Hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay ni Tripp ay nakahawak pa rin ako sa balikat niya. Si Lorena naman ay nasa tabi ko at kanina pa ako sinisiko-- pangiti-ngiti pa siya sa akin habang nginunguso ang mga kamay ko.
Ito ang unang beses kong pagpunta sa bahay nila Tripp. Nakakamangha ito sa laki. Kung malaki ang bahay nila Rysen at mayroon ding pool, ang bahay naman nila Tripp ay mas malaki pa roon lalo na ang bahagi kung nasaan ang pool. Tatlong palapag din ang bahay nila at sobrang laki talaga tignan kahit nasa malayo pa. Mataas din ang bakuran nila at ang gate nila ay sobrang secured dahil wala kang makikita na kung ano mula sa loob.
Pati ang mga tao ay nakakalula. Makikinis ang mga bata nila, matatangkad, at nasa porma talaga nila na mayroon silang kaya kahit babae pa o lalaki-- ka-edad man namin o hindi. Hindi ko talaga maiwasang tignan ang mga postura nila.
"Oh, hi, Tripp! Long time no see!"
Kusa akong kumawala sa pagkakakapit sa balikat niya ng batiin siya ng isang lalaki na kasing-tangkad niya. Moreno iyon at tila basketball player. Sa nakikita ko ay parang magkahawig din sila, siguro ay magpinsan sila.
"Yeah, how's school?" si Tripp at nakipag-fist bump sa kaniya.
"Psh! Loving it! Let me help you." at kinuha nga niya iyong cake na hawak-hawak ni Tripp habang ang backpack ko naman ay si Tripp ang may bitbit.
Kahit mga ngiti nila ay pareho.
"Jay, this is Merry Joyce," hinawakan ako ni Tripp sa likod. "Riri, this is Jay, my cousin."
"Uhh, hi. Ako si Merry Joyce as in Merry Christmas." nahihiya kong saad sa lalaki.
"Hahaha! That's funny!" inabot niya ang kamay niya sa akin at nakipag-shake hands. "Ikaw pala nililigawan ng pinsan ko." pagtango-tango niya kaya ngumiti na lang ako. "How's the status, though? Still in courting stage?"
"Oo, e." ngiti ko pa rin. "Best friend ko pala." pagpapakilala ko kay Lorena. Nawawala na ako sa sarili, hindi ako makapag-focus nang maayos dahil sa kamay ni Tripp na nasa likuran ko pa rin.
"Hello, my name's Lorena. Nice to meet you."
"N-Nice to meet you, too."
"Jay, hatid ko muna sila sa room nila. We'll be right back." pag-fist bump nga ulit nila sa isa't isa.
"Okay, balik kayo, ha!" tawa niya.
Ngumiti naman kami ni Lorena. Kay Lorena na ako nakakapit ngayon dahil sa wakas ay hindi na nakahawak si Tripp sa likuran ko.
"Nasa'n pala si tita Blessy?"
Kanina pa ako tingin ng tingin sa paligid, pero hindi ko pa rin makita si tita Blessy at tito Nards.
"With my grandparents," sagot niya sa akin.
Dumaan kami sa pool kung nasaan halos ang mga bisita. Wala naman kaming ibang ginawa kundi ang ngitian sila bilang ganti sa pagbati nila sa amin at kay Tripp.
Mukhang mababait sila at marunong makisama, hindi gaya ng mga napapanood ko sa teleserye noon, hehehe. Ito siguro talaga ang reyalidad.
"Here, come in."
Sinundan namin si Tripp at pumasok kami sa loob ng bahay nila. Dumaan kami sa gilid ng bahay nila kung saan mayroong sliding door. Pagbukas na pagbukas niya sa pintuan ay agad na sumalubong sa amin ang maraming tao, may kaniya-kaniya silang ginagawa-- may umiinom ng wine, may kumakain ng junk food, meron ding nagtatawanan. Hindi naman kami gaanong napansin, ganoon pa man, may isang babaeng agad na tumayo nang makita kami.
"Oh, Tripp! I missed you!"
Hindi na naalis ang mga tingin ko sa babaeng tumawag kay Tripp. Mula sa pagtawag niya hanggang sa paglapit nila sa isa't isa ay nakatingin ako sa kanila. Nakasuot ng kulay pink na alter top at white pencil skirt iyong babae, may hawak din siyang wine sa kanang kamay niya habang sa kabila naman nakasabit ang beige niyang bag. Matangad din siya dahil halos maabot na niya si Tripp kumpara sa akin na hindi pa umabot sa balikat niya.
BINABASA MO ANG
An Odd Sunshine
Любовные романыWould you rather ignore the one who loves you for someone who is in the same situation as you? Merry Joyce had never thought that her first love--the guy she secretly liked--would come into her life to grant one of her wishes: ang mahalin siya nang...