14: Parents

40 6 7
                                    

Finally, nandito na full version ng Liwanag Ng Araw by Jake (na composition ko) na favorite ni Merry Joyce. Hope you'll like it. :))

-----

"Ano'ng alam mo?" huminto ako sa pagtakbo, ganoon din si Tripp, pero si Rysen ay dere-deretso pa rin. "H-Hoy! Rysen! Ano'ng alam mo?!"

"Sen!"

Nang hindi siya huminto at tila walang narinig, tumakbo rin ako nang mabilis para maabutan siya sabay hila sa buhok niya.

"Ouch!" magkasalubong ang mga kilay niyang daing.

"Anong... alam mo?" hingal kong tanong.

Tinitigan niya ako sa mga mata ng ilang segundo. "That day... that night..." ibinaba niya ang headband sa ulo niya at ginulo ang buhok, "I... started stalking you--it was out of curiosity--bakit gano'n 'yung itsura mo--"

"Bakit ako mukhang binugbog na pusa? Hanggang ngayon? Hindi ka ba nagsasawa? 'Yon pa rin, Rysen?"

"Sorry."

"Kaya siguro bumait ka, tama?"

"I... I just felt like we're on the same page." kibit balikat niya.

Napakamot ako ng kilay, at pagkatapos ay inilagay ang dalawa kong mga kamay sa bewang, "Sige." bumuntong hininga ako. "Ayos lang... kahit na naiinis ako dahil pakiramdam ko nagmukha akong tanga... ayos lang. Sana sinabi mo na lang agad."

"Hindi ka nagmukhang tanga, ang tapang mo nga."

Hindi ko siya pinansin at sinenyasan na lang si Tripp na lumapit sa amin bago nagsimulang maglakad nang mabagal; ang layo pa kasi niya. "Hahayaan kita, wala naman akong magagawa, e. Sana lang sinabi mo agad kasi pagod na 'ko ka-iisip... hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko, kung pa'no na 'ko, sino ako--ang daming pumapasok sa isip ko pero wala akong masabihan."

"Mali 'yung ginawa ko. I invaded your privacy--"

"Wala na rin naman nga akong magagawa dahil nalaman mo na--nandito na, e. Ayos lang 'yon." ngumiti ako. "Sa tingin mo, Rysen, ano'ng dapat kong gawin kung ikaw nasa sitwasyon ko?"

"Almost two weeks din yata kitang sinusundan... na-realized ko agad na matiisin kang tao." tumango siya nang dahan-dahan, "It's like you can overcome and cope with everything reluctantly and yet wholeheartedly."

"Wow, hahaha. Talaga?" kung kanina ay medyo pilit ang ngiti ko, ngayon ay abot tenga na. "Nakakapagod din kasi mag-isip, alam mo 'yon? Kaya parang... bahala na, mangyari na 'yung mangyayari, mawawalan na ako nang pakealam."

"Pagod ka na." sinuklay niya ang buhok niya gamit ang mga daliri. "Gano'n na ba talaga mama mo sa 'yo? Since then?"

"Oo." mabilis kong pagsagot, "Iniwan niya pa nga 'ko no'n sa tita ko nu'ng nine-year-old ako para puntahan 'yung boyfriend niya sa Saudi. Ang hirap para sa 'kin. Hindi ako gaya nu'ng ibang bata noon na pinagsisilbihan kasi ako dapat 'yung manilbi. Sa edad kong 'yon kinailangan kong maging magaling sa gawaing bahay kasi tumutulong ako kay tita--nakikitira lang ako, e. Pagkatapos ng dalawang taon kinuha niya ako may kambal na siya kaya kinailangan ko ring bantayan, halos dalhin ko pa nga sila sa school para lang mabantayan sila habang nag-aaral. Tapos ayon, limang taon ulit nanganak nanaman siya." sarkastiko akong tumawa. "Hindi ko alam kung pa'no ko nakayanan lahat--parang torture, e. 'Yung tipong kakain ka, maliligo, matutulog ka na may mga lalaki siyang kaharutan para sa pera. Ito pa, nu'ng high school ako tuwing sabado't linggo pumapasok akong katulong sa tita ng kaibigan ko, pero nagawa ko pa ring mag-stay sa top 5. Namasukan pa rin ako nu'ng senior high, tapos nu'ng naka-graduate na namasukan naman ako araw-araw hanggang sa nag-apply na ako sa may convenience store." napa-palakpak ako nang mabagal sa napagtanto. "Ang galing ko pala... nakakayanan ko--nakayanan ko... naging responsable akong ate sa kabila ng lahat..."

An Odd SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon