Binuksan ni Jake ang pintuan ng sasakyan niya para sa akin. Hininaan niya rin ang aircon ng sasakyan niya dahil sa klase ng suot kong damit.
"Na-surprise ka ba?"
Tumango ako, "Oo naman. Bigla ka kasing lumitaw."
"Hahaha! Ready ka na ba?"
"Uhh, sa'n ba tayo kakain?"
Ini-start na niya ang sasakyan, kita ko pa si Lorena na nasa labas at abot tenga ang ngiti.
"I made a reservation sa favorite restaurant ko. Sa private room tayo, kung ayos lang sa 'yo." napakamot siya sa ulo niya. "I'm just trying to avoid the public's attention. Baka ma-link ka pa sa mga issues."
"Oo, ayos lang sa 'kin." napatitig ako sa kaniya. "Ngayon ko lang napansin..."
"Alin?"
"...ang ganda pa rin ng boses mo kahit sa normal mong pagsasalita."
"Wow!"
Natawa ako sa biglaan niyang pagsigaw. Para naman siyang nanalo sa lotto, e.
"You're frank. You're really a fan, huh?"
"Oo naman!"
"Kumusta naman? Hindi ka na pala nag-aaral?"
Dahan-dahan akong napatango. "Oo, e."
"No offense meant, okay?" nginitian ko siya. "Your sacrifice is something that's hard to do. Sacrificing your life for the tomorrow of your siblings without even thinking about yours?"
"Iniisip ko rin naman 'yung sa 'kin. Pero least priority ko 'yon."
"Still-- you really love them. Ganiyan pala magmahal ang number one fan ko."
Napa-iling na lang ako sa sinabi niya. "Bakit pala gusto mo 'ko ilibre? Wala ka bang ibang kaibigan?"
"Ouch," humawak pa siya sa dibdib niya na tila nasaktan siya. "Ayaw mo ba 'ko kasama? That's harsh."
"Hindi naman sa gano'n, curious lang ako. Pwede namang iba, bakit ako?"
"Hahaha, that's cute..."
Weird. Hindi ko alam ano ang cute na sinasabi niya.
"...wala. Nakita ko si Lorena, your friend, waiting for a taxi. As a good person, syempre hinatid ko na siya. She said she was in a hurry for you, sabi ko libre ko kayong dalawa ng dinner-- pero ikaw na lang daw."
"Sabi na, e."
"Let's take a picture." aya niya, wala naman akong nagawa kung hindi ngumiti dahil agad niyang nalabas ang phone niya.
Nakahinto naman ang sasakyan dahil sa stoplight kaya ayos lang.
Hiningi niya sa akin ang Instagram account ko at sinend sa akin iyong litrato. Ni-follow niya ako't ganoon din ang ginawa ko.
Ang sabi niya'y hindi na niya ako ime-mention sa story niya. Ang importante raw ay alam namin ang isa't isa. Nagkwentuhan din kami habang nasa biyahe. Tinanong niya kung paano ko nakilala sila Tripp, kung ano ang mga nangyari sa aming lahat at kung may balak daw akong ituloy ang pag-aaral ko.
Sa sobrang komportable ko sa kaniya dahil sa pagkausap niya sa akin, nasabi ko sa kaniyang may gusto ako kay Tripp. Hindi ko inasahan ang sagot niya, sabi niya lang ay "halata naman" at pareho raw kami ng nararamdaman ni Tripp. Kahit kailan daw ay hindi siya tinawagan ni Tripp-- o nakiusap-- para kumanta sa isang kaarawan. Mataas daw ang pride ni Tripp pagdating sa kaniya, kaya natawa ako't kinilig.
Ito nanaman. Isa nanaman ito sa mga pangyayaring mahirap paniwalaan para sa akin. Paano ay nakasama ko sa isang sasakyan ang paborito kong singer, bukod doon ay naka-duet ko siya-- at ngayon ay makakasama ko siya sa pagkain na kaming dalawa lang at sa mamahalin pang kainan.
BINABASA MO ANG
An Odd Sunshine
RomanceWould you rather ignore the one who loves you for someone who is in the same situation as you? Merry Joyce had never thought that her first love--the guy she secretly liked--would come into her life to grant one of her wishes: ang mahalin siya nang...