09: December 1

64 12 0
                                    

"Salamat," abot ko kay Rysen ng phone niya. Kinuha niya iyon gamit ang isa niyang kamay habang ang isa ay nasa manubela.

"Teka, pa'no pala 'yung mga damit ko?"

"Babae naman 'yung kaibigan mo sa Manila?" tanong niya habang ang tingin ay palipat-lipat sa akin at sa daan.

"Oo."

"Humiram ka muna. Babalik ka rin naman yata bukas."

Tumango naman ako't hindi na nagsalita. Siguradong pahihiramin din naman ako ni Lorena.

Ilang oras pa ang magiging biyahe namin, pero medyo na-iilang na ako. Iba kasi ang atmosphere rito sa loob ng kotse kumpara noong nasa loob kami ng bahay nila. Dito, literal na kaming dalawa lang, doon ay kasama pa namin si manong Darly at malaki pa ang space roon kumpara dito.

"Wala ka bang boyfriend?" saglit siyang tumingin sa akin bago ibalik iyon sa daan.

"Importante ba 'yan." mahina kong sabi. Pansin ko kasing nadadagdagan ang mga nagtatanong.

"Siya naman siguro maghahatid sa 'yo kung meron," tango-tango niyang sabi. "You can sleep there or at the back if you want."

Pilit akong gumiti sabay sumandal nang maayos habang nakatingin labas.

"Uhh... no offense." saad niya dahilan nang paglingon ko sa kaniya. "Mauldrene and Qelly might not know that I know about it but... I'm just wondering and been dying to ask how it feels that your body's still present even though you're sleeping?"

Mabilis na nanlaki ang mga mata ko. "Nakita mo akong ginagawa 'yon?!"

"Hahahaha! Bakit ganiyan reaction mo? There's nothing wrong with that."

"Reaction?!" napahinto ako at napagtantong iba nga ang reaction ko at parang ang  OA. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang nagiging reaction ko. Siguro ay hindi lang talaga ako makapaniwala na ginagawa ko iyon, at kaya iyong gawin ng katawan ko.

Huminga muna ako nang malalim bago sumagot ulit. "Ganito reaction ko kasi nahihiya ako sa inyo. Malay ko bang pinagtatawanan niyo ako habang ginagawa ko 'yung bagay na 'yon o kung ano mang ginawa ko--tapos ako pa mismo hindi alam na ginagawa ko 'yon kaya--"

"So, nahihiya ka?" ngisi niya habang umiiling-iling kaya napa-irap ako. " Ganiyan ka pala mahiya ang weird--bigla ka na lang sasabog--boom! Hahaha! Pero, I find it cute--you're like a baby sucking your thumb when sleeping."

"Gano'n ka-inosente?" tumaas ang kilay ko, "Pwede, pwede." kunwari ay natutuwa kong sabi.

"Actually... I know someone who does that, too."

Napatingin ako nang deretso sa kaniya. "Seryoso ka? Sino?"

"Sikreto 'to, okay?" pigil niyang tawa, tumango naman ako habang may ngiti sa mukha, excited na malaman kung sino ang taong tinutukoy niya. "Trisha... my sister."

"T-Talaga?! Wow, hahaha! May karamay na 'ko!" masaya kong saad.

"I take a photo of her every time."

"Isusumbong kita." banta ko.

Nagkibit-balikat naman siya at tumatawang inayos ang buhok.

"Pero sa tingin mo, bakit namin ginagawa 'yon?" napakunot ang noo ko at pinagkrus ang mga kamay.

Matagal bago siya sumagot, tila nag-isip pa nang mabuti. "Possibly because wala talaga kayong self-control?"

"Kami? Kung wala nga kaming self-control, matagal na kitang nasampal."

An Odd SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon