sa mga labi namin. Hindi ko magawang ngumiti, kahit pilit lang, dahil sa naging sagot ni Hanzel. Ganoon pa man, tama nga siguro ang sagot niya dahil hindi niya pa ako lubusang kilala.
Ganoon din kaya ang isasagot ng iba kung sakali? O kung ibang babae ang nasa pwesto ko?
"Next," seryosong kinuha ni Mauldrene ang bote at siya mismo ang nagpaikot doon.
Tahimik pa rin ang lahat, ang pag-ikot ng bote at pag-nguya lang ni Hanzel sa bubble gum niya ang naririnig na tunog.
"Kuya Tripp..." mahinang anunsyo ni Kevs nang tumuro ang bote kay Tripp. Paiba-iba ang tingin sa amin ni Kevs, ino-obserbahan kami. "Ate MJ, ikaw magtatanong." pag-papaalala niya sa akin kaya agad akong napatango.
"Uhh, t-truth or dare?" ilang kong tanong, deretsong nakatingin kay Tripp na nasa harapan ko.
Pilit kong iwinawakli sa isipan ang naging sagot ni Hanzel bago pa ako mapa-iyak sa harapan nila. Alam kong hindi tamang umiyak ako, pero kasi punong-puno ako sa mga oras na ito.
"Dare..."
Rapist papa ko...
Lumayas ka na!
Kinamumuhian kita...
Because you guys are worthy...
Mas mabuti ngang hindi nila ako makilala nang lubusan. Kapag nalaman nila ang tungkol kay mama at papa paniguradong magiging sigurado sila sa sagot nila.
"Tama..." mahina kong sabi.
"Merry Joyce?" si Tripp
Ngumiti ako, "I dare you to punch Rysen in the face."
Hindi siya nakasagot at naiwang nakaawang lang ang bibig.
Tinignan ko ang reaksyon ni Rysen, sarkastiko siyang nakangisi sa akin. "I love that idea--your accent, too!"
Nawala ang ngiti ko't hindi siya pinansin pa. Tahimik lang sila habang pinagmamasdan kami, tumayo naman ako at deretsong pumunta sa hagdan para kunin ang cake sa itaas.

BINABASA MO ANG
An Odd Sunshine
RomanceWould you rather ignore the one who loves you for someone who is in the same situation as you? Merry Joyce had never thought that her first love--the guy she secretly liked--would come into her life to grant one of her wishes: ang mahalin siya nang...